KABANATA 40

22 6 0
                                    

CHAPTER 40

Masakit ngayon yung tiyan ko kaya di ako makababa o makaalis man sa kuwarto kung saan ako nakikituloy ngayon. Napakagat labi na lang ako dahil sa sobrang sakit nito.

"Dilim!"sigaw ko sa pangalan ni Dark.

Manganganak na ata ako dahil may tubig ng lumabas sa baba ko.

Nakaramdam naman ako ng sakit ng sintido. Hindi pa Ngayon ang kabuwanan ko, 7 months pa lang sila.

"Dilim!!!"muli kong sigaw at bumukas na yung pintuan ay gulat lang itong tumingin sa akin.

"Elise— Mama manganganak na si Elise."gulat na sigaw ni Dilim at lumapit na sa akin tsaka binuhat ako.

Pilit kong binubuksan yung mata ko dahil bumibigat na ito. Naramdaman ko ang pag galaw ng paligid habang buhat ako.

"Ahh, ang sakit!"ingil ko dahil ang sakit sobra.

Hindi na ulit ako mabubuntis. Grabi pala ang sakit.

"Malapit na tayo."saad ni Dilim.

Hindii ko na malayan andito na pala kami sa loob ng kotse at tanaw na rito ang labas ng hospital.

"Ahh! Bilis! Dilim!"panay ang sigaw ko dahil parang hinahati ang pagkatao ko sa sakit ng tiyan ko.

Sa pagbukas ng pinto ay may sumalubong sakin na stretcher. Inihiga nila ako ro'n tsaka mabilis nila akong itinulak patungo sa loob ng hospital.

Maraming nurse ang sumunod sakin.

“Diyan na lang po kayo"

Ang huli kong rinig nang makapasok sa birth room…

ANG saya ko ngayon dahil nakita ko yung mga anak namin— anak ko. Kaso di ko pa sila pwedeng hawakan dahil premature sila.

Kinulang sa buwan at sabi ng doctor buti na lang ay nakayanan ng mga baby ko. Napangiti na lang ako, dahil tulad ko sila malakas.

Ngayon ay nasa nursery ako. Naka wheel chair upang dalawin ang kambal. Nasa tig isang incubators kaya kitang-kita sila.

"Anong po pangalan ng panganay?"tanong nurse sa akin.

Kaya napangiti akong sumilip sa panganay ko. Babae siya mas maganda pa sa akin.

"Elliza Ivera."sagot ko at isinulat niya ito, yung bunso na ang sunod lalaki naman

"Ano po pangalan ng—?"Nurse.

"Markgo Ivera"agaran na sagot ko.

Hindi ko talaga siya pinatapos at ngumiti lang siya bago umalis ito.

Tinignan ko ulit sila at gustong-gusto ko na silang iuwi.

"Ang ganda naman ng pangalan nila."nagulat ako.

Andito pala si Dilim at ngumiti lang ako. Siya nga pala ang magbabalik sakin sa kuwarto.

"Kamukha siya nila si—"saad niya na nag papawi ng ngiti ko.

Kamukha ng sila ng ama nila kaso wala e, nasa iba.

"Oo nga e, ako nag dala tapos kamukha lang niya."sabay pekeng tawa, at ngumiti lang ito bago muling tumingin sa kambal.

"Tara na balik ka na sa kuwarto mo."saad ni Dilim sabay tulak ng wheel chair.

Habang pag alis namin doon ay habol tingin pa rin ako sa kambal. Nang makapasok na ako sa kuwarto ko ay inihiga na ako ni Dilim tsaka natulog.

Ilan araw pa kaya ang itatagal ko rito. Halos isang linggo na rin ngunit nababagot na ako. Meron pang isa at kalahating buwan ang kailan para maging maayos ang mga anak ko. Miski ako ay hindi pa rin malalakas ng maayos dahil sa tahi.

Nagising ako ng makarinig ng malakas na alarm sa boung kuwarto at bumangon. Nakita ko naman pandalas na kinuha ni Dilim ang wheelchair at isinakay ako roon.

Kunot ang noo kong tumingi sa kaniya.

"Dilim,"pantay na tunong tawag ko rito pero siya naman ay pula ang gilid ng mga mata at madungis din siya.

Saan siya galing? At ang dumi niya. Basa rin ang suot niyang damit…

Bumigat naman ang paghinga ko.

"Anong meron Dilim?" tanong ko at dahan-dahan umawang ang labi ko sa sunod niyang sinabi.

"Nasusunog ang hospital. Sumabog din ang nursery, Elise!"di niya natapos ang sasabihin niya ng pilit akong tumayo.

Kahit naramdaman ko ang panghihina ng tuhod ko ay na kaya ko pang magtungo sa tapat ng pinto.

“Y-yung mga anak ko pupuntahan ko…”paos kong sabi nang hawakan niya ako.

Ano nangyayari? Bakit?

"Elise, hindi. Delikado na ro’n."saad niya pero wala akong pakielam at lumabas na ako ng kuwarto.

Alam kong nasa likuran ko siya pero mistula akong sinaksak sa sakit ng dibdib ko.

Nasaksihan ko kung gaano kagulo ang lahat.

"Ang anak ko!"sigaw ng isang babaeng naka hospital sa di kalayuan na hawak-hawak ng mga bodyguard at nurse.

Hindi. Hindi ito totoo. Panaginip lang ito.

May hawak na syringe ang isang doctor. Lumapit ito sa babae hanggang sa tuluyan na naiturok ito rito.

"Ang anak ko, iligtas ninyo!"ang huling sigaw ng babae bago mawalan ng malay.

Napasandal na lang ako sa pader dito. Mistulang binabawian ako ng buhay.

Iligtas ninyo ang anak ko. Huwag nyong gawin ito sakin, parang awa nyo na.

“Aalisin muna po ang lahat ng pasyente.”

At kung ano ano pa ang rinig kong sigaw ng iba.

Mabilis akong tumakbo pero nagpatigil dahil sa kamay na humawak ng pulsuhan ko.

Tumingin ako rito. Mistulang naputulan ako ng dila dahil wa akong masabi.

Ang tanging tumatakbo lang sa isip ko ay kailan kong silang iligtas.

Umiiyak na sila ngayon do’n. Magugutom sila kapag iniwan nila ako. Hindi mangyayari yun.

Umiiyak na siya, "Delikado na, Elise—"pero iniwasik ko ang kamay niya.

Naramdaman na lang ang sunod-sunod na luha na tumulo sa mula sa mata ko.

Tang!na.

Ikinulong niya ako sa kaniyang mga bisig.

Hindi ba siya nakikinig. Kita naman niya di ba? Ililigtas ko ang mga anak ko.

Habol-habol ko ang hininga habang humihikbi, "A-andoon sila… S-sina Elliza at Markgo."sabay pag hampas sa dibdib nito.

"Kukunin ko yung mga anak ko, kukunin… ko."

Unting-unting dumilim ang buong paligid ko at hindi ko na alam ang nangyari pagkatapos no'n.

-------

The last chapter of this book will be update tomorrow.

Alam ko pong may nakabasa na ng 1st draft at na published ko po yun dito. Binago ko po talaga ang name ng kambal dahil gusto ko lang haha.

Kung may makita kayong mali habang nagbabasa huwag mahiya na i comment o I acknowledge po ako, thanks HOMIES!!!!

How You ForgetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon