KABANATA 3

30 8 0
                                    

CHAPTER 3

-First Kiss-

TAPOS na akong magtinda. Naligo muna ako dahil basa ako ng pawis. Inilabas ko ang wallet at ngayon araw ay naka 900 pesos ako, pagpinagsama-sama. Mabuti ay marami akong nabentang palamig at naka tatlong timpla pa si Aling china sa Pandan. Hindi sayang ang pagpapagod ko dahil kahit papaano ay malaki ang kita ko.

Kinuha ko ang alkansya ko sa ilalalim ng kama at inuhulog doon lahat ng buo at barya naman ay nasa akin. Itatago ko pa rin ito o kaya ay ipapabuo ko sa tindahan.

Kinuha ko ang aking bag na kakatahi lang ng hawakan dahil nasira na ito. Nagbihis na ako ng t-shirts at tokong para apron na lang ng bar ang aking susuotin. Paglabas ko sa aking kuwarto ay bumaba na ako ng hagdan.

Bumungad sa akin si Marco na kumakain.

"Ate papasok ka pa rin ba sa bar?"kunot ang noo na tanong ng kapatid ko.

Bumuga ako ng hangin at ngumiti, ginulo ang buhok niya.

"Oo naman kailangan mong magaral eh. Sige isarado mong maigi ang pinto"pabilin ko rito. At hinalikan siya sa noo.

Pagkadating ko doon ay may mga itim na Van kaya nahinto ako sa paglalakad. Ngayon ko lang nakita ang mga kotseng ito. Makikimtab na halatang mayayaman ang mga panauhin ngayon gabi.

"Mukhang mapapagulo na naman ako…"iling ko sa napagtanto dahil kung mga nag-iinom diyan ay napapagkamalan akong babaeng nagpapaligaya ng mga lalaki.

Dahil hindi naman makakaila na mas maganda ako sa mga babaeng ibinebenta ang sarili nila rito. Gandang ganda talaga ako sa sarili ko kahit kutis ko ay kasing itim ng buto ng papaya… pero maganda pa rin ako.

"Gosh girl!"

Natauhan ako sa narinig. Tawag sa akin ng pinsan kong tumatakbo na papalapit sa akin. Hingal na hingal ito na tumigil sa harapan ko.

Tumaas marahan ang kilay ko.

"Bakit anong meron?"tanong ko ngunit hindi niya ako sinagot.

Hinawakan lang niya ako sa pulsuhan at hinila papasok sa bar. Sinundan ko na lang siya at binitawan na niya ako ng huminto kami sa loob ng mga room ng prostitute.

"Bakit?"tanong ko ulit.

Sa muli kong pagtanong ay hindi na niya ako muling sinagot. Inilapag niya ang isang damit sa akin harapan, pero sa totoo lang kulang na lang huwag na akong magdamit dahil panloob ang ibinigay niya na kulay pula.

"Soutin mo iyan damit."utos niya at tinaasan ko ng kilay.

Kinuha ko ito na nakalagay pa sa isang hanger. Napangiwi ako nang makitang damit na ito.

"Damit pa ba ang tawag dito?"ngiwi ko habang pinagmamasdan ang damit at inikutan lang niya ako ng mata.

"Basta suotin mo na."pagpilit niya.

Tinitigan ko lang siya…

"Huwag kang mag-alala, sasayaw lang tayo ng naka maskara at tsaka malaki yung ibabayad sa atin ngayon."pangungumbinsi nito.

Naningkit ang mga mata ko. Pera ang pinag uusapan.

"Magkano?"seryoso kong tanong.

"Anim na libo…"nanlaki ang aking mga mata sa narinig.

Alam kong kulang pa yun para sa pang pa-aral sa kapatid ko ngunit makakatulong iyon. Minsan ko lang naman ito gagawin at ito ang unang beses.

Sinuot ko na kaagad, punasok ako sa loob ng isang banyo para magbihis at lumabas.

How You ForgetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon