"PUSONG UMAALAB SA BAWAT PAGASPAS NG PANGARAP."

7 4 0
                                    


Ibuka, Ilayag, i-angat, iwasiwas malayang pakpak.
Lumangoy, lumusong, lumutang sa nanunuyong pangarap.
Ihanda, ilaan, ihabi niring kakayahan, sa malamyos na paraan.
Lilinawin, lilingapin, lilinisin, lulusob sa nag-aalab na bukas.

Lulusong, lalaban'g, lumalabo sa lihis na kinakaharap.
Liliparin, lulusungin, lalanguyin tagong kaisipan.
Lilisya, luluha't liliko sa maling pagtatagpo.
Lilisan, lalagpak, lulusawin ibayong gulong gumuguhit sa isipan.

Ipiit, ipilit, ipinid kaluluwang inuusig.
Isipin, ilusyong iisa-isahin, iyuyukod kahit kamunduha'y pagod.
Ilaan, idatal, isakdal niring hinabing pangarap na maimalas.
Ikulong, igapos, itali, ilusyong bumabali sa kagustuhang inaapi.

Kikitilin, kakalikutin, kakalasin ibayong isip na nanaog sa dilim.
Kukutusan, kakalasan, kakatasan hanggang tumulak sa unahan.
Kakapit, kakamping kukusa, kaluluwang nagdudusa sa bawat salita.
Kitain, kasiyahang kahirapan, kinukulong sa nag aalab na patutunguhan.

Bubuksan, babasahing basbas, buhay na purong dahas.
Babalang babakas, bituing bubuhay sa nasirang dasal.
Buburahin, bibigkasin, bulalakaw na tatama sa mundong sakim.
Bibitayin, babayong bulong, bigong gugulong sa nilait na poon.

Gagalang, gagapang, guguguling oras na hinihintay.
Gusgusin'g gipit, gugunawin, ginagawang pansangga sa nilikom na buhay.
Gagalaw, gininaw, gaslaw pawang karubduban ng pananamantala.
Gigising, gagayahing gabay, gipitang itatakbo ang tinatahak na kinabukasan.
Gustong gawin, galing gumuhit, gulong isip namaling desisyong ginuhit.

Lalayong lingapin, lilisaning laban'g walang tagumpay.
Lantang lalaban, lipad lumuwak, luhang banayad, dumulas sa pagbulay-bulay.
Lulusunging lungsod, liliban, libingang hihimlay na puro bahid niring kalituhan.
Lulusob, lulukso't luluhod, lalabang lilinawing lunod sa luhang hindi naabot.
Pagkat niring pangarap nag-iinit na nadarang at nangahas na salinging ngunit dagling napaso't, agarang iniwan...

Salamat na agad sa pagbasa💜

Alleatresvhiane
Larkenechii
Mr_Agaxy
innocentxtar
emeeeraald
BoukYakuu
Jennyyyyy08
bulanxx_zene
LadyLonelySadness

TULA (POETRY)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon