KABANATA 7

20 7 0
                                    

CHAPTER 7

-Who is He?-

Pag-uwi ko matapos ang mahiga at mamahinga ng isang buong araw ay hinintay ko lang ang aking kapatid na makapasok upang maka-alis at makapunta ako kay Aling Neda.

Kailangan ko talaga magtrabaho para sa kapatid ko. Ayaw kong iwan niya ako dahil wala akong pampaaral sa kaniya at hindi ko pa naibibigay ang lahat ng gusto niya.

"Ate alis na ako! Walang aalis huh! Babantayan ka ni Kuya Dilim."mabilis akong napalingon kay Dilim na abala sa pagpindot sa kaniyang cellphone.

"Ano kuya Dilim?"muling agaw atensyon nito.

At walang nagawa si Dilim kung 'di ang tumango. Napakamot pa ng ulo. Mukhang aalis din ata siya at importante iyon.

"Nako nag-abala ka pa ng tao. Kaya ko naman sarili ko—."pinutol ni marcos ang aking sasabihin

"Hindi.. Sige aalis na ako, kuya Dilim kapag sa ate ko ay may nanyari masama. Alam mo na."panakot nito.

"Masusunod, protektahan ang Prinsesa."mahinang napatawa nang sumaludo at tumayo ng tuwid ito.

Hanggang tuluyan ng makaalis at mawala sa mata namin si Marcos. Mabilis din nagpaalam kalaunan si Dilim dahil kailangan niya bumalik kaagad ng Manila dahil sa kaniyang pag-aaral.

Mabilis akong nagtungo sa kalinderya dala ang aking bisekleta at nagsuot ng sumbrelo.

Pagkarating ko roon ay ang sermon ni Aling Neda ang aking narinig.

"Ireng batang ito huwag ka muna nga magtrabaho, eh."saad ni Aling Neda.

Habang nag-aayos ng mga order nila. At alam ko naman sa huli ay hahayaan ako nito.

Pa cute lang ang kailangan.

Mabuti ay meron ako no'n.

"Kaya ko naman po eh, hanggang sa bukid lang ako at parang 'di ako pupuntang bayan bili na po Aling Neda, kapag wala akong pera ay iiwanan na ako ni Marcos."pagpupumilit ko at napanguso na lang.

"Iiwanan ka ni Marcos?"sabay tanong nila, parang kabute si Chantelle.

Saan-saan mo na lang siya makikita.

"Opo, may matanda kaseng siyang nakilalabst plano nito na ibigay lahat ng gusto ni Marcos. Kaya gusto ko po talaga magtrabaho."

Ayaw ko mawala ang nag-iisang kasapi ko sa buhay.

"Pabayaan mo siya nanay."muling pagsingit ni Chantelle.

"Hays, bahala na. Aba'y mag-ingat ka ha?"halong may pag-aalala ni aling Neda.

"Cge po, mauna na ako."paalam ko at syempre dala ko ang bagong-bago kong bike nung bata pa ako.

Unang listahan ang aking nakita ay sina Nanay Mina at Tatay Jun.

Huminto muna ako sa may puno, dahil malapit na rin ako sa bukid. Hinihingal at medyo nauuhaw pa ngunit muli akong nag padyak.

Pagkadating ko roon ay parang walang tao kaya pumasok na ako sa loob ng bahay nila at pumuntang bakuran pero nagulat ako dahil may nagsasampay doon at si Nanay Mina pala.

Mabuti ay kilala na nila ako kung hindi ay makakasuhan pa akong magnanakaw.

"Ay, Iha andito ka na."si Tatay Jun habang hawak-hawak ang mga hanger.

"Wala pa siya Jun, multo lang."sarkastiko sabi ni Nanay Mina.

"Ikaw talaga."saad na napiling ni Tatay Jun.

Nagtungo sila sa kusina At pumunta ako doon sa lamesa tsaka inilabas ang binili nila.

"Isang kaldereta, kare-kare, dinuguan, bopis, sitaw-kalabasa at ampalaya."saad ko na isa-isa nilapag sa lamesa ang mga ito.

Bakit ang dami? Huling hapunan na ba? Joke lang.

"Bali mga…"pagbilang ko sa mga diliver "170 po lahat."pagpapatuloy ko.

At napatango sila tsaka ibinigay ang bayad sa akin. Kahit puno ng pagtataka ay napatingin na lang ako sa paligid.

"Cge po aali—"

"Di namin kayang ubusin ito iha at tatatlo lang kami kaya, pwede mo ba kaming saluhan sa pagkain?"pakiusap ni Nanay Mina.

"Cge po nanay, gutom na rin po ako eh."nakangiting saad ko.

Umupo na ako At umakyat si Tatay Jun sa itaas.

Sa sobrang pagtataka ko ay muli kong inikot ang mga mata sa paligi. Wala naman ako na kahit sino. Baka nasa itaas iyon.

"Iha hintayin natin na lang sila"napatango naman ako.

Balita ko ay may anak na babae sila Nanay pero hindi ko pa nakikita ito. Iniwan na raw sila dati pa.

How You ForgetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon