KABANATA 31

16 5 0
                                    

CHAPTER 31

Elise POV

"Tanghali na iha kakain na tayo, maghahain lang ako." Tumayo na ito at tsaka pumunta sa lamesa ng tinayong kubo rito.

"Elise, " ang paborito kong boses kaya kaagad kong kinuha yung bimbo na nasa tabi ko at kumuha ng tubig bago salubungin siya.

"Mainit Elise baka—"hindi ko ito sinunod at pinuntahan siya.

"Tubig mo, ohh."sabay abot ko ng tubig at umiling lang ito bago uminom.

"Ang kulit mo talaga."nakangiting ani niya.

Pinunasan ko ang pawis niya sa noo gamit ang bimbo na hawak ko at buti na lang matangkad talaga ako pero hindi sapat dahil mas pinagpala siya.

"Ako na nga."saad niya pero di ko binigay yung bimbo kaya hinabol niya yung kamay ko.

"Akin na nga. Ako na magpupunas ng pawis ko, akin na."pilit nito at tinago yung bimbo sa likod ko.

"Ayaw mo talaga ha."pilyong saad niya at tumango ako.

Itinaas ko ang aking kamay na sana ang magpupunas ng pawis niya ng bigla niya akong ninakawan ng halik sa labi kaya na istatwa ako sa gulat.

"Sabi mo ayaw mo, ehh."nakangising saad niya at napatili ako ng konti ng buhatin niya ako.

Kahit mabigat ako dahil sa doble ang laki ng tiyan ko at pinalupot ang braso ko sa leeg niya.

"Kain na tayo. Kung di ikaw kakainin ko diyan."saad niya kaya hinampas ko siya sa dibdib niya.

"Hay naku mga batang ito, tama na iyan lalanggamin pa yung tuyong ulam natinm"rinig namin sigaw ni Nanay Mina kaya natawa kaming dalawa.

Impit akong mapatili nang bigla niya akong inangat at binuhat na parang bagong kasal.

“Kapag nadulas tayo, tignan mo.”nguso ko sa kaniya.

Buong loob niyang sinagot ako, “Hindi yan.”

Nakasakay na kami ni Jayne sa sasakyan ng may namukhaan ako na tabi ng daanan na naglalakad.

Akala ko ba nasa Manila siya? Umuwi na ata siya, eh.

Base sa kulay uling niyang buhok at kulay na mas maitim pa sa akin ay nahulaan ko kung sino ito.

May dala itong isang plastik na puno ang lamang ngunit hindi ko makita kung anong laman.

Dilim?

Dali kong pinahinto muna ang sasakyan.

Sa saktong paghinto ng sasakyan ay bumaba na ako agad para puntahan si Dilim.

"Hoy, Elise teka hintayin mo ako!"pigil ni Jayne para intayin siya,

Pero hindi ko na ito pinansin, bago tumawid ng kalsada ay tumingin ako sa kanan at kaliwa tsaka buong lakas tumakbo sa kabilang gilid.

"Dilim!"sigaw ko at nakita ko itong lumingon sa akin ng gulat.

Alam kong Ilan buwan itong nagtrabaho sa Manila at ngayon lang siguro nagkaroon sila ng bakanteng walang pasok.

Ningitian ko lang siya at nakitang itong tumakbo palapit sa akin, tsaka ako hinagkan.

“Na miss kita.”mahina niyang sabi sakin.

Maluwag ang pagtapos nito sakin hudyat na nag-iingat siya dahil buntis ako.

Hindi naman din ako nakapagsalita dahil sa gulat sa kaniyang ginawa.

"Ehem, Elise!"saad ni Jayne at bumitaw sa pagkaka yakap si Dilim.

Abot langit ang kilay nito habang taas babang sinuri si Dilim. Bumalik ang tingin nito sakin tsaka matipid na ngumiti. Pinandilatan naman ako ng lalaking ito pero inikutan ko lang siya ng aking mata.

“Sino siya?”sabay na ani nila.

"Ah, Jayne, si Dilim, kaibigan ko. Dilim, si Jayne, mabait yan."pagpapakilala ko sa kanila.

Inilahad naman ni Jayne ang kaniyang kamay at tinanggap ito ni Dilim.

"Musta na nga pala?"tanong ko rito.

Tumango lang ito tsaka ngumiti, itinaas ang hinlalaki habang nakakuyom ang apat na daliri.

"Ah, gusto mo sama ka na lang sa amin."biglang saad ni Jayne kaya napadilat ako.

"Saan?"inosenteng tanong ni Dilim.

Ang mga mata naman nito ay naningkit.

"Ah, sa bahay ko at iinom sana. Eh, bawal naman uminom ng alak ang mga buntis so wala akong kasama or kasabay."pilit naka nakangiting talima ni Jayne kaya napatango si Dilim.

Sumakay na kami sa sasakyan at nakita ko yung dala ni Dilim na mangga na nasa plastik bag.

Hindi ko ito napansin kanina.

"Para sa akin ba iyan dala mo Dilim?"tanong ko at tumawa ito.

"Hindi,"sagot niya kaya nawalan ng reaksyon ang mukha ko.

"Dahil para sa baby mo ito."dagdag nito habang abot langit ang ngiti.

Mapang-asar pa rin ito kahit kailan.

Sabay bigay niya sa akin nito. “Salamat.”pagpapasalamay ko at tinignan ang mga ito.

Pagkadating namin doon ay ka agad akong pumunta sa kusina para balatan ang mga mangga. Kumuha naman ng alak si Jayne pagkatapos mag handa ng iinumin at pulutan ay nag inuman na sila.

Sa akin nga pala ay juice lang na timpla ni Jayne at nag kwentuhan kami. Tawanan lang ng tawanan, pero bigla akong nakaramdam ng hilo at hindi namalayan na nakatulog ako dahil sa pagod din siguro.

Kinabukasan nagising ako dahil sa lamig na naramdaman ko kaya ka agad kong kinapa ang kumot upang magkumot at nakapa ko rin na wala na akong suot na damit.

Naramdaman ko rin na may katabi ako, kaya kaagad akong napa bangon. At kasabay naman no’n ang pagbukas ng pinto nitong silid.

Umawang ang labi ko at namalayan na lang na may luha na ang pisngi ko.

"Astray."

Hindi ko alam kung anong nangyari…

^⁠_⁠^

How You ForgetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon