KABANATA 30

21 5 0
                                    

CHAPTER 30

Elise POV

Naka upo ako sa harap ng bahay. Walang ginagawa kung di ito naghihintay na dumating si Jayne dahil lagi siyang nagdadala ng mangga rito araw-araw.

Ang bait niya talaga sobra, maswerte ang lalaking mamahalin nito.

Isang buwan na simula nong mangyari na napa hamak si Astray at malaki na rin ang tiyan ko.

Aywan ko ba pero parang doble ang laki nito kesa sa dalawang buwan na sanggol. Napansin din ito nila Fe at ang kapatid ko.

Baka nga kambal ang anak namin.

Mabilis napatingala nang marinig ang aking pangalan.

"Elise!"rinig ko na pagtawag sa akin, boses iyon ni Astray.

Nasa likod siya ng bahay kaya kaagad akong nagpunta pero pagkarating ko ay wala siya ro'n, puro sinampay lang na kumot at damit.

“Astray?”pagtawag ko sa kaniya pero wala akong sagot na nakuha.

Iginala ko ang aking mga mata.

"Astray!"pag-uulit ko, muling iginala ang paningin sa paligid.

Nakatayo na ako sa gitna. Puro sinampay naman ang nasa aking paligid. Napansin ko naman ang maputing paa na nasa ilalim ng Isang kumot dito.

Tinataguan ko pa ako huh.

Hinawi ko ito ko ito patungo sa gilid at sa bilis ng pangyayari ay namalayan ko na lang na may dumampi sa aking labi. Humakbang ito upang mas lumapit sakin. Naramdaman ko naman ang kamay niya na hawak-hawak ang aking likod. Nanatiling ang aking mata sa kaniya.

Marahan niyang hinawakan ang aking pisngi at ako ay hinahayaan siyang Gawin ang nais niya. Muling naglapat ang aming mga labi ngunit sa pagkakataon na ito ay mas lumalim ang mga halik namin dahil sa aking pagtugon. Dahan-dahan kong minulat ang mga mata nang tumigil ito sa paghalik.

Mabilis na dampi ang kaniyang ginawa at tumawa ito pagkatapos.

"Elise!"sigaw na aking narinig.

Napadilat ako. Marahan kong tinulak palayo si Astray sakin. Inayos ko naman ang aking sarili at tumayo ng tuwid.

Umalis na ako sa gitna at namataan ito sa tapat ng bahay.

Si Rilyn,  may dalang mangga kaya kaagad akong pumunta sa kaniya dahil kanina ko pa hinihintay ito.

Agad akong naglaway.

"Tara doon sa loob."pag-aya ko at pumunta na sa loob sumunod naman siya sakin.

Inilapag niya ang mangga sa mesa. Saglit ay pumunta ako sa kusina para kumuha ng plato at kutsilyo tsaka asin, kumuha na rin ako ng baso na may tubig. Pag balik ko ay inilapag ang mga ito.

"Tubig, ohh."saad tsaka ibinigay ang tubig dito.

Nagsimula naman akong balatan ang mangga. Hindi na ako makapaghintay na mangasim dito.

Ilan minuto ang nagtagal ay tapos ko ng balatan ang isang mangga at kumuha ulit ng Isa upang balatan din ito.

Abala ako sa pagbalat nang bigla itong umimik.

"May tanong ako,"malumanay na tono ng kaniyang boses.

Napa tigil ako sa pagbalat ng mangga at tumitig sa kaniya.

"Mahal mo ba si Astray?"pagpapatuloy ng tanong nito at tumango ako bilang sagot.

Nagpantay lang ang kaniyang labi habang walang reaksyon.

Ipinagpatuloy ko naman ang pagbalat ng mangga.

"Eh, ikaw mahal ka ba niya?"tanong niya kaya muli akong tumingin sa kaniya.

"Oo."mabilis kong sagot bago kagatin ang nabalatan ko ng mangga.

Ibinaba ko naman ang hawak na kutsilyo sa mesa rito.

Napapansin kong pahinga ng pahinga ang kaniya boses,"Sigurado ka?"

Gusto niya lang siguro Malaman gaano ako kamahal ni Astray. Sobra-sobra pa.

"Sigurado ako, dahil wala naman mabubuo kung hindi di ba?"ngumiti ako at tumango lang siya na matipid na may ngiti rin sa labi.

"Kain ka, oh."pagturo sa manggang dala niya pero umiling lang ito.

"Ah, U-uwi na ako—dinala ko lang iyang mangga."paos na saad niya bago tumayo.

May pupuntahan pa siguro siya.

"Hatid na kita sa labas."saad ko rito pero umiling ito.

Bakit biglang nawalan siya ng gana?

"Sigurado ka?"at tumango lang siya bilang sagot.

Tumalikod na ito sakin at pinanood ko lang siya naglakad palabas nitong bahay.

Biglang may kabang dumapo sa aking dibdib. Dala lang siguro ito ng pagbubuntis.

Andito ako ngayon sa palayan kahit sikat na sikat ang araw. Nakaupo sa upuan na kahoy sa ilalim ng puno, habang nagtratrabaho ngayon si Astray. Pinagmamasdan ko lang siya, halatang masipag talaga siya. Napatingin ito sa akin at ngumiti, bago ulit pinag patuloy ang pagtatanim ng palay.

"Iha baka matunaw si Astray niyan, ha?"pagtawa ni Nay Mina na katabi ko.

Sinabayan ko lang siya sa pagtawa, pero hindi ko pa rin inaalis ang tingin kay Astray.

"Pero alam mo iha ang swerte ng magiging anak ninyong dalawa,"biglang seryo si Nay Mina sa saad niya kaya napatingin ako sa kaniya.

Nakita ko naman ang mga mata niya ay nakatuon pala siya kay Astray.

"Bakit naman po?"inosente na tanong ko at sa pagkakataon na ito ay tumingin siya na tumingin sa akin.

"Dahil pareho kayong may mabuting puso, masipag pati at mapagmahal. "pagpapatuloy niya.

"Alam ninyo po Nanay Mina kami ang swerte dahil may angel na darating."sabay hawak ko sa tiyan ko at napangiti lang si Nanay Mina.

Namalayan naman akong parang iiyak na ngayon.

"Pero kailangan ninyo rin maging matapat, magtiwala at higit sa lahat ng iyon ay kailangan mahal ninyo ang isa't isa, upang maging matatag, upang magtagal kayo kahit anong pagsubok pa yan malalampasan ninyo. Siguro di pa dumadating ang hamon sa buhay ninyo na mag kasama kayo, pero sana mag tiwala ka lang sa kaniya at mahalin mo lang siya, dahil pag mas mahal ka ng lalaking iyon miski buhay niya itataya para sayo. Pati sa mga anak ninyo at para sa mga mahal niya."pabalik-balik ang tingin ko sa kanila at na pansin kong lumuha si Nay Mina kaya na paiyak na lang din ako.

"Umiiyak po kayo… "hikbi ko kaya kaagad naman niyang pinununasan ito at nag tawanan na lang kami pero patuloy pa rin ang pagtulong ng mga luha ko.

"Huwag ka na nang umiyak, iha. Makakasama iyan sa bata."

Grabi pala pag buntis, iyakin.

How You ForgetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon