CHAPTER 14-Unexpected-
Elise POV
“May nakalimutan pa ba ako?”
Pagka usap ko sakin sarili habang pinagmamasdan ang bag na nasa harapan.
Ngayon ang labas ko sa hospital at magtatrabaho na kaagad ako kase baka walang babaunin ang kapatid ko tsaka yung mga pang project.
Sino kaya magsusundo sa akin at ihahatid ako sa bahay namin?
Hindi pwede ang kapatid ko sa kadahilanan na may pasok siya ngayon.
Sa pag-iyak ng aking cellphone ay mabilis ko itong kinuha at sinagot.
"May mga pinadala na akong ihahatid ka sa bahay."bungad nito sakin na ikinakunot ng aking noo.
"Hoy, bakit mga? Hoy—"tanong ko pero kaagad niyang pinatay ang tawag kaya itinikom ko na lang ang aking bibig.
Sino kaya sila?
Upang mapigilan ang pagngiti ay kinagat ko ang aking pangibabang labi.
Anong oras sila pupunta rito?
Matiyagang maghihintay na lang ako dito sa loob ng kuwarto ng hospita nang nakarinig ako nang may kumatok sa pinto.
At inuluwa nito si…
Si Dilim.
Bakit siya? Teka sino ba iniisip ko.
"Pasyensya, pinaghintay ata kita. Akin na yan dadalhin mo."saad nito sabay kuha ng dala ko at binitbit niya.
Akala ko marami sila siya lang pala. Sinungaling siya. Humanda ka sakin pag-uwi ko.
"Ahh, tara na?"tanong ko at mabagal itong tumango matapos ay ako ang unang lumabas.
Nakakalakad naman ako dahil nawalan lang naman ang ng malay. Nasa likod ko ito at isinarado na ang pinto ng kuwarto.
Nang makalabas ng hospital ay agad siyang pumara ng jeepney. Naging tahimik ang buong byahe, kung minsan ay nagtatanong siya kung maayos lang ako. At ilang minuto ay nakarating na kami ng bahay.
"Sige, salamat sa paghatid Dilim paalam."paalam ko at ngumiti siya.
"Sige, alis na ako pagaling ka. Huwag ka muna magtrabaho."paalala nito at hindi pa rin mawawala ang kaniyang ngiti.
Napanguso ako at walang magawa kung di ang tumango. Nawalan din naman ako ng gana magtrabaho. Parang gusto ko na lang ihiga ang katawan ko dahil sa nararamdaman na sobrang bigat nito.
Kaya pagpasok ng bahay ay ibinababa ko lang ang aking gamit at natulog na.
Hindi ko namalayan ang oras, at madilim na ang kalangitan nang magising dahil sa pagkatuyo ng aking lalamunan.
Isinarado ko ang binatana.
"Gabi na pala."agad akong bumaba at sinilip ang kapatid ko sa kuwarto niya ay natutulog na.
Ako naman ay pinagpatuloy na ang pagkuha ng tubig at uminom ng tubig.
Maya-maya ay nakarinig ako ng tatlong katok sa pintuan. Walang alinglangan kong binuksan ito.
“Bakit Fe?”tumaas ang aking kilay nang bumungad ito na may malaking ngiti sa kaniyang labi.
"May ikukwento ako, pero roon tayo sa kuwarto mo. Bili na!"saad niya at hinila ako sa kuwarto ko.
"Ano iyon?"tanong ko at umupo sa kama ko.
Siya naman ay binuksan ang bintana rito sa kuwarto na kanina ay isinarado ko at tumingin sa labas.
BINABASA MO ANG
How You Forget
General FictionReminisce #2 Complete The mafia boss has amnesia, And his forgotten past. A_Novel_By_Dimstykcm ---- Rewrite start: March 4, 2024 Rewrite end: June 25, 2024 Published: October 8, 2021 End: December 25, 2021