Elise POV
Nagising ako at pandalas na pagbangon. Napatingin ako sa pagilid nang magising. Ngayon ko lang ata napansin ang paligid.
Tumingin ako sa sarili at nakahinga ng maluwag na ang lahat ay isa lamang panaginip.
"Salamat at panaginip lang iyon."bulong ko at parang nabunutan na ng tinik.
Agad akong napa tingin ng marinig ko ang pag bukas ng pinto.
Inuluwan nito si Dilim.
"Dilim!"nakangiting tawag ko rito pero siya naman ay mapula ang mga mata at madungis, tulad ng nasa panaginip ko ay basa rin ang suot niyang damit.
Pinigilan ko ang sarili na lumuha sa mga napansin. Pumikit ako bago muling dumilat.
Hindi. Nagkataon lang.
Matipid akong ngumiti, "Dilim, gusto ko nga pala dalawin sina Elliza at Markgo."saad ko at tumayo na tsaka naglakad papuntang pintuan pero umiling ito.
Nanatili naman ang tingin ko sa pinto na napansin mas nag light ang kulay nito-hindi.
"Hoy, ano ka ba? Samahan mo ako dalawin sila tara na!"may ngiti pa rin ang labi ko ngunit naramdaman ko ang mainit na likidong sa pisngi ko.
Tumayo na ako. Humahakbang ako papalapit sa pinto habang kinakausap siya. Hindi naman niya ako hinarangan.
"Bahala ka diyan kung ayaw, basta ako dadalawin ko-"
Hindi ako nakapagsalita nang tuluyan ko ng mabuksan ang pinto. Ang daming tao nagkakagulo yung iba sugatan at kailangan gamutin. Sunod-sunod ang mga doctor natumatakbo kung saan-saan.
Bumalik ang tingin ko kay Dilim na ngayon ay nasa likod ko.
Ibang hospital ito.
Nanlambot ang tuhod ko, "Hindi panaginip iyon?"tanong ko.
Napa takip na lang ako sa bibig at napahikbi sa pagtango niya bilang sagot.
Akala ko ayos na. Magiging masaya na ako kasama ang mga anak pero bakit ganto ang nangyari?
Nawala na sakin ang taong mahal ko. Pati pa naman ang dahilan bakit pinili kong lumayo sa kaniya.
Mabilis akong umiling, "H-hindi... Di ba panaginip lang iyon? Di ba Dilim?!"di ko mapigilan mapasigaw nang ilang ulit umiling ito.
Parang iniipit ang lalamunan ko sa sakit, "B-bakit lahat sila iniwan ako?"pag iyak ko.
Hindi ko na kinaya at napaupo na lang ako sa sahig. Napahagulgol ako habang nasa lapag.
"Elliza! Markgo!"
Namatayan ako ng mga anak. Nawala ang lahat nang meron ako. Ikinuwento sakin ni Dilim kung ano ang nangyari. Nasunog ang hospital kung na saan sila at nakita na ang katawan nila. Si Dilim ang nag aasikaso ngayon sa kanila dahil di ko pa kaya.
Ang totoo ay hindi ko pa sila nabubuhay at sa pagkakataon na ito ay wala na akong balak dahil wala na silang buhay.
Baka lalong hindi ko makaya.
Nakatitig lang ako sa labas ng bintana ng kuwarto ko dito sa hospital. Isang linggo na rin ang nakalipas at lagi akong tulala.
Ngayon ang libing nila kaya ngayon rin ang labas ko. Hindi ko maalala kung kailan ako may nakausap.
Lumabas na ako pagkatapos mag ayos, kasama ko rin si Fe pero alam kong gusto niya ako kausapin dahil ilang beses niyang itinikom ang bibig.
Namalayan ko na lang na nasa labas na ako ng kuwarto at wala ni ano man ang hawak kaya napahinto ako.
"Teka naiwan ko yung picture nila. Mauna ka na."saad ko at bumalik sa loob tsaka lumabas ulit ng kuwarto ng hospital.
"Apo, Ahzi..."napatigil ako sa nakikita ko ngayon sa harap ko na paraan kaya itinuon ko ang tingin sa sahig.
Anong ginagawa niya rito?
Wala na akong pakielam sa kaniya. Gusto ko sanang malaman niya pero wala akong gana ngayon makipag usap kahit kanino.
"I will miss him, Lola."boses na pamilyar sa aking pandinig.
Sana na walang na rin ako ng alaala.
Nilampasan ko lang sila bago sumakay sa elevator at bumaba na.
Nang makarating na kami sa cemetery. Nagsimula nang hukayin ang lupa. Nakatuon ang tingin ko hanggang sa nakalibing na sila at nagpa iwan ako.
Napaupo ako rito sa gilid ng libingan nilang dalawa.
Elliza Ivera & Markgo Ivera
Born: Nov 19, ****
Death: Nov 26, ****Isang linggo lang kayo nabuhay. Pinunasan ko ang luha na tumulo, ni di ko nga kayo nahawakan tapos kukunin kayo ng ganon-ganon lang.
Sana pala sinama ninyo na ako. Kahit ayaw kong iwan ang kapatid ko. Hindi sapat ang mga luha ko para tumabasann nito ang sakit.
"Paalam mga anak ko, hanggang sa muli natin pagkikita..."saad ko bago pinagpagan ang damit na suot ko.
At nilisan na ang lugar na iyon. Pero napahinto ako sa paglalakad nang napako ag tingin ko sa isang kilalang pigura.
Kasama ang babaeng baliw na baliw sa kaniya. Magkatabi at nakaharap sa isang puntod na bagong libing din lamang.
Maya-maya ay yapos na nila ang isa't isa.
"Siguro nga panahon na para kalimutan kita."saad ko bago sunod-sunod tumulo ang mga luha ko.
Ang pitong buwan na kilala ko siya at minahal namin ang isa't isa ay nawala ang lahat ng isang iglap.
Paano ako ngayon?
-
Third Person Pov
Si Ahzi at Rilyn ay nagkaroon ng pinakamasayang araw sa buong Buhay nila. Ito ang pag-iisang dibdib nilang dalawa.
Itutuloy...
.
BINABASA MO ANG
How You Forget
General FictionReminisce #2 Complete The mafia boss has amnesia, And his forgotten past. A_Novel_By_Dimstykcm ---- Rewrite start: March 4, 2024 Rewrite end: June 25, 2024 Published: October 8, 2021 End: December 25, 2021