KABANATA 33

17 4 0
                                    

CHAPTER 33

Elise Pov

Nakakabingin katahimikan ang namuo sa buong silid. Kahit si Rilyn na nasa likod ay napa tigil at napa aawang ang labi.

Nanlamig ang buong katawan ko hindi dahil sa wala akong saplot kung di rin sa lalaking ngayon nasa aking harapan na walang reaksyon ang mukha pero makikita sa kaniyang presensya na makakapatay ito sa galit.

Mabagal na iginala kaniyang mga mata. Kanina ay napako ang tingin nito kay Dilim na nasa kama.

Mahigpit akong napahawak sa kumot na nakatakip sa husband kong katawan. Namalayan ko na lang na may tumakas ng mga luha sa aking mata.

Ang mga nangdidiri niyang tingin ang humuhusga sakin ngayon. Tumaas ang sulok ng labi nito at umiwas ng tingin.

Gumapang ako papalapit sa kaniya pero hindi pa ako tuluyan nakakalapit ay tinalukuran na niya ako.

"A-astray…"

At tuluyan na itong nakahakbang sa labas ng pinto ng harangan naman sya ni 'Rilyn'.

"Astray!"pag hagulgol ko.

Napakagat na lang ako ng pang ibabang labi saka dahan-dahan na tumayo. Mahigpit pa rin ang pagkakahawak ko sa kumot na aking dala.

"Magpapaliwanag ako. Ano, ah…”hindi ko pa tapos ang nais sabihin ay namalayan ko na lang siyang nasa harapan ko.

“Hindi ko alam ang nanyari—”

Napangiwi naman ako sa paghawak niya sa aking pulsuhan nang mahigpit.

"Bitawan mo siya Astray buntis—"pagpapaalala ni Dilim pero ipinagsawalang bahala niya ito.

"P*T*NG*IN* HUWAG KANG MAKISALI RITO!"

Nanlaki ang aking mga mata at nanikip ang aking dibdib. Humakbang ako paatras ngunit hindi ako tuluyan makalayo sahigpit ng kapit niya sakin.

Nanatili ang mga mata nito kay Dilim.

"Buntis nga siya pero di ko naman sigurado kung sa akin ito dahil ilang beses na siyang nagalaw ng ibang lalaki— Tss!"

Sinampal ko siya.

Oo, sinampal ko siya, at binatawan na niya ako mula sa pagkakahawak sakin tsaka umalis nang walang ibang sinabi.

"A-Astray."hugulgol ko at umupo sa sahig.

Bumalik ka, naiwan mo kaming pamilya mo.

Hindi, hindi ko matanggap.

Mistulang naputulan ako ng mga paa. Wala akong lakas na tumayo. Parang may kutsilyo na nakatarak sa aking dibdib sa sakit nito.

"Elise, makakasama iyan sa bata…"saad ni Dilim at niyapos ako pero tinulak ko lang siya.

Hindi naman ito umangal at binasa lang ang pam ibabang labi niya.

"D-dilim, may nangyari ba sa atin? M-meron ba o… W-wala, huh?"saad ko habang patuloy ang pag-agos ng aking mga luha.

At tumango lang siya bilang sagot. Napahinto ako ng Ilan minuto bago maintindihan ang kaniyang pagtango.

Ilan beses akong umiling, "D-di ba wala? Hoy!"tanong ko pa rin pero umiling lang ito.

Waring naputulan ako ng hininga. Napaawang na lang ang labi ko. Habol-habol ko ang sariling hininga.

Ramdam ko ang panunuyo ng aking mga labi pero ang mga pisngi ko ay nasa na ng mg luha.

Niyapos ko ang sarili habang nakatingin kung saan lumabas si Astray.

How You ForgetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon