KABANATA 24

17 6 0
                                    

CHAPTER 24

Elise POV

-A Work-

Kinabukasan ay hapon pa lang nagpunta na si Fe sa bahay namin para rito raw siya mag-aayos ng make up at itatanong sakin kung maganda na ba siya o kulang.

Nakasanayan na rin niya itong gawin kahit wala naman pupuntahan ay puro paganda dahil baka biglang dumating ang para sa kaniya at ang pangit daw niya, edi hindi na raw siya mamahalin no'n.

Biyernes ng gabi ngayon at ito ang tanging araw sa linggo na laging may malupitan na event sa bar. Mayaman kase talaga ang may Ari ng bar na ito pero hindi ko pa rin maisip bakit dito pa sa Probinsya nagtayo, hindi ba pwede sa Manila. Pero Malaki ang tulong nito sakin no'n nagtatrabaho pa ako rito.

Pero ngayon mukhang marami na naman ang bisita sa bar sana na lang hindi na siya magsasayaw-sayaw ulit do’n, pero hindi ako ang masusunod kase Buhay naman niya yan.

Nakasalo ang kamay ko sa aking baba habang pinapanood si Fe na inaayos ang kaniyang sarili. Papalit-palit ang suot nito at pabalik-balik sa salamin.

Mukhang Malaki ang bayad dito huh. Sayang.

Lumapit itoh sa akin at umupo sa tabi ko.

"Mukha kang nalugi—”paghawak nito sakin balikat pero iniwaksi ko.

“Ano, kailangan pala namin ng Papang pogi, yummy at hot baka pwede si Astray?”inilagay ko naman ang palad ko sa kaniyang labi.

"Hindi pwede."mabilis kong saad.

Napangiwi ito at tumayo na para ulit aayusin ang sarili niya.

Ano ako papayag na ibalandra ang katawan ng bebe ko sa harap ng mga baklang iyon ha? Hindi no, akin lang siya siraulong Feline iyon, baka nabatukan ko na siya kung hindi ko lang siya pinsan, tse!

"Pero lalakihan daw ang bayad teh."pag-uulit nito.

Pinipilit niya talaga ako.

"Hindi pa rin."galit na saad ko.

Di ko parin siya pinansin. Kung wari ay wala akong naririnig sa mga sinasabi niya.

Kahit milyon pa iyan wala akong pake akin lang siya.

Pumunta ako sa bahay ni Astray dahil sa hindi ko masikmura na makita ang pinsan ko at baka maibato ko ito sa labas ng bintana.

Sa pagbukas ko ng pinto ng kaniyang kuwarto ay nagulat sa nasaksihan.

May bago itong suot na polong puti at kapansin-pansin na bagay sa kaniya ito habang ang pang-ibabang ay pantalon na nasa tabi. Hindi pa naman niya nasusuot at naka boxer pa siya, naiisip ko na na ganito ang suot niya habang nasa stage.

At akin lang yan.

“Ano yan?”kunot ang noo kong tanong.

Niyapos niya ako agad pero umiwas ako at sinamaan siya ng tingin.

"Pabayaan mo na ko Elise, malaki raw bayad ehh kaya pumayag ako."saad niya pero galit pa rin ako.

Pumayag na pala siya na magsayaw-sayaw sa harap ng mga costumer.

“Edi naghanap ka na rin ng bagong papalit sakin.”nakanguso kong ani at tinalukuran siya.

“Elise, alam kong magseselos ka. I'm sorry.”malambing niyang Saad.

Naramdaman ko ang bisig niyang pumulupot sa tiyan ko at kaniyang hininga sa leeg ko.

"Hindi."may diin kong sabi.

"Anong hindi paano yung pera? Para rin iyon sa atin kaya payagan mo na ako."pakiusap niya.

Marupok ako at bumibigay rin.

Talaga naman dapat hindi ako papayag ehh, pero sa huli ang pinayagan ko pa rin siya.

Malaki rin ang tulong nito e.

Hindi ko na siya hinatid sa bar kaya pinabantayan ko na lang siya sa pinsan ko kase baka dalihin ng mga bakla roon.

Hays, kung di lang namilit iyon ay hindi ko talaga dapat siya papayagan.

At bago pa lang tuluyan lumubog ang araw ay umalis na siya ng bahay. Dito pa niya ako pinatulog sa kaniyang kuwarto dahil ayaw na niya akong umuwi.

Mabilis lang naman daw yun, bago mag madaling araw ay nakakauwi na siya.

---------------------------

Third Person Pov

Maingay ang bawat sulok ng bar. Ang mga ilaw ay sumasayaw batay sa tono ng musika at ang mga tao naman ay sumasabay rin.

Sa pagpatay ng ilaw ay hudyat na ito na ilalabas na ang kanilang pinakahihintay. Tilian ang namuong ingay na sunod-sunod lumabas mula sa likod ang mga lalaking malalaki ang katawan.

Tumaas ang sulok ng labi ng isang babae na mapukaw ng kaniyang atensyon ang lalaking nasa gilid na kahit anong dilim ay kabisado niya ang katawan nito.

Mapang-akit at puno ng pagnanasa ang lahat ng mga babae miski ang mga bakla ay pinagpipilian na ang mga lalaking na sumasayaw.

"Ril yung nasa gitna gusto ko—"bago pa lang matapos ang sasabihin nga kaniyang katabi ay inunahan niya ito.

"No, Eli, he's mine."pagkagat nito sa kaniya labi at tumingin muli siya ro'n sa maputing lalaking nagsasayaw.

Tumatakbo sa kaniyang isipan na Malaki ang pinagbago ng lalaking mahal niya. Hindi ito tulad ng dati, hindi niya rin inaakala na magagawa niya ang bagay na ito.

Nagpapanggap ka lang ba na hindi mo kami kilala o sadyang nakalimutan mo na ako o sinadya mo, pero kahit magtago ka pa susundan kita kahit sa impyerno.

Ahzi…

;⁠)

How You ForgetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon