"ULAN."

13 3 0
                                    


Kay dilim yaring langit, nag-aabang sa patak ng ulang sumaglit.
Pagsaklob ng madilim na ulap, pagdilim ng kapalagiran.
Pagbugso at pagudyo ng ulan, sumabay sa luhang naglalandasan.
Nagkukumahog sa lamig, yaring sakit ako'y iniipit.

Nanginig, nanlamig, umingos sa basang damit.
Init! Kailangan ng puso ang init, sa pag-ibig na tila nyebeng nanlalamig.
Nanginig na kalamnan, nanigas na tuhod, humagulhol sa kidlat at kulog.
Waring walang maririnig, kundi kulog at kidlat na impit.

Ulan, ulan, bumuhos at sakit ko'y lunasan.
Wala ng puwang sa mundong nasasaksihan.
Punuuin at lunurin ang pait na yaring nararamdaman.
Isabay mo ang butil ng ulan, sa humahangos na matang luhaan.

Nangangalit na kulog, pumuputing kapaligiran, namamasang damuhan, hiling na dagliang pinakawalan.
Naudyong ilatag ang pagod na sarili, sa umaagos na ulan.
Ipinikit ang mugtong mata, sa kalagitnaan ng buhos ng ulan.
Ngumiti, iminulat ang mata ng bahagya, nawa'y sumabay sa agos ang pait na aking patuloy na tinatamasa.

Tilamsik ng ulan, ragasras ng tubig sa paanan, dahong nagsasayawan, mga batang halakhak ang kakayahan.
Idinuyan ang sarili sa kapanatagan, nilimot na yaring pait ng kamalian.
Kumulog may di natinag, kumilat may takot biglang nabuwag.
Ulang inagusan ang basang katawan, nagamot pusong nasasaktan, sa dampi ng lamig sa katawan, sakit binalak na iwan.

Kalong-kalong na kasariwaan, sakit na hindi mapakawalan.
Ano't tila hayok na pag-ibig hindi pa rin sakit naiibsan? Iniwan ngunit dagling binalikan.
Hayaan na, ititigil na, lilisan na yaring walang kwentang nararamdaman.
Ulan nasan at ako'y sabayan, isabay muli ang luha sa agos ng ulan.

Kinikimkim na sakit ibuga't huwag hayaang tupukin ang kasiyahan.
Bakit ang hirap mo'ng kalimutan? Bakit hindi kaya ng pusong ibaling sa iba nararamdaman?
Heto't sinasapo ang kalooban, akma ng kalilimutan, kumulog na pusong sumilay na kamalian.
Iaalpas sa maling paraan, papakawalan yaring nararamdaman, sa solusyong ako lang naka a-alam.

Sinabayan ng pagsipol ng hangin ang lamig na bumabalot sa katawan, binasa ang natuyot na pag-ibig, inakma sa maling kabig.
Naririto't sinasariwa ala-alang ako'y nakapiit, isip na patuloy na nakakapit, saglit gisingin ang natutulog na pag-ibig.
Ulang sinariwa kasiyahang akoy nakakapit, kahit bumitaw na siya sa yakap kong mahigpit.

Kinabig ang sarili, yinukod ang luwalhati, pinakawalan luhang nakatali.
Lumakas na ulan, isinigaw pawang pait na nararamdaman, luha pa ba bumabalot sa mukha? Oh ulang inaalis pinid na luha.
Malayang ibinukas ang kamay, tumakbo sa dalampasigang nangangalit ang agos na nakamamatay.
Pagwawakas ng sakit, pinapalayang pag-ibig, ibaon sa limot, pag-ibig na inukit sa lilok na masalimoot.

Hinanap ang bakas ng sakit, kinapa ang sayang sumisiray sa labi.
Napangiti, sa pag-ibig na totoo na aking pakiwari.
Dagling sakit ay muling lumatay, hinagupit ang pusong binibiyak sa panlolokong dumantay.
Hayon na, naulit muli? Pawang pag-ibig na sakit ang iuuwi, anong saklap yaring sinapit ng pusong walang totoong pag-ibig.
Lumagong na tunog ng kalangitan, nagising na kulog at kidlat, dumating aking kaibigan! Ibuhos mo sakit ko ulan.
Ngumiti ng mapait, iginapos na leeg, bangkong biglang kinabig, nangatal at humiwit na bibig, matang biglaang pumikit, katawang sa palukuhang nakasabit.
Ito na ang pagtatapos ng nararamdamag yaring; pait at sakit...

TULA (POETRY)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon