Kabanata 12:
-A Kiss-
Elise Pov
"Pwede ka nang umalis, Mr. Astray." mariing utos ng aking kapatid kahit mas matanda sa kanya si Mr. Astray, na wala nang magawa kundi ang umalis.
Pagkaalis niya, masamang masamang tiningnan ako ng aking kapatid.
Napalunok naman ako ngunit nagkaroon ng lakas umimik.
"Bakit mo—?" pinutol niya ang nais kong sabihin.
Balak ko sanang siya'y pagalitan. Bakit niya pinaalis ang bisita ko?
"Ikaw ha, ate, siguraduhin mong naka-lock ang pinto kung may gagawin kayo. Mabait akong kapatid, bakit sa tingin mo papagalitan kita?" naunahan na saad ng kapatid ko.
Nalaglag ang aking panga sa mga sinabi nito.
Wow, saan napunta ang patakaran na bawal manligaw kay ate habang hindi pa ako tapos sa pag-aaral. Talaga ba, isinapubliko mo lang.
"Matulog ka na lang, ate." saad nito tsaka umupo sa sofa sa tapat ko.
Nakasimangot naman ako,"Kakagising ko lang po, Mr. Marcos." lintanya ko at tumango na lang ito.
Parang siya ang mas matanda samin e.
"Ahh sige, ako na lang ang matutulog.” ani nito tsaka humiga na.
Napansin ko naman ang nakakaasar na kaniyang mga ngiti at inukutan ko lang ng aking mga mata.
"Good night, ate." pagtawa niya matapos ay tumalikod na.
Halos kalahating oras nang tulog ang aking kapatid ngunit ako at dilat pa rin ang mga mata. Mukhang kaya ko pa atang tumakbo at ikutin ang buong hospital.
Bakit hindi pa rin ako makatulog?
Eh, ano? Ginayuma ba niya ako gamit ang halik niya?
Baka siya na ang forever ko, tapos—
"Ahhhh!"napatalon na lang ako sa iniisip at nagtakip ng unan sa mukha at nagtatalon sa galak.
"Mahal na mahal kita— ah!" mahinang sigaw ko.
"Tapos ah!— ATE!" sigaw na nagpatigil sa pagtatalon ko, andito pala ang kapatid ko.
"Ang ingay mo, natutulog na ako eh. Tapos, anong mahal na mahal—'" hindi ko siya pinatapos.
"Shh, matulog ka na. Matutulog na ako." pinigilan ko ang sasabihin niya at wala itong nagawa.
Sumunod na lang siya. Mabait na kapatid yan. Humiga na rin ako baka maistorbo ko pa ang katabing kuwarto.
Magandang gabi sa lahat.
—
3rd Person Pov
Madilim ang buong paligid at ang tanging nagbibigay ng ilaw ay ang mga chandelier na nasa mataas na kisame. Maganda ang paligid, puro ito mga painting na hindi maipaliwanag. Nagpapakita ng mga krimen, abstract, mga Greek god at goddess at may mga larawan itong hindi maipaliwanag dahil mapapasabi kang wala itong silbi ngunit mga ginto ang mga bakal na nasa gilid ng mga ito.
Mistulang moseo na puno ng kadiliman. Ang mga may ukit na pader na nagpapakita ng kagandahan at kalumaan ng gusaling ito. Malaki itong palasyo na saksi sa lahat ng krimen na kanilang ginawa.
Sa loob ng meeting area ay nandoon ang ama ni Ahzi, na kilala bilang ang ikalawa sa pinakamataas sa kanilang organization.
"Hanapin ninyo ang aking anak, o papatayin ko kayo lahat!"
Ang boses na umalingawngaw sa buong paligid. Matalim ang tingin sa kanilang lahat bago umalis sa meeting area na iyon.
At pumunta ito sa opisina ng Ama niya, ang lolo ni Ahzi. Ang pinakamataas sa kanilang organization.
Binuksan ni Lionel ang pinto na halos masira ito sa ginawang pagsipa.
"Calm down, Lionel!" pagpapakalma ng ama niya.
Umupo sa harap nito.
"Isang buwan na siyang hinahanap, pero wala pa rin." malamig na mistulang hangin galing antarctica ang pagsasalita ni Lionel.
"Kailangan hanapin kaagad siya. Kung hindi, sa iba ko ipapamana ang—" ang sinabi ng The Lord ay parang pinaso ang kaniyang mga tainga ngunit pinutol agad ito ng asawa ni Lionel.
"Buhay si Ahzi, papa. Hindi lang namin ni Lionel alam kung kailan namin siya mahahanap." positibo na sabat nito.
Ang mga mata ng nasa labas ay nanlisik dahil sa narinig, kasama na rito ang fiancee ni Ahzi.
"Tandaan ninyo ang sinabi ko, kailangan maikasal siya bago maging tagapagmana, at ikaw ang uupo sa aking trono." sabi ng matanda bago umalis ng kaniyang opisina.
Pababa ng hagdan ang mantanda ay nadaanan ang dalawang magkaibigan na nagkwenkwentuhan. Hindi naman nila masisi ang sarili kung narinig ang sinabi ng matanda dahil ayun ang nasa batas ng kanilang organization.
"Baka ako iyon."saad lang bigla ng binatang nagngangalang Denver at natawa ang kasama niyang na si Lee.
"Nakakalimutan mong andito pa ako." dugtong nito at hindi tumitigil sa pagtawa.
"Ang yabang ninyo, akala ninyo sa inyo ipapamana ng Tandang iyon ang kanyang pwesto."may ngisi sa labi ito.
Lumingon ang dalawa sa kanilang gilid na dumaan pababa ng hagdan.
Narinig pa lang ang nakakairitang boses ay kilalang-kilala na nila ito.
Ahzi, kailangan ka nang mahanap dahil kumikilos na ang kalaban at mananalo sila kapag wala ka. Ang nasa isip ng dalawang lalaki.
BINABASA MO ANG
How You Forget
General FictionReminisce #2 Complete The mafia boss has amnesia, And his forgotten past. A_Novel_By_Dimstykcm ---- Rewrite start: March 4, 2024 Rewrite end: June 25, 2024 Published: October 8, 2021 End: December 25, 2021