CHAPTER 10-Jealous-
"Blackpink in your area!"sabay na sigaw namin ng pinsan ko at andito pa rin kami sa hospital siya raw magbabantay sa akin ngayon pero grabi.
"Elise lagi ka na lang kaya ma hospital para laging may libreng masasarap na pagkain at aircon pero may swero ka nga lang e."ngiwi ni Fe at kinuha ang ubas na nasa table tsaka nilamutak.
"Hindi ako papayag no'n noh. Kailangan ko magtrabaho para sa college ni Marcos."may pagdiin na saad ko.
Buo na ang desisyon ko. Ilalaan ko ang lahat ng aking sipag para sa magiging pangarap ng kapatid ko.
"Sa bagay wala rin naman akong magagawa, gusto mo kasing umalis sa hirap ng buhay yan kapatid mo. Bahala na. Pero alam mo girl yung bias mo sa blackpink, si Liaza?"nalaglag ang panga ko sa huli niyang binanggit.
Napakunot ang noo ko sa sinabi niya.
"Anong Liaza?"nagtatakang tanong ko, at napabuntong hininga na lang.
"Lisa, Lisa name ng bias ko. Anong balita?"tanong ko at ngumiti siya.
Kilala ko naman sila napapanood ko sa cellphone na gamit ng aking kapatid at gustong-gusto niya si Lisa dahil magaling sumayaw kaya nagustuhan ko rin.
"Napanood ko sa bayan, nabalita na may bagong solo siya yung Lalisa lomi me tapos dropped my money!!!"nagtatalon-talon pa ito at nagtitili-tili.
Parang naalog ang tainga ko dahilan kaya napangiwi na lang ako. Hinawakan ko ito upang pakalmahin.
"Ayy di siya happy."saad niya at umupo sa tabi ko.
Ngunit hindi ko talaga alam tumatakbo sa isip nitong babaeng to. Ano-ano ang mga biglang sasabihin.
"Kase mas magaling bias ko si Jennie."saad niya sabay tayo.
Ang hintuturo niya ay itinapat sa braso niya sabay salitang ang pagturo niya sa itaas at gilid.
"Now I'm going solo tenenen tenenen tenenen"pagkanta pa nito.
"Hayyss, umalis ka na nga, magpapahinga na ako."seryosong saad ko at humiga na matapos ay ibinalot ang sarili sa kumot.
"Ayy sigeh baboo, chaka!"sigaw niya bago magsarado ang pinto ngunit muli kong narinig ang malakas nitong boses na patuloy pa rin sa pagkanta.
"Bruha!"sigaw ko at narinig ko ang tawa niya.
Ang tunog ng doorknob ay hudyat na sarado nang tuluyan ang pinto at ako na lang mag-isa ang naiwan dito.
Tumalikod ako mula sa pinto upang pagmasdan ang labas kahit malayo sakin ang binatana ay kitang-kita ang kalangitan.
May awa ang diyos.
Nagpapasalamat ako at ito lang ang nangyari sakin. Hindi ko naman nakalimutan ang text na aking natanggal mula sa kapatid ko.
Kinuha ko ang cellphone, matapos buksan ay tinitignan ko ito.
From: Bunso
Ate may matandang nagbayad ng bill natin, balak ko sana habulin ang sasakyan na kung saan sumakay yun matanda kaso umalis na agad.
To: Ate
Sino kaya yung matandang tumutulong sa amin ng kapatid ko?
Narinig kong bumukas ang pinto bumalik pa talaga siya.
"Hoy Bruha may pabalik-balik ka pang nalalaman eh, noh? May naiwan—"pagsigaw ko sabay harap sa may pinto at pinigilan ang aking hininga nang malaman kung sino iyon.
BINABASA MO ANG
How You Forget
General FictionReminisce #2 Complete The mafia boss has amnesia, And his forgotten past. A_Novel_By_Dimstykcm ---- Rewrite start: March 4, 2024 Rewrite end: June 25, 2024 Published: October 8, 2021 End: December 25, 2021