CHAPTER 5
-Remember-
"GOOD morning Philippines."
Walang ganang saad ko. Muling narinig ang tilaok ng manok at nagtulakbon ng unan sa mukha. Nakakatamad bumangon pero kailangan ko dahil para sa kapatid ko. Pero maaga pa naman, mayaya na lang. Wala pa ngang araw akong nakikita, madilim pa.
Mulung pipikit na ang aking mga mata na napamulat sa gulat na makarinig ng sigaw mula sa kapatid king gwapo na naninira ng umaga.
"Hoy, Ate gumising kana!"sigaw nito at malakas na kumatok sa yerong pinto ng aking kuwarto.
Mahigpit kong iniharang ang unan sa tainga ko. Ang ingay nito. Wala pa naman araw, ginigising na ako. At anong sabi niya…
"Anong sabi mo sakin?"kunot ang aking mga noo nang bumangon sa higaan at kinuha ang isang pamatpat na natanggal mula sa ginawa kong sampayan.
"Humanda ka saking mokong ka. 'Hoy' pala huh!"
Naglakad ako patungo sa pinto at binuksan ito, tinanggal ang pagkakawit ng pako sa kahoy.
Kamot-kamot ang ulo nitong bumungad sa akin at nakangiti ng peke.
"Ate sabi ko, 'Hoy po' hindi mo lang narinig yung 'Hoy' dahil antok ka pa."pagngangatwiran nito.
Tinaasan ko ito ng kilay. Maabilis na hinawakan ang dulo ng kaniyang tainga at inikot ito.
"Ang galing mo magdahilan… Saan mo natutunan yan?"tanong ko sa kaniya at napangiwi na lang ito.
"Aray ko ate!"
Hindi ko pa rin binibitawan ang tainga nito at kahit matangkad ito sa akin ay hinila ko naman pababa ang kaniyang tainga kaya nakayuko ito sa akin.
"Dapat nga magpasalamat ka pa sakin dahil ubos na yung mga isda mo, kailangan mo nang bumili. Di ba tuwing huwebes ka bumibili ng mga isda."ngiwi nito.
Binitawan ko ang pagkakawahak dito. At naalala ko na ngayon araw ako dapat pala bumili ng mga isda dahil mura at baka maubusan ako. Marami pa pala ako gagawin pagtapos bumili. Mabuti na lang andito ang mabuti kong kapatid para tulungan ako.
Napangiti na lang ako. "Edi salamat."
"Toothbrush ka muna ate, may panis na laway ka pa, oh."turo niya sa gilid ng labi.
Napahawak na lang ako dito at nanlaki ang mga mata ko na naalala ang nanyari kagabi. Yung.. halik na nanyari. Hindi panaginip yun. Yung unang halik ko, nawala na. Pero di ko ikakaila na malambot yung labi niya at lasang alak tsaka parang strawberry, kaso hindi pa ako nakakakain non e.
"Inferness ang sarap humalik."napatakip pa ako ng bibig sa iniisip ko.
"Ate!"
Ano pinagsasabi ko?
"Ate, hoyy!"
Bigla na lang nga niya ako hinalikan at walang paalam-paalam. Suguran na kaagad, ganon ba dapat?
Halos mapasubsob ako sa aking dibdib na maramdaman ang malakas na paghampas sa batok ko.
"Aray! Bakit ka namamatok!"sigaw ko.
Nilakihan ko ito ng mga mata ngunit kunot noo lang itong tumingin sa akin.
"Ano binubulong-bulong mo na masarap halikan anoyon-
—"nakanguso ito pero hindi ko siya pinatapos."Hoy, magbihis ka na tanghali na papasok ka pa pag ikaw na laman kong naglalayas lang ay—"sigaw ko sa kaniya at tinulak papasok ng kuwarto niya.
Nang bigla niyang isarado ng malakas ang pinto kaya nanlaki ang mga mata ko at kumatok ng malakas.
"Hoy, kiinakausap pa kita pumunta ka dito!"sigaw ko pero wala ata itong naririnig.
Napabuga na lang ako ng hangin at bumaba na lang. Naabutan ko sa kusina na meron plato na may kalahating pritong itlog at dalawang piraso ng tuyo na may kanin pa.
Napa iling na lang ako at napa ngiti ng matipid.
Matapos kumain ay naabutan ko siyang pababa na ng hagdan. Sumilip na rin ang haring araw at ang sikat nito ay nasa harapan na ng aming bahay.
"Ate pasok na po ako."paalam nito at kinuha na ang baon niya na siya ang nagluto.
"Ingat ka!"sigaw ko dahil naghuhugas ako sa likod ng pinggan at mga pinaglutuan niya.
"Ate mag-ingat ka pagpunta sa bayan."narinig ko na lang ang pagsarado ng pinto hudyat na umalis na siya.
Matapos maghugas ay naligo at nag-ayos na rin ako. Naghanda na papunta sa bayan, inilagay ang malaking halaga ng pera sa shoulder bag na binigay ni Tatay noon bata pa ako sabi ni Mama bago siya mawal sa mundong ito.
Hindi ko alam kung totoo yun, na galing ito sa Tatay ko dahil lumaki akong walang ama.
BINABASA MO ANG
How You Forget
General FictionReminisce #2 Complete The mafia boss has amnesia, And his forgotten past. A_Novel_By_Dimstykcm ---- Rewrite start: March 4, 2024 Rewrite end: June 25, 2024 Published: October 8, 2021 End: December 25, 2021