KABANATA 34

9 4 0
                                    

CHAPTER 34

Feline POV

Hindi ko alam kung masasagot pa ba ang mga katanungan ko.

Bakit kaya di bumalik si Astray?

Siguro di niya totoong mahal si Pinsan?

At di na rin pumupunta dito sina denver kainis.

Damay-damay ba ito pagdating sa love life?

"Dalawang buwan na siyang himdi umuuwi. Apat na buwan na anak namin."matamlay na bigkas ni Elise.

Ilan beses na niyang binanggit iyon pero hanggang tango lang ako.

Andito lang ako para samahan siya dahil baka may mangyari sa pag-aalala niya, lalo at buntis pa siya.

Tulad Ngayon umiiyak na naman siya.

"Huwag ka ngang umiyak, mapapasama iyan sa bata."suyaw ko, pero lalong umiyak ito.

Hindi na ako naka pagsalita dahil sa pagdating ni Dilim. Nang masaksihan niya  na umiiyak si Elise ay walang alangan itong pinatahan at inamo.

Asan kaba kase Astray?

Saan mo dinala siya Rilyn?

DILIM POV

Ito ang pagkakataon ko kaya sinabi ko iyon. Sorry, Elise kahit walang nangyari sa atin. Sorry pa rin.

Andito ako sa hospital. Nang mawalan ito ng malay ay mabilis ko siyang binihisan at tumawag ng sasakyan para isugod agad siya rito.

At hanggang ngayon ay binabantayan siya.

Nakahinga naman ako ng maluwag na maayos naman daw ang mga bata, kaya lang daw ay huwag magpapa stress ulit dahil ito raw ang naging dahilan kung bakit siya nahimatay.

Nakokonsensya ako dahil may nabuo na mula sa kanilang pagmamahalan at mga inosente ang mga ito.

Akala ko naman ay kinabukasan ay darating na si Astray ngunit hindi man lang ito sumilip o nagtanong sa kalagayan ng mga Bata.

Parang naglaho ito ng parang bula, pati rin si Rilyn na wala.

O kaya mas mabuti ng ganito.

Walang ng magiging hadlang para maging akin ka, Elise.

Mahal lang naman kita at mukhang Malabo na kayong dalawa kaya may pag-asa na ako ang maging ama ng batang dinadala mo.

Dahil langit siya at lupa ka.

Sumagi sa aking isipan ang nalaman habang ako ay nagtatrabaho. Abala ako sa pag-aayos ng files na inuutos ng head engineer samin. Wala naman akong kaalam-alam na ang ginagawa pala namin building ay pagmamay-ari ng pamilyar na mukha.

NAPAAWANG ang labi ko nang maalala ang pagmumukha ng hilaw na yon.

Kumunot ang aking noo.

Si Ahzi na susunod na tagapagmama ng isang sikat na company at si Astray ay iisa?

Nakita ko ang picture niya bilang isang CEO ng company nila at sa mga balita sa television. Kahit sa mga article ay sikat na sikat ito sa mga business department. Kilala sila sa pinakamaraming investment and investors.

Mabilis akong nag search sa internet at hinanap ang pinaka recent article tungkol sa billionaire heirs na ito.

Nawala ito sa isang aksidente na hindi nila alam ang pinagmulan o sadyang lasing lang ang lalaki kaya nangyari iyon. Ang sabi rin sa article ay nawawala ang katawan nito kaya posible pa raw buhay ito, may naniniwala at hindi.

Ang sabi pa ay kanino raw maipapamana ang mga yaman at natukoy rin na marami silang kalaban kaya gumagawa sila ng paraan para pabagsakin ang company kaso karamihan ginagamit nila ay mga babae but like he said,

He arranged marriage to the girl named ‘Rilyn Jayne Cavalier’ who was also his girlfriend.

Napahinto na lang ako sa pag scroll nang dumaan ang aking mga mata sa naka bold na mga letra.

At nang umuwi nga ako ay ipinakilala pa sakin ni Elise ang pangalan na akin nabasa.

SABI na nga may plinaplano ang babaeng iyon. Kukunin niya kung ano ang sa kaniya. Mayayaman nga naman.

Nandito ako ngayon sa bahay namin kasama si Elise na kumakain ng mangga sa kusina at binuksan ko ang TV namin.

Pagkabukas ko ay hindi inaasahan ang ibabalita ng NewsTV sa oras na ito.

"Kilalang sikat na CEO na si Mr. Demon ay nahanap na ang nawawalang anak na si Ahzi na nag-iisang tagapag mana ng kaniyang Company."at nanlaki ang mga mata ko.

Mabilis kong hinandaan ang sound bago  pinatay ang Tv.

Naramdaman ko naman ang presensya sa aking likod, andito si Elise.

"Kanina ka pa diyan?"tanong na parang wala lang.

Pero mabilis ang tibok ng aking puso. Mistulang naipit naman ang hangin sa aking katawan nang tumango ito habang kumakain ng mangga.

"Kamukha siya ni Astray, eh ‘no? Pero malayo sa pananamit."saad niya bago pumunta sa guestroom na ikinahinga ko.

Buti naman at ‘di niya napansin na iisa lang ang kilala niyang Astray at yung lalaki sa Tv.

Tatlong araw na ang lumipas ay nandito lang si Elise pansamantala at pinupuntahan lang ni Feline kapag kailangan.

Kaya ngayon ay lalabas kami at pupuntang bayan para bumili ng mangga dahil hindi pwede sa kaniya ang hindi kumain lalo’t marami siyang iniisip.

Pagkadating namin doon ay diretso kaagad si Elise na pumunta sa tindahan ng mangga at sumunod lang ako pero hindi inakala na may TV doon.

Napakagat ako ng labi at mabilis na hinawakan sa braso ito upang sana umalis ngunit huli na ang lahat.

"Mag-asawa sa isang bahay sa bukid sa Batangas ay patay dahil sa pagbabarilin ng mga hindi kilalang tao sa kanilang bayan. Sabi ng mga mamamayan ay meron pang isang binatang silang kasama na biglang naglaho ng parang bula at natukoy na si Ahzi Demon ang tagapagmana ng DCompany. Sa loob na anim na buwan ay rito ito nanirahan. Ang dahilan ay nagkaroon ito ng amnesia dahil sa isang aksidente ngunit ang update Ngayon ay muli itong na aksidente Kasama ang kaniyang future wife na si Rilyn Cavalier.Aalamin pa natin kung may kinalaman ito sa pagpatay sa dalawang matanda."

Nanlambot ang reaksyon ni Elise dahilan upang mahila ko siya papasok ng kotse na walang imik.

Nag drive lang ako pauwi.

-

Tutulungan kita ngayon Elise at pupunta tayo foon para malaman mong di ka na niya mahal.

"Salamat."pagsalamat niya at ngumiti lang ako.

-

Nakakaawa si Elise, pinagtabuyan ng mahal niya.

Natutulog siya rito sa hospital na pinagdalhan kay Astray— Ahzi pala o Mr. Demon.

Andito ako sa kuwarto kung saan nakahiga at walang malay na naman si Elise.

Tungkol sa anak nila—ni Elise ay maayos naman sila subalit mahina na ang kapit na ng mga bata.

Tama ‘mga’ bata dahil kambal ang anak nila. Masakit sabihin na anak nila kaya anak na lang niya.

Di ako naaawa sa mga bata kaya, okay lang iyan pag nawala siya dahil kaya kong maging ama sa kanila.

Lumabas ako ng kuwarto niya para bumili ng pagkain niya.

At simula kahapon ay nagtataka ako kung sino talaga itong matandang ito, yung tumulong sa magkapatid.

,

How You ForgetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon