"BUWAN."

8 3 0
                                    

Nakaupo sa dalampasigan, dinaramdam ang hagupit ng agos sa paanan.
Lungkot sa mata'y nasisilayan,
Habang nakatingin sa buwan.
Hindi ba't buwan, ikaw rin ay may kalungkutan, na iyong itinatago sa liwanag na sayo'y nasisilayan?

Naghihintay ako sa muling pagbabalik mo,
Hinihintay ko parin bawa't yakap, at dampi ng halik mo.
Ngayon ako'y nag-iisa sa dalampasigan, at nakakapit ang kalungkutan.
Nakatali pa rin sa iyong pangako'ng binitawan, na ika'y babalik sa ating tagpuan.

Mabuti pa ang buwan, may kasuyong mga bituin.
Mabuti pa ang araw may kasamang liwanag.
Ngunit ako'y patuloy pa 'ring naghihintay, sa pagbabalik ng aking ginoong minamahal.

Aking ginoo hinihintay pa 'rin kita,
Iniisip kung kailan ka makikita.
Araw na ikaw ay umalis bigla, hindi nag-paalam kaya kabog ng dibdib ay lumala.
Isip ko'y tuliro, puso ay bigo, pagkat hinihintay ko pa rin pusong mapaglaro.

Kapit-kamay, hanggang may buhay,
Paghihintay ay nakaratay, sa muli mong pagbalik sa aking buhay.
Mata'y may luhang nakaagapay,
Baka ako'y lumagpak sa malalim na hukay.

Patuloy kitang mamahalin, kahit wala ka man sa 'kin.
Isip ay ikaw pa rin, nawa'y ako'y palarin.
Na hindi na muling luha ay bumitin,
Wagas na pag-ibig, ihiga sa iyong bisig.

Kislap ng tala, ikaw ang nakikita.
Bawat kanta, ikaw ang nota.
Bawat tula, ikaw paksa.
Dahil ikaw lamang aking ninanasa, na mapasakin, kahit ikaw ay malayo at wala sa aking piling.

Ikaw ang dahilan, kaya ako'y nagkaroon ng kasiyahan.
Walang lungkot ang masisilayan,
Kundi ngiti sa labi lamang.
Pagkat ikaw lang ang ginoong minamahal ko ng lubusan.

Ngunit ngayong wala kana hinhintay parin ikaw sa ating tagpuan.
Nakatingala sa buwan, luha ay puno ng kalungkutan.
Tila buwan ay nadama ang aking kasawian, pati kalangitan ay ulan ang pinakawalan.
Dinaramdam ang lamig na aking nadadatnan.

Buhat ng init moy nawala ng biglaan.
Sa iyong paglisan, luha ay naglandasan, walang pagsintabing kalungkutan, buhat ng ako'y iniwan
Tula natin ay patapos na, iniisip na madadagdagan pa bawat pahina, ngayon hindi na ako ang iyong pahinga, kundi sa iba.
Ngayon ako'y lilisan na mahal kong buwan paalam na, hanggang sa muli nating pagkikita...

TULA (POETRY)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon