CHAPTER 18-Impossible to Love-
"Gusto kita Elise—mali dahil mahal na kita."
Namuo ng Ilan sigundo ang katahimikan at huminga ng malalim bago ako umimik.
"Paano mo nasabi na mahal mo na ako, eh kakakilala lang din natin?"tanong ko at nanatili ang mga mata sa ilog.
"Ewan ko rin, basta pagkagising ko mahal na kita pero ayos lang sa akin kung hindi mo ako magugustuhan."nakangiting saad nito na ang mga mata ay nakatago sakin mga mata.
Wala na. Panalo na siya. Oo na.
"Oo na nga."parang napilitan na sagot ko.
Hindi lang talaga ako makahinga ng maayos sa paraan ng pagtitig niya sakin. Piling ko ay umakyat ang lahat ng dugo ko sa aking mukha.
"Anong oo na, tayo na ba?"naguguluhan tanong nito.
"Sira, syempre liligawan mo pa ako."nakakunot ang noo na sagot ko.
Masyadong atat. Haha.
"Sigeh ba, pero sigaraduhin mong sasagutin mo ako."
Hinawakan ang kamay ko bago sabihin ang linyang,
"Maghihintay ako sa sagot mo kahit kailan pa iyan Elise, mapatunayan lang na mahal kita.”at hinalikan niya ito sa noo tsaka ikinulong ako sa kaniyang mga bisig.
Kinabukasan ay ikinukwento ko ang mga nangyari sa aking pinsan. Umuwi na rin naman kami matapos ang aminan na naganap.
"Tapos ano nangyari? Sinagot mo? O may nangyari?"sunod-sunod na tanong ng pinsan kong ito.
"Hindi."simpleng saad ko pero di matago ang ngiti sa aking labi.
"Ayy bobo, isang Astray na nga ang nagmamahal pa sayo tapos gano'nin mo lang!"sigaw niya.
Dalawang pilipina kaya ako.
"Sasagutin ko naman siya pero hindi ngayon noh…"nakangiting sabi ko at kumunot ang noo niya.
"Eh, bakit di pa ngayon Elise? Ahh sana oll nga may Astray eh, pero ano ba kase trip mo?"tanong ulit nito.
"Syempre nagpapaligaw ako."nakanguso kong sagot.
"Paligaw laos na iyan di na uso iyan, pinapagod mo lang siya eh, hmp."angal nito.
Hindi ako tulad ng ibang babae dyan.
"Di kaya syempre pakipot muna tayo Fe, baka si Elise toh."saad ko ng nakangiti at tumawa ito.
"Pakipot, pero paano si Dilim?"dagdag nito na nagpatigil sa akin.
"Ha si Dilim paano nasama—"at dumating ang kapatid ko.
"Hay, bahala ka basta team Dilim talaga ako.”malakas na sabi ni Fe.
"Hindi basta ako team Astray, di ba ate Astray ka noh?"sabat naman ni Marcos.
Anong pinagsasabi ng mga ito?
"Ewan ko sa inyo!"naiinis na ani ko at napatingin sa lamesa.
Pumunta ako sa kusina na kainan na din namin para mag pakulo ng tubig dahil mag kakape ako. Pagbalik ay rinig ko ang mga kanilang pagtatalo na hindi ko naman maintindihan.
Pati sa titimplahan hindi sila magkasundo?
"Basta team Kape ako."rinig kong saad ni Fe.
"Team gatas ako."boses naman ito ng kapatid ko.
Bumalik na ako doon sa lamesa.
At tuloy pa rin ang pagtatalo nila sa kape at Gatas. Umupo ako sa pagitan nila
"Anong team kape, team gatas pinagsasabi ninyo?"tanong ko.
"Si Dilim team kape at si Astray team gatas"sabay nilang bigkas.
Kung team gatas si Astray, eh kasing pait naman yung ugali niya ng kape. Kung si Dilim naman ang Team kape, pero kasing sweet siya ng gatas. Nakakalito di ba.
Pero imposible na magustuhan din ako ng isang Dark Cruz diba.
---------------------------
Dilim POV
Namuo na ang mga hula sa akin mga mata nang marinig ang pag Amin ni Astray sa babaeng hinihintay ko ang tamang panahon upang makaamin ako.
Kung pipiliin man siya nito. Nakakaasar.
Bakit Elise, di ba ako yung nauna?
Ang sakit ng mga nakikita ko. Mistulang Ilan beses akong pinagsasaksak at pinakain ng bubog na nais kong pumunta sa kanila at agawain ang babaeng mahal ko ngunit wala akong lakas ng loob na alisin ang nakaugat na aking mga paa.
Huli na ba ako? May tsansa pa ba ako Elise?
Dapat pala sinabi ko na agad sayo na mahal kita, pwede ko bang matawag na akin ka?
May pag-asa pa ako.
Ako ang mananalo sa puso mo, hindi ang isang mahirap na tulad niya kung di ako.
BINABASA MO ANG
How You Forget
General FictionReminisce #2 Complete The mafia boss has amnesia, And his forgotten past. A_Novel_By_Dimstykcm ---- Rewrite start: March 4, 2024 Rewrite end: June 25, 2024 Published: October 8, 2021 End: December 25, 2021