"MIRASOL."

12 3 0
                                    

Naakit sa kapusukan, nadala sa maling paraan.
Namukadkad sa matang luhaan.
Nadiligan ng luhang hindi maunawaan.
Dahong umusbong sa samut saring kalituhan.

Tunay na kay ganda yaring mirasol.
Tila sumasabay sa pagsayaw ng hanging sumisipol.
Isabay pa ang dahang-dahang palagas na talulot.
Umaani ng halimuyak sa isip ko'ng sakit nanunuot.

Mirasol ano't tila nangangamba ka.
Huwag mo ng hanapin sinag niya.
Pagkat ang sinundan mo'y hindi tama.
Nabakli katawan mo't nahulog sa lupa.

Talulot na nagsisilbing palamuti.
Kintab sa gitna na tila napapangiti.
Hinanap yaring direksyon ng araw.
Nagkaroon ng sistemang nakaktunaw, pero gandang hindi nalulusaw.

Mithiin ko'ng mahagkan at mahaplos ang mirasol.
Ngunit pinipigil, mata'ng nahiwagaan.
Tunay na ganda, humalimuyak sa paligid.
Paro-paro'y naakit, sa halimuyak ng pag-ibig.

Mirasol na kasuyo'y araw, gandang nakasisilaw.
Sa matang ang layo ng tinatanaw.
Kamay na naisipang haplusin, naibsan sakit na isipin.
Natuyot na bulaklak, nahulog sa lupat katawang bumagsak.
Kahit ano'ng tayo't tibay ng bulaklak.
Napapagod din mirasol na pilit iangat.
Puso'ng laging binibiyak, pusong walang ibang hinangad.
Kundi mapansin yaring araw na sinusundan. Mabigyan ng kislap sa natutuyong katawan...

TULA (POETRY)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon