Gago 'yun, ah!
Di man lang ako ininform na may picture pala kaming ganito. Dami talagang likers ng mokong na 'yun. Kakapalit lang niya pero mayron na siyang 200+ na likes. Saan niya kaya napagkukuha ang mga 'yon?! Then I remembered, ambassador pala siya ng pambansang bag before at isa siyang student leader. Siya na talaga!
I immediately tapped the comment button.
Migoy: Tulog minamanyak mo, buy!
Pat: Nice one, Fourth!
Clint: Sabi na eh!!!
JD: She seems really familiar!
Cheriz: Gwapo mo pa rin talaga, Kuya!
Sheila: Gaaaah! Siya po ba, Kuya?
Charon: Bagay na bagay po kayo!
I sighed with relief, buti na lang talaga at maganda ang anggulo ko at hindi ako nakakuha nang mga panlalait.
It was a photo of us in bed.
Nauna nga talaga siyang nagising sa akin. Sa tingin ko, nakalagay ang phone niya sa sidebed table. Nakatukod ang kanang kamay niya sa kama. Ang kaliwa niyang kamay ay nakalingkis sa tiyan ko. Nakangiti siya pero hindi nakatingin sa camera, kundi sa akin. Ako ang nakaharap sa camera, thanks sa konting buhok na tumabing sa mukha ko. Mga kaibigan ko lang siguro ang makakakilala sa akin sa kuhang iyon.
The photo is so intimate. Too much emotion ang makikita mo sa mukha ni Fourth. O sadya lang siyang gwapo? Pero, hindi! It seems that he's so smitten!
Thump. Thump. Thump.
Para namang nasobrahan ko ang magkape sa pag palpitate ko.
_
Hindi ako pinatulog ng bilis ng tibok ng puso ko kagabi. Biling baliktad ako sa kama ko, tapos panay flash ng mukha ni Fourth sa isipan ko.
Ganoon ba niya talaga ako tignan?
Bago ko pa mautusan ang isa sa mga gwardya sa lobby na kuhanan kami ng taxi, nakita ko na ang kotse ni Fourth na paparating.
"Phew! Just in time!"
Tinignan ko lang naman siya, "Ako na ang maghahatid sa inyo. Araw arawin ko kayo. O kaya naman, diyan na lang kaya ako sa inyo tumira?"
"Ewan ko sa'yo!" lang ang naging sagot ko. Paano ba naman kasi... ganon pala talaga niya ako tignan. Nakakainis. Hindi tuloy ako maka formulate ng isasagot ko.
Humalik muna ang mga bata sa amin bago namin sila iwan sa school nila, si Jenny naman, kuntodo ngisi sa akin. May nalalaman pang kindat! Grrrr!
"Sabay tayo mag lunch mamaya?" tanong sa akin ni Fourth.
"May lunch date na ako eh, bukas na lang siguro," tanggi ko sa kanya. Napag usapan kasi namin nila Lynne at Kez na sabay sabay kami ngayon eh.
"Sino ka date mo? Si Dane ba? Sama ako!"
"Anong si Dane? Nasa Palawan 'yun!"
"At, alam mo talaga ah..."
"Siyempre," soulmate ko nga iyon eh. Siya ang best man noh!
Hindi na niya ako inimik hanggang sa maihatid niya ako.
Pinanuod ko muna ang kotse niyang nagmaniobra. Laking gulat ko naman nung bigla siyang bumaba at puntahan ako.
"Selos lang ako kanina," inabutan niya ako ng M&Ms, "Ito oh, favorite mo raw 'yan sabi ng source ko."
Pagkatalikod niya, "Sina Lynne at Kez ang date ko."
BINABASA MO ANG
Complete Package Ako, Fourth! (CPA #1)
ChickLitThis is a CPA Review inspired love story. Kailan mo kaya masasabi sa crush mo na hindi lang siya ang complete package? Kailan mo rin kaya mare-realize na complete package ka? Kailan kaya? Complete Package Ako, Fourth!