CHAPTER 13
-Her cousin-
Feline POV
Inutusan ako na bumili rito sa palengke sa bayan dahil ako muna papalit kay Elise. Sayang naman ang kikitain niya kaya sinabihan niya ako dahil tuwing umaga ay wala naman akong ginagawa.
"Manang isang tray po ng itlog."saad ko at kesa sa tray ilagay ito ng manang ay sa kahon na maliit, kaya wala akong magawa alangan naman magreklamo pa ako.
Mukhang may bayad din ang tray kaya hindi na lang.
Pagkatapos ko bumili ay inalapag ko muna ito sa may upuan sa harap at tinignan ang listahan.
"Talong."basa ko kaya pumunta ako sa mga gulayan.
Pagkarating ko rito ay punong-puno ng mga iba't ibang gulat ang paligid. Huminto ako sa isang tindahan.
"Pabili po ng talong, magkano po kilo?"saad ko at tinignan ang mga ito tsaka hinawakan.
"Ahh iha 120 kilo."sagot nito.
Napanguso na Lang ako, hindi ako nakakabili ng iba kung ganito kamahal ito.
"Ang mahal naman po, pwede ba 85 lang."pagtawad ko.
"Ha? Malalalaki eto iha kaya gano'n ang presyo."saad ni ateh.
Bumagsak ang aking balikat ngunit hindi tayo susuko.
"Bili na po kulang yung pera ko.”pagngiti ko at hindi inalis ang mga mata sa kaniya.
"Ayy, sige na nga ohh, isang kilo."saad niya, kaya tuwang-tuwa akong kinuha ang mga talong at tinimbang ni Ate.
"Ohh iha, salamat ha!"saad niya at papunta tayong isdaan para bumili ng tilapya.
Lumabas ako ng palengke para pumunta doon malapit sa ilog mas mura daw ro’n ehh sabi nila Manang para rin maka topic at kung may sobra ay akin na.
Tilapya on the way. Napako ang mga mata ko sa mga ulam na nasa kalinderya. Ang sarap ng galunggong tapos may kamatis, sibuyas at itlog.
Speaking of itlog yung,
"Yung itlog ko!"pagkabiglang saad ko at dali-dali pinuntahan iyon.
Wala akong naramdaman na hawak sa aking kamay na tali. Binalikan ko kung saan ako huling bumili.
Pagkapunta ko roon ay walang isang tao. Bakit kaya? Nakita ko kung saan ko inilapag ang mga ko.
Tapos may napansin akong mga nakaitim na pang-office at ang dalawa ay nakasuot ng jacket na parehong kulay sa nasa dulo nila. May hawak na laruan na baril pero grabi pati semento na lapag maybala ang galing ng direct ng mga ito.
Nagbabarilan pa talaga sila.
"Cut muna direk!"sigaw kong saad.
"Akala ko nawala na kayo lagot ako." at kukunin na sana ito nang,
"Bang, bang, bang, bang!"matapos mapatili at sumigaw ay namalayan ko na lang ang aking mga luha sa tumutulo.
Katapusan ko na ba? Mamamatay na ba ako? Lagot, kawawa naman ako.
Biglang may naramdaman akong humila ng kamay ko at namalayan na lang ang sarili na nasa ilalim ng lamesang kahoy. Kasama ng dalawang lalaking ito.
"Ms. Okay ka lang? Magpapakamatay ka ba ha?"saad niya pero pakielam ko rito na naka black jacket na naka-mask.
Patuloy pa rin ang pagtulong ng aking mga luha.
"Yung ano ko—”
"Ms. Huwag kang OA, hindi ka pa mamamatay."mariin nitong may bangs na mukhang bunot, na Kasama din nito at siya pala ang humila sa akin.
"Tama na nga yan Denver kaya wala kang jowa ehh."saad nitong nakamask na lalaki.
Nagpabalik-balik lang ang tingin ko sa kanila.
"Hmp pakielam ba natin sa babaeng iyan."saad nitong Denver yung pangalan at nagbarilan lang sila.
"I will help you, para makalabas dito."saad nitong naka mask.
Kaya kong lumabas kaso yung mga itlog ko nabasag dahil binaril tapos yung mga talong naiwanan ko sa gitna ng nagbabarilan at iba ko pang pinamili kasalanan iyan ng Denver na ito.
Gawa wala rin akong pangbayad doon.
"Huhu, kase yung pinamili ko—”hindi ko matatapos ang sasabihin kung lagi nila akong sasabatan.
"It's okay, i will pay it."saad nong nakamask.
Akala mo naman kayang bayaran ehh mga tambay at magnanakaw lang naman sila, kaya ako lalong napaiyak.
"Talagang hinddi ka ba titigil sa pagiyak diyan."halatang gigil na saad no'n Denver sa akin dahil sa pagngalit ng kaniyang ngipin.
"Ehh pakielam—ah"halos lumaki yung mata ko dahil sa ginawa ng Denver na ito sa akin at humiwalay na.
Hinalikan niya ako.
Kaya nanahimik ako.
"Mananahimik ka rin pala. Ayaw ko sa lahat maingay na babae, pwera na lang ka paggabi."saad niya tsaka ngumisi, ako naman ay mistulang natuyuan ng labi.
"Walang hiya ka talaga Denver, patay na silang lahat!"natatawang saad ng kasama niya.
At umalis na sila mula sa pagkakatago. Hindi ko naman alam kung aalis ba ako o mananatili para sa pero kailangan. Halik lang naman yun.
"Tara na Lee."saad non Denver at tinanggal ang mask ni Lee.
Lee pala pangalan niya hehehe ang ganda bagay sa akin.
"Teka babayaran ko pa—"hindi natuloy ang nais sabihin nito nitong harapan ko.
"Huwag na nagsasayang ka lang ng oras."sabat no’n Denver kaya sumama ang tingin ko at di na ako nakapagpigil ay sinipa yung gitna niya.
Nakakairita talaga siya.
Ang tangkad kase kaya hanggang doon lang sipa ko.
"Ahh!!!"sigaw niya at wala akong pake.
"Bayad mo, bali 2k lahat ng iyon tapos sasabihin mo huwag na bayaran. Bakit mayaman ka ba may ipapakain ka sa pamilya ko? Wala di ba!"sigaw ko.
Ramdam ko ang lahat ng dugo ko ay umangat sa ulo ko.
"Haha. Kawawang Denver, Oh Bata."umiling na sabi no'n Lee, ang pogi. Hindi tulad ng Denver na iyan.
"Hoy di na ako bata sadyang maliit lang, tse!"saad ko bago kinuha ang pera ng binigay niya.
Minsan na nga lang inutusan ganito pa ang nangyari. Sa labas ng palengke na Lang ako bumili ulit at pinapanalangin ko na sana hindi na ulit magkita ang landas namin ng mga yun. Baka sakin naman nila gamitin yung mga baril.
B-)
BINABASA MO ANG
How You Forget
General FictionReminisce #2 Complete The mafia boss has amnesia, And his forgotten past. A_Novel_By_Dimstykcm ---- Rewrite start: March 4, 2024 Rewrite end: June 25, 2024 Published: October 8, 2021 End: December 25, 2021