CHAPTER 35
"Hindi na siya si Astray..."pagpilit sa akin ni Dilim.
Pero hindi ko siya pinakinggan. Hindi pwede magbago ang isang tao na ganon-ganon lang at paano kung hinahanap niya talaga ako,hindi lang niya ako makita. Pero paano kung hindi?
Imposible na ngako siya na papanagutan niya ako at bibigyan niya kami ng magandang buhay. Hindi niya ko iiwan. Pero bakit ikakasal na siya?
Nakita ko sila sa harap ng hospital palabas na kasama si Jayne.
Parang sinaksak ang akin dibdib sa sakit. Ibang-iba sa kilala ko si Astray lalo itong pumuti at kuminis ang mukha, may markha pa ng sugat sa kaniyang pisngi at baba. Ang suot niya ay bagay na bagay sa kaniya. Mas lalo siyang naging gwapo at hindi ako nagsisisi na mahalin siya.
Hindi alintana sa akin ang kadamihan ng tao at kahit ang malaki kong tiyan ay guyo kong lumabas.
"SI Astray!"muli kong saad at lalabas sana kaso hinawakan ni Dilim ay kamay ko, tinabig ko ito.
Kailangan ko siyang makausap. Marami akong itatanong sa kaniya. Isa na run ay ang 'kung mahal pa ba niya ako?' na inaasahan kong isasagot niya ay oo.
"Nagmamakaawa ako Dilim, huwag mo na akong pigilan..."nag-iinit ang sulok ng akin mga mata.
Hinawakan naman niya ang kabilang pulsuhan ko ngunit iniwaksi ko ito.
Binuksan ko na ang pinto ng sasakyan at lumabas. Naramdaman ko ang mga munting patak na galing sa langit ngunit hindi ko pinansin ito.
Mabilis akong tumakbo papalapit rito. Pinaghalong kaba at saya ang nararamdaman ko, lalo't na meron mga camera na nakatutok sa kanila, meron rin mga tao na gusto silang lapitan.
Nang makarating ako malapit na sa kaniya, ngunit may mga nakaharang na mga lalaking nakaitim ang suot. Nakapalibot ito rito.
Hindi rin makalapit ang mga tagabalita sa kanila. Umaasa akong linungin niya ngunit nilampasan lang ng mata nito ako. Iniisip na siguro, hindi lang niya ako nakita... Umaasa.
"Astray!"tawag ko sa pangalan niya pero di ako pinansin at nilampasan lang ako.
Napatigil ako dahil roon, naramdaman ang mainit na likodong tumulo sa pisngi ko.
Galit pa rin siguro siya, kailangan kong magpaliwanag. Kailangan kong sabihin sa kaniya ang totoo. Ang dami kong tanong sa kaniya... Ngunit kailangan ko muna magpaliwanag sakaniya.
"K-kuya pwede pakiusap lang na... K-kakausapain ko lang siya, kilala niya a-ako."halos mabiyak na ang boses ko. Sa una dapat ay hindi siya papayag, ngunit yung mga kasama niya ay inawat siya kaya laki ng pasasalamat ko.
"S-salamat..."
Nakalapit na ako sa kaniya at hinawakan ang kamay niya kaso ikinagulat ko ng iniwaksi niya ito. Malamig na tumingin at sinuri ang ulo hanggang paa ko, parang sinuri na nito ang pagkatao ko.
Alam kong nakakahiya ang suot ko dahil isang simpleng palda at sando na may butas pa kaunti sa ibaba ang tangin sout ko, hindi maiihantulad sa kagaraan ng kaniyang suot. Na kahit simple ay masasabi mong mayaman siya.
Alam kong nasa akin na ang mata ng lahat, napatigil dahil sa akin. Narinig ko ang bulungan ng lahat ngunit hindi ko pinansin.
"Who are you?"malamig na saad niya at napatigil ako rito.
S-sino ako...?
Nanginginig ang aking mga labi sa lamig ng boses nito.
Malamig ang mga mata niyang pinagmasdan ako, kunot ang mga noo.
Marahil galit parin siya sa akin di ko mapigilan ang pag luha ng tumingin ito ng nandidiri.
"A-astra-"napakagat ako ng labi.
"Kilala mo siya hubby?"tanong sa kaniya ni Jayne nakahawak sa braso niya kaya lalo akong lumuha nakita ko naman ang pag ngiti ni Jayne na para bang masaya siya sa nanyayari.
Umirap ito bago pinulupot ni Astray ang kamay nito sa kaniyang bewang.
Nanlabo ang paningin ko dahil sa luhang humaharang sa mga mata ko?
Tumingin ito ito kay Jayne at bumalik sa akin ang tingin.
Mabagal na umiling"I don't know her,"
Umaawang ang labi ko rito. Sunod-sunod naramdaman ang mga luha ko.
Anong hindi niya ako kilala?
"Maybe... one of the slut's na gustong lumandi sa akin."nakangising nitong saad.
Naiwan na nakaawang ang labi ko at napayuko na lang. Napahawak ako sa tiyan ko at dibdib. Pilit ikinakalma ang sarili at pinipigilan ang aking pagluha.
Hindi niya ako kilala...
Nilampasan nila ako bago pumunta sa sasakyan na itim, hindi inalis ang pagkakahawak sa bewang ni Jayne at pinagbuksan niya ito ng pinto, papasok na sana siya ay tinawag ko siya.
Pipigilan ko siya, umaasa na sana lumingon siya.
"Teka Astray!"ako at tumigil naman siya pero napatigil rin ako sa sinabi niya
"My name is not Astray." malamig na saad niya at sumakay na ng kotse, umilaw ito palantandaan na aandar na kaya dali akong tumakbo papunta doon.
At may hunawak sa balikat ko kaya napatingin ako sa likod ko, si Dilim pala sinundan niya ako.
Napakagat na lang ako sa labi ko...
Hindi... Siguro galit pa rin siya iyan ang tangin itinatatak ko sa isip ko. Dahilaayaw kong isipin na hindi na niya ako kilala at mahal. Mapapabago ko pa ang isip niya, sana...
Napalingon pa sa likod sa rinig na pagtawag sa akin ni Dilim, ngunit ipinagwalang bahala ko ito. Tumakbo ako, sinundan ko ang kotse na mabagal na umuusad dahil sa mga taong nakapaligid rito.
Kailangan ko siyang makausap, kailangan ko siyang lapitan dahil, paano kami ng anak ko, ng anak namin.
"Teka! ASTRAY!"hagulgol na saad ko at hinabol ang sasakyan naabutan ko naman ito tsaka naman mabilis itong umandar.
Naramdaman ko ang malakas na pagpatak ng ulan na sunod-sunod pumatak. Umalis ang lahat at ako naman ay patuloy na hinahabol ang sasakyan. Mabigat sa dibdib at kahit sunod-sunod ang mga luha ko ay hindi nawawala ang sakit na ito.
"A-astray! D-diba sabi mo mahal mo ako, yung anak natin!"at hinahampas ang bintana ng sasakyan. Marahan napahawak sa tiyan ko.
Dahil... Paano ako? Paano kami ng anak niya? Paano yung pinangako niya?
"Astray buksan mo itong pinto, Astray itig-"pero biglang humarurot paalis yung sasakyan at sumunod naman ang ibang sasakyan.
Napahawak ako sa dib-dib ko sa sobrang bigat nito bawat pag hinga ko.
"Elise!!!"hindi ko ito nilingon.
Galit lang siya sa akin... Diba?
Muling bumalik ang tingin sa tanaw kong itim na kotse na kung saan nakasakay rito.
H-hindi... Ko maintindihan kung anong nanyayari sa amin. Umalis lang siya e, bakit naman nagkaganito.
Yung balita... Totoo iyon?
Nanlambot ang mga tuhod ko...
"Astray!"sigaw ko at napahagulgol na lang, luluhod na sana ako.
Naramdaman ko ang pag-alalay sa akin ni Dilim. Napahawak ako sa balikat nito...
"Ba-bakit di niya ako... Ki-kilala? Bakit?"hagulgol ko.
Ibinuhos ko lahat ng hinanakit ko.
Napatakip ako sa bibig ko, hindi alintana sa akin ang malakas na ulan. Napapikit na lang ako, pinapabayaan tumulo ang mga luha ko.
Hindi... Na ba niya ako mahal...
"Ma-may... D-dugo Elise-"utal na ani ni Dilim na nanlalaki ang mga mata, kaya napatingin ako sa hita ko.
Meron pulang tubig na umaagos patungo sa paa ko.
Yung... Anak namin…
.
BINABASA MO ANG
How You Forget
Ficción GeneralReminisce #2 Complete The mafia boss has amnesia, And his forgotten past. A_Novel_By_Dimstykcm ---- Rewrite start: March 4, 2024 Rewrite end: June 25, 2024 Published: October 8, 2021 End: December 25, 2021