"ANG MAPAIT NA SINAPIT NI MEDUSA."

4 4 0
                                    

Babae'ng ang ganda'y mala dyosa.
Mga buhok na mahaba't kay ganda.
Katawa'ng tila'y nililok sa hulma,
At mga ngiting tila bituing nagniningning, sa kalawakang kay ganda sa dilim.

Isang babae'ng birhen, ang pumaparoon sa templo ng dyosang mahabagin
Dala ang alay ng katapatan, at panalangin'g sa dyosang pinagkakatiwalaan
Buhay niya'y ipagkakaloob para sa dyosang kinikilala
Mahigpit na panalangin ang alay ng birheng si Medusa, sa kanyang dyosang si Athena

Mga kalalakihan sa dalaga'y namamangha
Sa gandang walang kupas, sa ngiting nakakarehas
Mga lalaki'y naisipang sumubok, sa pag-ibig ng dalagang mahinhin
Ngunit ni isa'y walang pinalad, sa pagibig ng babae'ng marilag
Ngunit kapagdaka ang puso niya ay nasa dyosang si athena

Tamang tingin, sulyap sa malalim, gawa ng ginoong ninanais si medusa'ng mahinhin
Mga kalalakiha'y umaakyat sa templo, masilayan lang ang ganda ng binibining nanalangin sa dyosa
Ngunit tila ang dyosa'y nagalit, sapagkat nagawa nilang ipagpalit Ang kanyang kagandahan, sa dalagang tila'y utusan niya lamang
Ayon sakanya'y tila binabastos ang kanyang templo, dahil sa babae'ng dinarayo ng mga ginoo

Isang araw dala ng dalagang si Medusa ang alay para sa altar ni Athena
Ngunit nagmamasid yaon ang isang tagahanga
Hindi pangkaraniwang tao, kundi diyos ng tubig at karagatan, diyos na Poseidon ang ngalan
Matagal na niyang ninanais na makamtan, ang pag-ibig ng babeng mahinhin
Binibigyan niya ang dalaga ng pag-alok ng mga bulaklak at kabibeng nililok mula sa dagat
Ngunit hindi ito pinapansin ng dalaga, pagkat ang puso niya ay para lang sa dyosang athena

Ngunit marahil ang diyos ay nainip rin, sagad na ang sukdulang panalangin
Naghangad ng masamang hangarin, sa kaawa-awang birhen
Namuo sa diyos ang maitim na balak, hindi na mapigilan pa
Ang isip at puso'y nalamon na, sa pagnanasa sa dalagang Medusa
Walang kaalam-alam ang dalaga, na ang diyos ay may masamang mithiin sakanya

Dagling araw ang dalagang si Medus'y say templo pumaroon
Dala muli ang alay sa altar dyosang naroon
Ngunit ang diyos na Poseidon, nagaabang sa tiyempo ng oras at panahon
Ngayon ay totoo na't, gagawin na
Lumitaw ang diyos sa likuran ng dalaga, tila'y naramdaman ni Medusa
Kaya't tumakbo siya sa altar ni Athena

Mabilis ang pangyayari't ang birheng maganda'y kapagdaka'y puri'y nawala
Naangkin ng diyos ang dalaga, Ang masakit pa'y sa altar ni Athena
Kaya ito'y naisipan ni Poseidon dahil siya ay may galit sa dyosang athena
Kaya naisip niyang paraan, bastusin ang malinis na altar ng dyosa, sa pamamagitan ni Medusa
Nang matapos ang lahat, naglaho at iniwan ang dalaga'ng ang sinapit ay masaklap

Hindi na makakahingi pa ng panalangin ang dalaga, pagkat sa templo ni Athena
Mga birheng dalaga lamang ang maaring sumamba
Ngunit buo ang loob ni Medusa, naglakas-loob na humingi ng tawad say dyosa
Gabing kay dilim, liwanag ay bangungot sa dalaga, gabing dignidad ay nawala
Ang sarili'y napalitan ng dungis at awa

Gamit ang buhat na alay ng dalaga, humingi ng awa't tulong say dyosa
Ngunit ang dyosa'y nabingi sa inggit, kaya't mata't, panalangin ng dalaga'y minaliit
Ito'y pambabatos sakanyang altar, kaya't dagli ang paglabas ng diwata
Nakita't namasdan ni Medusa, kaya't humingi ng tawad say dyosa, ngunit hindi pinakinggan ang awa

Sa galit, at inggit, kamay pumigtas, kapangyarihang marahas, lumapat sa dalaga'ng sakit ang nadanas
Pagtumba sa lupa, Ang rikit ng mata'y namula, Ang mahabang maganda'ng buhok ay napaltan ng makamandag na ahas, Ang katawang kagandaha'y naihulma'y napaltan ng katawang ahas
Sakit at pagkamuhi sa sumpa ng diyosa, kung saan ang buhay ni Medusa ay nagtungo sa pagdurusa

Siya'y kinatakutan, inutos na siya'y patayin na lamang
Ngunit mga sumubok na paslangin Ang isinumpang medusa'y buhay ay napigtas
Naninigas na katawan, nag-oobrang bato sa katigasan, kagaya ng naramdaman ni Medusa nang siya'y parusahan
Ang lahat ng mga tao'ng Nina is siyang patayin, naging bato kapag tumingin, sa mata ni medusa'ng naisumpa

Bakit ganito? Tama ba Ang ginawa ng pinagkatiwalaan mo
Ginawa't ibinigay na niya Ang sarili para sa dyosa
Ngunit sa huli'y siya rin ang nagdusa, sa kamay ng dyosang kanyang tinamasa
Biktima lamang si Medusa ng pananamantala, na dapat bigyan ng hustisya
Ngunit iba ang kanyang napala
Kundi sakit, sumpa at pagdurusa, na dala-dala niya hanggang sa siya'y maging kwentong bayan na.

Kahit ang buhok nito'y puno ng mga tanikalang makamandag na ahas
Katawang iniobra sa ahas, ngunit hindi niya ito kasalanan, biktima lamang siya ng karahasan
Medusa'ng pinagnasaan, binigyan ng sumpang nagmarka sa atin'ng isipan
Sana'y si medusa'y huwag pandirihan, pagkat siya ay biktima lang ng pananamantala't karahasan...

Salamat na agad sa pagbasa💜

TULA (POETRY)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon