KABANATA 29

17 6 0
                                    

CHAPTER 29

Rilyn POV

Where should I find it?

Andito ako sa palengke, paikot-ikot lang. Kanina pa ako naghahanap ng manggang kambal. Kainis siya ano-ano na ang pinaglilihian niya.

Kadiri pa naman dito, mabuti na lang at hindi mamahalin ang mga damit na suot ko ngayon kung di isasampal ko talaga sa Mukha niya ang mangga niya.

Kung hindi ko lang talaga mahal si Ahzi ay di ko ito gagawin.

Ano ka Elise sini swerte ka, na sayo si Ahzi?

You didn't know me well, haha.

Napatigil ako sa paglalakad sa gilid nang mamataan ko si Ahzi— I mean Astray sa isang bigasan na medyo may kalayuan sakin.

Hindi bagay sa kaniya ang mgtrabahong ito, lalo na at nasasayang ang kulay niya sa ilalim ng araw.

Gosh, sana di siya mangitim.

"Iho, 15 na kilo ang bawat sako ang dala mo ngayon, teka…"narinig kong saad ng manang na nagtitinda at maya maya ay umalis ito pagkatapos kilohin ang dala nito.

Nang tuluyan akong nakalapit. Tumapat ako sa kaniyang likot at hinagkan siya mula rito.

I miss him…

"Hi, Astray do you miss me?"tanong ko at bigla itong humarap kaya napabitaw ako sa pagyakap.

Hindi ko inaasahan ang naging reaksyon nito.

Anyway, he doesn't remember anything.

I keep my smile while staring at his eyes.

"Sinusundan—"di natuloy ang kaniyang sasabihin nang dumating bigla ang matandang babaeng nagtitinda.

"Iho, ito limang libo.”inilahad naman nito ang kamay at tinanggap ang five thousand pesos.

Tumaas ang kilay ko nang tumagal ang mga mata ng babaeng ito sakin, “Ang ganda naman ng misis mo."saad niya dahilan para napa ngiti ako.

"Hindi ko po siya asawa—"tututol sana si Astray.

"Salamat po!”I gasped.

Sa puntong ito ay namalayan ko na lang na umalis na sa tabi ko bigla si Astray.

"Ah, sige po Manang paalam!"mabait na talima ko at sinundan siya.

Akala ninyo papalampasin ko ang pagtanggi niyang asawa niya ako dahil totoo naman.

As soon as possible.

Mabilis ang bawat hakbang nito kaya naman nasa unahan siya. Wala siyang balak sumakay at maglalakad lang from here.

Nababaliw na ba talaga siya?

Bagsak ang aking mga balikat habang naglalakad Ngayon sa walang katapusan na kalsada at wala rin mga tao maliban samin dalawa.

Maya-maya ay may narinig akong mula sa likod ko kaya napa tingin ako roon sa Van. Tumaas naman ang kilay ko.

Pumarada ang Van sakto sa harap ni Ahzi at may bumabang mga lalaki na naka hoddie mula rito, may hawak na baril at itinutok sa kaniya.

Dali akong nagtago sa likod ng puno na sumagi sa isipan kong kaming dalawa lang ang andito. 

Kahit gusto ko sanang pumunta kaso di ko magawa dahil wala akong dalang baril.

"Mr.Ahzi… Mr.Demon…"saad ng isa sa kanila pero di parin nila inalis ang pagkatutok sa kaniya ng mga baril.

Patayin nyo na nga yan para hindi na ako mahirapan sa kanila.

"Sino kayo?"inosente itong nagtanong at ako nanatiling nagtatago pa rin sa puno.

Hindi ko naman makita ang mukha ni Astray dahil nakatalikod ito sakin.

"Oo, nga pala nagka amnesia ka, gusto ka lang makausap ng boss namin."mahabang lintanya nito at hinawakan siya ng isa sa mga ito ay napatakip ako ng bibig dahil tumalsik ito sa pagsipa niya.

Ngayon ko lang ulit nakita ang pagiging aggressive niya. I like it.

"Ang bobo ninyo anong gamit ng baril ninyo?"saad ng lalaking tumalsik na sinipa niya.

Oh, idiot haha.

Lumapit ang isa sa kanila at agad naman niya itong binagsakan ng isang suntok. Sumabay pa ang isa na dahilan kaya siya na bangasan. Impit naman akong napatili rito sa kinalalagyan ko.

Isa naman mula sa gilid niya ay itinulak niya pero napahiyaw ako nang makita ang Isa ay ipinalo ang baril sa batok niya para bumagsak ito sa sahig. 

"May tao, tara na!"saad ng nanakit kay Astray.

Siguro narinig niya ang pagtili ko at dali-dali silang sumakay ng kotse. Pinaharurot ito pa alis at ako naman siniguradong lang ang nakakita muna bago lumabas sa tinataguan na puno.

Lumapit na ako sa kaniya at napaluhod na lang tsaka inunan ang ulo nito sa hita ko, dahil may sugat yung mukha niya. Hindi ko dala yung kotse ko at alangan naman iwanan ko siya rito.

Dali ko na lang kinuha ko ang cellphone ko at tinawagan si Eli…

"Dalhin mo rito yung kotse, bilis."utos ko at pinatay ang tawag.

Nang ilan minuto ang lumipas ay dumating na ang sasakyan ko at tinulungan ako buhatin si Ahzi ni Eli papunta sa loob ng kotse sa backseat, sa front seat naman kaming dalawa.

"Saan mo siya dadalhin ha?"tanong nito kaya, nakakunot ang noo ko.

Alangan naman sa bahay nong babaeng iyon, tho.

"Ril you need to be act like a good person muna para madali makuha ang tiwala ni Elise. Bahala ka ikaw rin mahihirapan makuha kung ano at alin ang dapat nasa sayo."saad ni Eli at bumaba ito ng sasakyan dahil may pupuntahan pa raw siya.

"Edi fine sa bahay nila ko siya dadalhin, Pvta!"sigaw ko sa kaniya at nagdrive na papunta sa bahay nila.

Be calm, konting tiis na lang.

Pagkadating ko roon ay nakabukas ang pinto ng bahay nila at sakto andoon si Elise.

Nagpatulong pa kami umakyat sa taas ng kuwarto at gusto ko sana na ako na ang maggagamot sa kaniya kaso pa epal talaga kahit kailan itong Elise na ito.

How You ForgetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon