(Love story of Cupid and Pysche)
Dalaga'ng mahinhin, ganda'ng tila bituin
Ngiti'ng nakahuhumaling, kaya kalalakiha'y napatingin.
Ganda'ng hindi masukat, sa layo man at agwat
Tila puso mo'y magkakalamat, kapag napasilip sa dalaga'ng ka'y rilag.
Dinadala'ng ganda lahat ay humanga, nagnais na maabot ngunit agad din'g nahablot.Lubos siya'ng hinangaan nang sino man'g kalalakihan?
Tila sulyap lang sa ganda ng kalawakan, ngunit di makakamtan
Dahil roon siya'y sinamba ng mga ginoo'ng sakanya'y lubusang humahanga.
Ngunit tila naiingit ang isang dyosa, pagkat kagandahan nya ay limot na.Ngalan niya ay Venus, ang dyosa ng kagandahan na sinasamba ng sinuman
Ngunit siya ay nalamangan ng isang mortal lamang
Mga mata ng kalalakihan ay nakatitig sa ganda ng dalaga'ng Pscyche Ang ngalan
Lubos ng dyosa ito'ng pinagselosan, kaya humagilap ng paraan.Ngunit taliwas sa nararamdaman, si Psyche ay naghihintay ng ginoo'ng pag-ibig nya'y ilalaan
Datapwat kapatid niya'y naikasal na, sa mga prinsipe'ng maharlika
Ama niya'y nalungkot, pagkat siya'y wala pang irog
Humingi ng tulong sa diyos, para sa anak na luha'y yaposHuli na ang paraan pagkat Ang dyosa ng kagandahan
Nakahanap at nakaisip ng paraan, para masaktan ang dalaga'ng kinaiinisan
Isinugo ang bugtong na anak, upang paibigin ang mortal na dalaga
Ginoo'ng kupido ang ngalan diyos ng pag-ibig ang laanBumaba ang diyos at umisip ng paraan, kung paano mapapaibig ang mortal na lalang
Ngunit nang namasdan ang dalaga'ng gagamitan, tila palaso niya'y tumasak sa kanyang puso at siya ang natamaan
Tila ang naisip na paraan ay naging bula sa kawalan
Dahil dito'y umisip ng paraan si kupido para mapasakanya ang dalagaNang pumaroon ang ama ni Psyche sa templo ni Apollo
Humingi ng payo, itinuro ang gagawin, para malaman ang magiging asawa ng anak na ipinalangin
Ani ni apollo'y paroonin ang dalaga sa tuktok ng bundok, suot Ang bestedang pamburol.
Maghintay sa pagdating nang nilalang na sa puso niya'y magpapatuloy.Matapang na hinarap ng dalaga, dahil sa panalangin'g ninanasa
Umakyat ng bundok, naghintay sa sulok, mata'y tumangis pagkat wala'ng sumipot
Narinig ng hangin nilipad ang dalaga sa magandang hardin, napapalibutan ng bulaklak tulad na kanyang ganda'ng halimuyak
Doon ay namasdan ang palasyo'ng nababalot ng palamutian, ngalan niya'y tinawag kaya't tumungo sa loobanDoon ay naghihintay ang nagbalat-kayong kupido bilang isang taong kalahati'y demonyo
Natanggap agad ito ni pysche, at sila ay namuhay na pagmamahalan ay namutawi
Ngunit tila ang dalaga ay nagduda, pagkat may hindi nais na makita
Dahil sa kuryusidad ay nausisa, sa buhay ng irog na sinsintaNang gabi'ng kay dilim, Ang buwan sa gabi ay sumisilip sa himpapawirin
Dala ang punyal at lampara, tumungo sa nahihimbing na asawa
Ang lampara'y sinindihan, at lumingas sa kadiliman
Mata'y nasilaw, nagpalit ng anyo, ang nagbalat-kayo'y lumabas Ang tunay na anyo
Doon ay namasdan ang diyos ng pagiibigan, dahil sa kanyang kawalang tiwala, buhay ay ninais na lagutanSa pagkataranta'y ang mainit na likidong sumisindi sa lampara
Ay kumawala, at sa balat ay nagmarka, nasaktan na diyos sakit ay ininda
"Dahil sa kawalang tiwala, nasisira ang pagmamahalan ng mga magsing-irog."
Huling wika ng diyos bago lumisan at nagpakalayo, nagsisi si pysche sa nagawang pagkakamaliNaglakbay si pysche para hanapin Ang asawa ngunit hindi niya makita.
Humingi ng tulong sa diyos at dyosa ngunit tila ayaw makaaway ang dyosa
Naisip niyang sa dyosa'y magsilbi nang sa ganoon siya'y kaawaan
Ngunit hindi pagkat iba ang nakamtanMga pagsubok na ibinigay ng dyosa sa kaawa awang dalaga, kahit imposebleng makuha kaniyang ginawa
Hindi sumuko para sa dakilang pag-ibig na nais kamtin
Nag-paalipin sa dyosang tila habag ay nawala na, nagbibigay ng mga mahirap na pagsubok sa dalagaTila dyosa'y nagtaka, lahat ng imposebleng Gawain ay nalulutas ng dalaga
Mayroon kunting mangha, pero agad ring nawala hindi sumuko Ang dyosa sa pagbigay ng pagsubok sa dalaga
Hindi hinayaang maka-alpas ang anak, pagkat hahadlang sa pagsubok ng diyosa
Isang pagsubok nanaman ang inilahad sa dyosang ubod tapang na hinarapPagsubok na ito'y nagawa niyang lampasan, nakakuha ng kagandahan
Naghangad ng kagandahan, para mapusuan ng kanyang kasintahan
Nang buksan ang kahon, siya'y nawalan ng malay
Ngunit siya ay nahanap ng iniirog, nakangiti ang luha at agad na natuyo't
Hinaplos ang mukha nang kanyang iniirog at nakangiti ang kamay ay hinagodLahat nang pagsubok ay kanyang nalampasan, para sa dakilang pag-ibig na pati buhay ay ilalaan
Tunay ngang makapangyarihan Ang simbolo ng pagmamahalan
Tingnan mo't paying Ang diyos ng pagmamahalan, nahulog sa patibong ng pagiibigan
Sila'y hindi na ginambala ng dyosa, namuhay ng matiwasay at masaya
Hindi nila akalaing sila ay magkasama hanggat sa kahuli-hulihang hiningaAng pagmamahalan ay makapangyarihan
Handang hamakin, at talikuran ang sinuman
Masunod lamang ang pintig ng pagmamahalan
Handang humarap sa matinding pagsubok, makamit lang dakilang pag-ibig na hindi malilimot kahit san man'g sulok...Salamat na agad sa pagbasa💜
BINABASA MO ANG
TULA (POETRY)
Poetry"Batang matayog na pangarap ay nais liparin, hayaang sumama sa naglalayag na saranggola sa papawirin. Tunguhin ko'y mailatha yaring akda na sa isipa'y nagkukumawala. Hayaang lunurin ang isip ng kathang tula at maihatid sa madla."