KABANATA 28

16 7 0
                                    

CHAPTER 28

Elise POV

Andito ako ngayon sa bayan sa palengke at kasama ko si Fe.

"Tapos ang sarap pa ng pinaulam ni inay sa kanila. Eh ako nga tuyo lang tapos sila ginalaw pa yun tocino na iluluto ni Inaypara itinda."nagsusumbong itong si Feline habang nakasimangot ang pagmumukha.

Kunot naman ang mga noo sa pag banggit ng mga lalaking nakatulog daw sa bahay nila.

Pero di ko siya pinansin at tumawid na ng kalsada dahil bibili ako ng mangga rito sa katapat ng binilihan namin kalsada lang ang pagitan.

Tumawid na ako ng kalsada ng nasa gitna ay naghiyawan ang lahat ng tao nakita ko na lang ang sasakyan sa harap at bumaba doon ang babaeng maganda na pamilyar sakin.

Napasin kong si Fe ay nasa tabi ko na hindi maipinta ang mukha sa pag-aalala sakin.

"Okay sorry, hindi ko sinasadya may hinahabol lang ako."paghingi niya ng paumanhin at sasagot na sana ako nang sunod-sunod tumulo ang mga luha nito.

"S-sorry talaga, hindi ko sinasadya gusto ninyo ihatid ko na lang ako sa bahay ninyo, if you want lang?"saad niya at napangiti ng malaki itong si Fe kaya napatingin ako sa kaniya.

Mabilis lang nagtaas baba ang ulo ni Fe kaya mabilis kong siniko pero hindi niya ito pinansin.

"Bili ni Elise."mahinang sabi niya sakin, hila-hila nito ang aking braso.

Naramdaman ko naman kumirot ang ulo ko kaya pumayag na lang din ako sa huli.

"Sige,"Saad ko at hindi napigilan ang sarili na humawak sa ulo.

"Yeah!"hiyaw ni Fe at dali-daling sumakay sa likod ng kotse kaya napailing na lang ako.

Napatayo naman ako ng tuwid nang napawi ang sakit sa aking ulo.

"Ah, bibili muna ako ng mangga."saad ko at tumango naman sila.

"Okay, samahan kita pabayaan muna natin siya sa kotse, di naman aalis iyon."saad niya na medyo ikinagulay ko.

Ang bait niya.

Sinamahan niya ako sa tindahan ng mangga at namili na ako ng mangga.

"Sigurado akong di lang iyan iisa, iha."saad ng tindera ng ibigay ko na ang sukli sa kaniya at ngumiti lang ako.

Nakita ko naman nagtataka itong babae katabi ko.

Pamilyar talaga siya sakin. Saan ko ba siya nakita?

Pagsakay namin sa sasakyan ay agad na pinandar na niya ito ngunit puno ng pag-iingat. Nasa pareho kaming unahan, katabi ko ang driver seat dahil ang babaeng ito ang nagmamaneho.

"I have a question, pwede ba?"tanong niya at tumango lang ako.

Binaba ko naman sa lapag ang hawak kong plastik para kunin ang Mani na binili ko kanina at kinain ko.

Bumaba ang tingin nito sa aking tiyan at muling nagtama ang mga mata.

"You are pregnant..."wala sa sariling bigkas niya.

Walang reaksyon ang mukha nito. Hindi ko rin alam kung anong tumatakbo sa kaniyang isipan.

Biglang sumulpot sa gitna namin ang isang ulo, "Ha?"singit ni Fe na nasa likod namin.

"Oo nga pala, sabi ko kung buntis ka pansin ko lang. Sinong ama? Okay lang kung di mo sasagutin, Elise."mahabang lintanya niya na habang nakatingin sa kalsada.

Alam niyang buntis ako kase kanina sinabi ng nagtitinda ng mangga.

Alam niya rin ang pangalan ko, paano?

"Oo, teka paano mo nalaman yung pangalan ko?"takang tanong ko.

"Ah... kanina di ba sinabi niyang kasama mo ang pangalan mo."sagot niya at napakamot sa batok.

Ang daldal talaga ni Fe. Napatango lang ako at ipinagpatuloy ang pagkain ng mani.

"Ahmm, di ninyo pa ako kilala. Ako nga pala si Jayne."ngumiti ito at nanatili naman ang mga mata sa kalsada.

"Saan bahay ninyo rito, ihatid ko na lang kayo? Bawal kase ata ipasok ang sasakyan dito."tanong niya at hindi ko namalayan na andito na pala kami kaya bumaba na ako ng kotse.

Naunang lumabas siya upang buksan ang pinto namin dalawa.

"Tara."saad ko at sumunod siya.

Nakarating na kami sa bahay namin, pinapasok ko siya rito pero tumanggi ito.

"No need, may pupuntahan din kase ako."paalam niya samin at habol tingin na lang kami sa likod niya naglalakad papalayo samin.

Ang ganda niya at mabait pa, ang swerte niya dahil mayaman din siya.

"Astray, jamusta ka na may masakit pa ba? Elise!"rinig kong saad ni Ril mula rito sa kusina kaya lumabas ako na dala ang tasa na may lamang kape.

Nadatnan ko naman si Astray na kunot na naman ang mga noo nito. Matatalim ang mga mata.

Mabilis kong biniba ang ang hawak-hawak sa Isang maliit na durabox dito bago lumapit sa kanila.

"Ano ginagawa mo dito?"tanong ni Astray.

Nalaglag naman ang aking panga nang hinila niya palabas ng bahay si Jayne at tanging ngiwi lang ang nagawa niya habang hawak-hawak ang braso niya.

"Hoy! Teka, Astray!"pigil ko sa kaniya ngunit mistulang wala itong narinig.

Nakaabot na kami sa labas ng bahay at doon lang niya binitawan si Jayne.

"Ano ginagawa mo dito Ril-?"hindi natuloy ang sasabihin niya ng sumabat ako.

Kilala niya?

"Magkakilala kayo?"inosente kong tanong.

Binasa ni Jayne ang pang ibabang labi, "Ah... Oo Elise, kilala niya ako bilang Ril pero ikaw ay Jayne name ko ang kilala mo."sagot nito.

Ano? Sino raw siya? Jayne? Ril?

"I mean pareho kong name iyon."nakangiting saad niya at pumunta ako sa gilid ni Astray upang pigilan ito baka ano pang gawin niya.

"Grabi to, makahila kay Jayne hindi mo bisita iyan. Bisita ko iyan."mariin kong saad at hinila papasok ulit ng bahay si Jayne.

At iniwan si Astray ro'n.

"May masakit ba?"tanong ko kay Janye at sinuri ang balikat niya. Umiling lang ito.

Nakita kong pumasok na rito sa bahay si Astray pero diretso lang siya sa kuwarto niya. Wala ito ibang sinabi.

"Ah, Elise magagabi na rin kase, uuwi na ako."pagpapa-alam ni Jayne at napatango na lang ako hinatid siya sa labas ng gate.

"Pasyensiya na sa inasal ni Astray ha?"saad ko at hinawakan niya ang kamay ko.

"It's okay lang, sige bye."paalam nito bago sumakay sa sasakyan niya.

Siya nga pala yung naghatid dito kay Astray na walang malay at may pasa sa mukha.

Nakalimutan kong itanong kung anong nangyari kase mas inisip ko muna ang kalagayan ni Astray.

Pumasok na ako sa bahay at umakyat ng kuwarto namin. Pagpasok ko sa kuwarto niya ay nakatalikod siya mula sa akin at tumingin ako sa lamesa niya. Hindi pa niya ginagalaw ang pagkain.

Lumapit ako at tinapik ko siya sa balikat niya. Humarap naman siya sa akin.

"Bakit?"tanong niya, malamig ang pagbigkas sa bawat salita pero tinarayan ko lang siya.

"Anong bakit ha? Di ka pa kumakain."naiinis na Saad ko at umupo siya mula sa pagkakahiga.

Napaatras ako kaunti nang lumuhod siya sa tapat ko at marahan niya akong pinalapit.

Itinapat ang tainga niya sa tiyan ko at niyapos ito.

"Gusto ko lang pakinggan ang anak natin."saad niya at pumikit habang pinapakinggan niya ang tiyan ko.

How You ForgetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon