Package #4

3K 33 1
                                    

Isa rin siya sa mga nag alis ng stress ko sa pagrereview noon. Thank you sa stories mo, Ace! For you ito.

_

At, dahil nga iba talaga ang oras ko nang pagrereview, natulog muna ako at hinayaang magsunog ng kilay sina Maddie at Clau. Nape-pressure din kasi ako sa kanila, puspusan talaga kasi kung mag-aral sila, kaya hinayaan ko na lang muna. Eh kinakabahan ako kapag ganun. Hahah. Pagkagising ko, mag-aaral naman ako ng puspusan.


Nang magising ako, patulog na si Lynne, maaga talaga kasi 'yan matulog kasi kapag umaga naman siya sinasapian ng sipag na mag-aral.


9pm-3am ako nag-aral. Nahiga ng mga 4 pero I think mga 5 na ako nakatulog. Naiiyak nga na naman ako dahil di ako masapian ng antok. Because of my body clock, di na ako pumasok. 7am kasi ang start ng review class ko eh. Nag-absent na ako sa naunang klase namin, saka na lang ako pumasok nung quiz na.


I'm pretty confident naman even with the lack of sleep, naaral ko naman ang dapat aralin.


Kasi, kung kampante si Sis na makakasama siya sa top ten, kailangang makasama rin ako do'n.


Alam niyo iyong, sabay naming hahanapin ang pangalan namin sa bulletin board? Magkakatabi kami, ituturo niya ang pangalan niya. And, poof! Pwede ko na siyang i-stalk sa social networking sites.


"Kampante ka ata?" tanong sa akin ni Erick. Mahilig talaga 'yan magtanong after ng exams. Ako, wala akong reaksyon, ayoko kasing makinig o pag-usapan ang tapos na. Paano kung malalaman kong mali ako? Eh di mabibitter lang ako.


It's better this way.


Nginitian ko na lang siya, "Hindi na 'yan natulog kagabi," nakangiting sagot ni Claudette sa kanya.


"Tibay mo talaga, Bel!" Naa-amaze na saad ni Erick.


Well, ako na naman ang masipag mag-aral. "Natulog kasi ako nung super subsob sa pag-aaral 'yang dalawa e," sagot ko naman. Baka mamaya kasi ma-jinx 'yung kung anuman. Mamaya bilib na bilib sila sa akin tapos ako pala 'yung babagsak.


_


I spent the weekend at home. Lumabas si Lynne, may aatendan raw siyang booksigning. Hindi ko naman na naitanong kung sinong author. Kung alam ko kung sino at fan ako ng author na iyon, sasama ako. Si Kez naman, nagpunta sa pinsan niya sa Caloocan. Ang lovebirds, well, lovebirds pa rin sila. If you know what I mean.


Gusto mo lumabas?Finally, someone na makakausap ko. Haaay. At least, wala na akong maramdamang ka-awkward-an sa amin. Or sa text lang 'to?


Missed you Neil Dane!Sagot ko sa kanya.


Kain tayo sa labas? My treat!Aya niya sa akin.


Nagdalawang-isip pa ako kung gusto kong lumabas. Una kasi, inisip ko, gusto ko talagang lumabas at makipagkita sa non-accounting friends. Pangalawa, bakit si Neil Dane pa ang nag-aya sa akin? Not that ayaw kong siya ang makasama sa gimik pero.. err, sabi kasi ni Kez, I'll lead him on lang daw.

Complete Package Ako, Fourth! (CPA #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon