CHAPTER 27
Third Person Pov
“Aray.”napangiwi sa sakit ang lalaki ng hawakan ng kaniyang kasama ang balikat na may sugat galing sa pagputok ng baril.
Abala sila Ngayon sa paghahanap ng matitigilan. Walang takot na naglalakad sa tapat ng mga bahay kahit duguan ang Isa sa kanila.
"Ay, sorry."paghingi ng tawad ng kaniyang katabing lalaki. Mabilis naman itong dumipensa at siniko ang lalaki, matamaan ang sikmura nito.
Napahawak ito rito sa sakit ngunit patuloy pa rin sa paglalakad.
"Saan tayo tutuloy ngayon? Kinuha nila yung kotse natin dahil puro tama ng bala."ani nito at ang Isa ay ngumuso lang ang kaniyang labi.
Kumunot ang noo ng lalaki at diring-diri na tumingin sa kaniya. Muli itong ngumuso sa parehong direksyon kaya napalingon na ang kasama niya ro'n.
Lahat naman ng bahay ay gawa sa kahoy pero ang itinuturo niya y Isang bahay na medyo may kataasan dahil tatlo ang palapag nito at ang pinakamataas ay gawa sa pinagtagping-tagping yero.
Makapal talaga ang mukha ng lalaking ito. Palihim na napairap ang lalaki nang walang mukhang hinaral ang pinto ng bahay at kumatok dito..
"Ikaw!?"hindi ako makapaniwala na ito ang uuwian namin.
Wala bang hotel dito o kahit motel lang? Nakalimutan ko nga palang Probinsya ito.
Kung di ko lang kailangan ng pahinga baka nasapak ko na ito, sa ganitong bahay ba naman ako patutulugin.
Mamaya-maya ay may nagbukas na kaunti ang pinto at ang isang matangdang babae ang bumungad sa dalawang lalaki.
"Bakit mga iho?—ay may tama ka!"salubong na tanong at nagulat ng makita ang sugat sa braso sa lalaking nasa kanan.
"Pwede po diyan muna kami magpalipas ng gabi. Wala po kase kaming masaktan na tricycle papuntang bayan. Magbabayad po kami. "sagot ng nasa kaliwang lalaki at nakahinga silang dalawa pareho ng pumayag ang matanda.
"Oo, naman sige ihahanda ko lang tulugan ninyo at gagamutin natin iyan sugat mo, iho."saad ng matandang babae at pumasok sa bahay, samantala ang lalaki na may sugat ay nanatili sa labas ng pinto..
"Feline, may bisita tayo tulungan mo ako dito!"nakakabinging boses mula sa matanda ang lumabas sa kaniyang bibig.
"Ano aarte kapa Den o mamamatay ka diyan?"saad ng kaniyang katabi.
Matalim ang tingin nito at dinaggi niya ang kaibigan nang dumaan siya sa harapan nito. Tuloy-tuloy silang pumasok sa bahay ng matanda.
Sa totoo lang kakapasok ko palang halatang mahirap na ang nakatira at amoy isda medyo tapos sa likod pala yung kusina nag gagatong lang sila, cheap.
Pinaupo sila sa Isang kahoy na upuan at malinis. Magkatabi ang dalawa.
"Fe asan kana ipagtimpla mo muna sila ng kape at magdala ka dito ng puting tela!"muling sigaw ng matanda.
Sa pangatlong sugar ng matanda ay nakarinig ng yabag ng paa pababa nang hagdan na dahilan upang maagaw ang atensyon nilang dalawa."Fe asan kana bang bata—”
"Ayan na nga inay eh, pababa na!"
Pigil ng pareho ang kanilang hininga nang marinig ang isang pamilyar na boses mula sa Kilala nilang babae.
"Kayo!? Anong ginagawa ninyo dito?"nang makababa ng hagdan ang babae, napaawang ang labi nito bago natauhan matapos ang Ilan sigundo at sunod-sunod na nagtanong.
Ngunit wala siyang nakuhang tamang sagot, “Wala kang pake.”
Tinaasan niya ng kilay lalaking nagsagot sa kaniya ng gano'n. Sinuway naman siya ng kaniyang Inay sa paraan ng pagtitig nito sa Isang lalaki.
“Eto may sugat na ang tao mukhang papaalisin mo pa.”panenermon ng kaniyang Inay.
Tumaas ang sulok ng labi ng lalaki at umiwas ng tingin dito. Namula naman sa Galit ang babae dahil siya ang kinanpihan ng kaniyang Inay.
“Dapat hinahayaan na lalaking ito e, ang sama sama ng ugali tapos ako pa tutulong sa kaniya.”mahinang sabi ng babae habang ang mukha ay hindi maipinta.
Sa kabilang Banda ay may kasamaan nagyayanig. Ang mga taong hindi makampanti sa isang patay na tao hangga’t walang bakas ang pagkamata ay walang maniniwala. Ang mga taong sakin sa kapangyarihan na meron ang iba, walang takot na saksakin sa likod ang mga mata-taas sa kanila. Kasing itim ng kalangitan ang nagyayanig sa gusaling iyon. Ang lamig ng hangin ay kasing lamig ng bankay na kanilang nais makita.
"Nahanap ninyo na ba ang katawan?"tanong nga lalaking nagtatago sa Dilim habang nakaikot ang mga kasama niya sa kaniyang paligid.
Naghihintay ito na parang a song hindi nakakain ng ilang araw at nagutom pero sa Isang balita na kaniyang gustong marinig.
Natagpuan na ang katawan niya.
"Hindi pa boss."sagot ng lalaking nasa kaniyang harapan.
Walang emosyon pero ang mga kamao ay kumuyom, lumabas ang mga ugat sa kamay at leeg. Habang ang isang kamay ay may hawak na baril.
Mariin itong pumikit.
Idiot!
"Mukhang buhay pa—"di natuloy ang sasabihin ng katabi ng nagsalita.
Mabilis ang pangyayari, isang tunog ng baril, sa Isang pikit lamang ay bumulagta na ang katawan ng lalaking sumagot kanina sa kaniyang sagot. Dahan-dahan niyang binaba ang baril at kamay.
"Anong buhay? Dapat patay na siya matagal na di ba?"mahina itong natawa sa mismong tanong, kaya napatango ang lahat.
"Linisin iyan."utos nito at itinuro ang isang kasamahan nila na nasa lapag at naliligo sa sarili nitong dugo.
Bago umalis sa gusaling iyon at sumakay sa isang van na itim. Ang ilang sa mga lalaking kasama naman niya ay naiwan sa gusali.
Nanatili ang mga mata nito sa labas ng bintana. Malalim ang iniisip.
"Mahahanap kita. Magkahaharap din tayo…"
>')
BINABASA MO ANG
How You Forget
General FictionReminisce #2 Complete The mafia boss has amnesia, And his forgotten past. A_Novel_By_Dimstykcm ---- Rewrite start: March 4, 2024 Rewrite end: June 25, 2024 Published: October 8, 2021 End: December 25, 2021