KABANATA 1

46 8 0
                                    

CHAPTER 1

-Her Life-

“Bilisan mo Dyan!”

Kahit nasa loob ako ng ay rinig na rinig ang maingay na sigaw nito ngunit walang tatalo sa ingay ng mga speaker sa labas na halos sumadagundong na ang pader kung nasaan lugar ako.

Nagtratrabaho man ako sa bar ay, waiter lang naman ako. Hindi ako isang bayaran babae.

Abala akong nag aayos ngayon ng aking mukha, paglagay ng kpolerete kahit bulbo lang ang meron ako at maikling palda na suot, at isang puting t-shirt na medyo may dilaw pa. Kunot noo akong inilagay ang pulang ribon sa bandang leeg ko ngunit nagbago ang isip ko at hindi na lang ito sinuot. Mukha kase kaming mga aso o hayop sa taling iyon.

Bukod sa isang waiter ay may mga trabaho rin ako bago ito. Maglalako ng isda sa umaga. Nagtitinda ng ulam sa tanghali. Palamig sa hapon at waiter sa bar sa gabi. Wala akong pahinga dahil buong buhay ko ay isinaalay-alay ko na sa trabaho.

Simula na namatay ang amin mga magulang sa hindi alam dahilan na tanging ina lang namin ay aming nakita ay namatay ito sa sakit ng Labing-tatlong taon gulang ako at pitong taon gulang naman ang aking kapatid. Ay minulat ko na ang aking sarili sa kahirapan at pagbabanat ng buto.

At nagpapasalanat ako na kahit papaano ay nakakatikim kami ng masasarap na pagkain at napapapag-aral ko ang aking kapatid.

"Tara na!"rinig kong sabi ni Fe.

Nauna itong lumabas matapos akong tawagin at hindi ko makakaila na hapit na hapit sa kaniya ang suot niyang palda at puting t-shirt, may katangkaran rin ito sadyang ako lang ang mas biniyayaan ng panginoon.

Melissa Feline Ivera pinsan ko, siya ang nagpasok sa akin rito. Kahit papaano ay nakapag-aral ng highschool ito hindi tulad ko. Ang alam kong dahilan kaya ito napatigil dahil sa kahirapan nga kaya ito nagtratrabaho na muna siya.

"Oo tara na"ako at lumabas na kami ng restroom.

Isang mausok at iba't ibang ilaw ang mga nakikita rito sa paligid. May hindi rin kaaya-ayang amoy ito.

"Sige doon na ako, mag-ingat ka huh.."paalam niya at pumunta na sa isang table ng costomer.

Napatingin ako sa paligid para tignan kung sino ang mga wala pang drinks. At nag-iikot. Salin ng yelo, tagakuha ng beer o kahit ano man. Miski pulutan at mga nalalasin na babae ay ako ang nag aasikaso.

"Pssst!"tawag sa aking ng isang lalaki na may katangdaan, pati ang mga kasama niya.

Wala akong alinglangan nagtungo sa lamesang iyon, kahit sa mga mata pa lang nila ay may hindi na magandang nanyayari, ngunit trabaho ko ito.

"Sir, Anong order ninyo po?"tanong ko, pagkarating ko sa harapan nila. Tumingin ito sa kabubuoan ko kaya napalunok ako.

Alam ko na ang susunod na mangyayari.

"Ahh ser hindi po ako kasama sa mga babae dito. Waiter lang po ako.."halos napayuko ako sa pagsambit ko nito. At nanlaki na lang ang aking mga mata sa sunod na sinabi niya.

"Pakielam ko, magkano ba kailangan mo?"nakangising saad nito at napailing na lang ako, bumuga ng hangin.

Lasing na siya…

"Sabi ko nga—Ahh!"bigla niya akong pinaupo sa mga hita niya.

Sinubukan kong tumayo pero hinawakan niya ang buhok ko. Impit akong napasigaw.

Pilit kong umalis pero hindi ko talaga kaya pinabayaan ko na, dahil magsasawa rin itong mga ito at mabuti ay nakashort ako habang nakasuot ng maikiling palda. Hindi tulad ng ibang mga babae rito na naka panloob na lang at halos wala nang suot.

How You ForgetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon