KABANATA 39

14 5 0
                                    

CHAPTER 39

Dilim POV

Nakasandal ako dito sa pinto sa labas ng kwarto ni Elise. Narinig ko siyang umiiyak dahil sa nangyari kahapon. Nag-aalala lang naman ako dahil sa dinadala niya kahit di ko naman anak.

Nakita ko siya kahapon sa harap ng mansion nila, Ahzi na nasa lapag siya at umiiyak siya. Pinalayas daw siya at walang nagawa.

Nakita ko rin may pasa siya kaya naawa na rin ako. Pinapakinggan ko lang ang paghagulgol niya at pagiyak.

Nasasaktan din ako dahil sa pag iyak niya.

Di ko matiis ang sarili, kaya pumasok ako sa kuwarto niya at nakita siya nakaupo sa gilid na ng kama tsaka nakayuko.

Niyapos ko lang siya at napansin kong lalong na hagulgol.

"Shh, tahan na."pag papatahan ko dito, at tinapik ang likod niya.

"Shh, makakasama iyan sa bata. Elise, huwag ka nang umiyak"

Bakit di na lang kase ako Elise?

Sa lahat ng oras na nasa labas siya ay ako ang kasama niya.

"Mutikan ka na"saad ko kay Elise,

Na ngayon ay yakap ko, pero bumitaw agad siya at pumasok na sa loob ng bahay ko.

Wala man lang reaksyon ito sa mga nangyari.

Hindi pa siya masiyadong okay.

Pero kilala ko kung sino yung nasa kotse, si Rilyn.

Ano na naman naiisip ng babaeng ito?

Nasa kaniya na nga ang mahal niya, Ayaw pa niyang tumigil.

Siguro dahil alam niya na hangga't may bunga ng pagmamahalan ng dalawang iyon ay maaari silang magkabalikan.

Ngunit ngayon mukhang sa pagputi pa ng uwak sila magkakaayos.

Walang makakasakit kay Elise, hanggang andito ako. Akin lang siya.

Ilan araw na ang lumipas at hindi ko inaakala na mapapa aga ang panganak ni Elise sa mga bata.

Umasta naman akong Tatay nila dahil ako ang naghanda ng mga gamit at nagbayad ng bill.

Subalit nakakalungkot dahil naapektuhan ang mga bata sa mga nangyari.

"Premature sila dahil kulang sa months. Need ng ilang buwan muna rito. Ang mother din dahil need gamutin at obserbahan dahil mahina pa siya. Ah, sige po. Maiwan ko muna po kayo." pagpapaalam ng doctor na babae bago umalis.

Napalingon ako kay Elise na mahimbing natutulog sa hospital bed. Sobrang pagod nito. Saksi ako kung paano niya nailabas ang mga bata.

Kasalanan iyon ni Ahzi kung hindi niya nakita ang eksenang iyon. At alam ko hanggang sa kanilang paglaki.

Lumabas ako para pumunta sa nursery para silipin muna ang kambal.

Pagkadating ko ro'n ay sumilay ang ngiti ko dahil ang cute nila. Isang babae at lalaki ang ipinanganak ni Elise. Pogi at maganda, parehong makapal ang kilay na tulad sa ama.

Ilan minuto lang ang tinagal ko at umalis na ako doon. Lumabas ng hospital para bumili ng pagkain ni Elise.

Ang bilis ng mga pangyayari. Ang huling pag-asa ni Elise ay naglaho at naging abo.

Elise, sorry di ko sila nailigtas.

Isang malakas na alarm ang aking naririnig habang nasa loob ng elevator.

Patungo ako dapat sa kambal upang silipin sila ngunit iba ang natagpuan ko pagbukas ng pinto.

Nakita ko ang iilan mga sanggol ngunit bilang ko lang sa mga daliri ito.

“Anong nangyari?”tanong ko sa isang nurse na ang dumi ng suot.

Habol hininga itong sumagod, “ Nasusunog po ang nursery, sir.”

Parang binuhusan ako ng malamig na tubig sa narinig. Iginala ko ang tingin sa paligid at walang isa man ang nasa incubator na sanggol.

Agad tumakbo pa labas tsaka nakita ko ang ibang mga nurse at doctor doon sa nursery na sugatan.

Agad akong pumunta ro'n pero nakita kong sunog na ang loob ng nursery.

Napahilamos na lang ako ng mukha at napa padyak na lang.

Tang!na.

Naririnig ko rin ang pagiyak ng mga sanggol na nasa loob.

Hindi na ako nagdalawang isip pa na lumapit sa pinto ngunit hindi pa ako nakakahakbang ay nasa harapan ko na ang apoy.

Yung mga anak ni Elise. Pvta!

“Sir! Bumalik na po kayo, delikado na po. Nasusunog na rin po Yung sa ibaba. Baka hindi po tayo makaalis.”paghawak sa braso ko ng isang nurse ngunit inawaksi ko lang ang braso nito.

Sa pagkakataon na iyon ay napawi na ang ingay na ginagawa ng mga sanggol sa loob ng silid.

Wala akong nagawa…

“Hindi. Hindi!!!”

Ang boses ko ang umalingaw-ngaw sa buong silid. Sunod-sunod tumulo ang aking mga luha.

Ilan segundong pagtitig sa nasusung na kuwarto ay sumagi sa isip ko si Elise.

Nagtungo na ako sa kuwarto nito. Gising na siya.

Ayaw ko sana sabihin ang masamang balita kaso, kailangan rin niya kahit masasaktan siya.

Nang mawalan siya ng malay ay inilipat siya sa malapit na hospital, pati na ang ibang pasyente.

Sa paghahanap ko sa kambal ay tanging balita lang ang aking matanggap.

Nalaman kong may sumabog doon sa nursery at ang daming sanggol ang namatay. Hindi lang ang anak ni Elise ang namatay.

Nanghina ang mga tuhod ko.

Hindi pa nila nasisilayan ang kanilang ina ay binawi na.

Dapat pala binilisan ko ang pagdating, baka naligtas ko pa sila.

How You ForgetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon