CHAPTER 2
-Her Work-
Sa lakas ng pagtilaok ng mga manok, sino ang hindi magigising?
"AHH!"sabay unat ko at tumayo sa kama tsaka lumpit sa bintana para binuksan ito.
Sinag ng araw ang bumungadsa mukha ko.
"Good morning Philippines!"masayang sigaw ko.
Bagong umaga, bagong pag-asa.
Sa susunod na paggising ko ay sisiguraduhin ko hindi na ako magigisng para magtrabaho. Magigising na lang ako para gastusin ang mga pera ko. Yayaman rin kami!
"Hoy! Bakla tanghali na, isda ko asan na?!"si Abi ang bakla ng barangay namin , nasa baba siya dahil lagi siyang kumukuha sa akin ng isda kada Martes.
At ngayon araw na ito ay ganon rin. Naalala kong hindipa palaako nakakaligo at may panis na laway pa ako sasaking pisngi nakakahiya sa kagandahan ni Abi.
"Teka lang po."daling-dali na akong naghilamos ng tubig, tsaka nagmumog at nag-ayos ng buhok.
Bumaba na ka agad, kinuha ang bilao at isda sa basket sa taas ng aming lagayan ng mga gamit para hindi maabot ng mga ligaq na isda sa kalye.
"Ayus na, handa na. Maglalako na!"pumunta sa harap ng pinto tsaka binuksan ito at bumungad si Bakla na nakataas ang mga kilay.
"Bakit tanghali ka na?"tanong niya at ibinigay ko ang tatlong plastik ng tuyo at daing.
Pansin ko rin dahil medyo masakit na sa balat ang sinag ng araw pero sanay na ako, pati ang kulayko.
"Mamaya ko na ikukwento pagbalik."ibinigay na niya ang bayad, ng nagpaalam na ako
"Sige ingat ka.."siya at umalis na.
Ako naman ay pupunta sa bukid para maglakong mga paninda kong isa
"Tuyo! Daing!Tuyo! Daing! Kayo riyan!"sigaw ko hanggang makarating sa bukid.
"Inay Daing ninyo po"ako at sabay bigay ng pera niya.
"Areng bata itoh ay kaganda , iha may syota kana ba"saad ni Inay Lungca.
"Wala po akong syota at malayo papo iyon , arey inay alis na ako"ako at umalis na .
"Tuyo! Daing!Tuyo! Daing! Kayo riyan!"sigaw ko.
"Ineng babili, magkano ba?!"tawag sa akin ni Manang na tanaw ko mula rito sa kalsad, nasa bahay siyang luma na pang mayaman at nagtungo sa kaniya.
-
"TIME check 11:43."tingin ko sa cellphone ko at tinignan ang sikat ng araw.
Ibinalik ko na ito sa aking bulsa at hindi na hinintay na mamatay pa dahil sadya itong mamamatay. De-keypad ito at kasing liit ng isang piraso ng tuyo.
"Magdidiliver pa ako, uwian na."saad ko at umuwi na ng bahay.
Pagkauwi sa bahay ay kumain at nagbihis ng bagong damit dahil amoy araw na ako. Ata baka umayaw yung mga bibili sa akin dahil mabaho na ako.
Kinuha ang bike kong luma nong bata pa ako nito na iniingat-ingatan ko, sana all nagtatagal hindi tulad ninyo...
At pumunta kay aling Neda. Siya ang tinutulungan ko sa paghatid ng mga paninda niya, lalo na sa malalayo tulad sa bukid dahil kailangan niyang bantayan rin ang tindahan niya.
"Aling Neda akin na po!"sigaw ko sa labas ng kalenderya niya.
"Arey batang ito, ka ingay eh!"reklamo niya at aligaga sa mga bumibili.
"Oh, teka hintayin mo d'yan si Dilim."si Aling Neda at natawa ako dahil inutusan na naman niya ang anak niyang masipag.
"Aba'y mama teka ang bigat nito."reklamo ni Dilim at kita ang mga plastik na dala.
"Ari'y batang ito, reklamo ng reklamo aba'y malaki kana trabaho naman. Hindi lang yan laging pindot-pindot sa cellphone."sermon ni Aling Neda sa Anak.
"Ohh Elise.."sabay lagay sa likod ko, sa may karton na ginawa niya para sa bike na ito.
"Kapag talaga nakapasok ako sa trabaho, bike mo unang bibilhin ko."nahihiya niyang sabi.
Kababata ko siya at siya lagi ang tumutulong kapag nangangai!angan ako o kaya ay siya ang nag-aayos ng bike ko. Siya nga rin ang gumawa ng karton sa likod ng bike ko para raw may lagayan na ako.
"Andiyan narin ang listahan.."ngiti niya sa akin at tumango ako.
"Sige... Aling Neda alis na po ako!"paalam ko at nagpidal na.
"Mangroberto"basa ko sa listahan na ibinigay, na may mga lista rin ng mga binili, at nagtungo na doon.
-
"Ito nga po pala ang kare-kare ninyo, luto ng may pagmamahal"saad ko at tumawa siya.
Nakasakay ako sa bike habang nasa gilid ko lang siya at inabot ang ulan na binili niya.
"Sige, ingat ka iha!"wika niya at inabot ang pera.
"Salamat po!"pasalamat ko at tinignan ang listahan.
"Nanay Mina..."basa ko at nagsimula ng magpidal paalis sa lugar na iyon.
Bumaba na ako at tumungo sa bahay nila dahil medyo malaki ito. Kailangan pumasok sa gate ngunit hindi makakaila na luma na ito.
"Nanay Mina ang minudo pansit at tinola ninyo po!"sigaw ko at lumabas ang mag-asawa.
"Ayy iha magkano ulit."tanong ni Nanay Mina at napakamot.
"Isang daan po lahat."sagot ko at nagbayad na ito.
"Ingat ka iha.."paalam ni Mang Jun at bago sila pumasok na sa loob ay nag pasalamat ako.
"Salamat po."saad at nagpunta sa susunod ma-ipagdidiliveran.
-
TAPOS na akong magdiliver kaya punta na tayo kay Aling China ang may ari ng palamigan.
Pagkadating ko doon sakto dahil naghahanda na si Aling China. Kahit medyo mawisan na ay nagpunas lang ako ng dala kong pamunas sa pawis at pumasok na sa tindahan.
"Tulungan ko na po kayo diyan"ani ko at tinulungan siya.
Hinalo at magtimpla ng plamig. Pati ang pagluto ng minatamis na saging ay tinulungan siya. Nasa tabing eskwelahan ang tindahan ni Aling China kaya marami ang bibili kapag mga bandang hapon na sakto lang sapagdating ko.
"PALAMIG kayo diyan!"sigaw ko.
"Ate magkano po?"pagturo sa pandan na palamig, tanong ng bata.
"Ahh lima.."sagot ko at ibinigay niya ang pera sa akin.
At ibinigay na ang palamig na inilagay ko sa plastik. Kung ano yung itinuro niya ay ayun ang i inigay ko
"Palamig kayo diyan!"sigaw ko at narinig kong tumunog ang aking cellphone.
"Ate uuwi na ako may pasalubong ako sayo."basa ko at itinago na ang cellphone ko ang phone ko, hindi ko nang magawang mag reply dahil sa namalayan kong marami nang nakapila, labasan na ng mga estudyante.
"Ate pabili nga po, tatlo pong pandan..."saad ng batang babae.
BINABASA MO ANG
How You Forget
General FictionReminisce #2 Complete The mafia boss has amnesia, And his forgotten past. A_Novel_By_Dimstykcm ---- Rewrite start: March 4, 2024 Rewrite end: June 25, 2024 Published: October 8, 2021 End: December 25, 2021