During the review... nag-add ako ng stories niya sa library ko. At kahit papaano... despite the hellish feeling nang pagsubsob sa review... nagkaroon ako ng reprieve. Haha!
This is for you, FGWriter!
_
Gahd!
Oo nga naman, bakit nga ba ako magboaboard exam ngayong October? Dapat pala dahil gusto ko at hindi lang dahil this is what is expected from us after graduation. And, dahil gusto ko at hindi lang ako basta-basta nakikisabay lang sa trend.
Ano nga ba talaga ang gusto ko?
Haaaaaay. Na-scratch na si Neil Dane sa gusto-ko-list. Gusto ko pa rin naman siya. Duh!?! Crush ko pa rin naman siya. Pero, hindi ko na siya kakaririn. Alam mo 'yung feeling na ayaw mong mawala siya sa buhay mo? Yun ang nararamdaman ko everytime the name Neil Dane crosses my mind.
Ganun siya kaimportante. He's not my one true love. Pero, siya ang soulmate ko. Katulad ni Tsukushi Makino ng Hana Yori Dango, mayroong Tsukasa Domyouji at Hanazawa Rui.
Suddenly, I found myself going out of the room. Feeling ko, I am confined in that four cornered space called a room. Nakakasuffocate, even with the airconditioner on.
And, blockbuster pa ang CR. Pinipilahan. 15-minute break nga pala. Kaya pala kung anu-ano na ang naiisip ko kasi break na pala. Pati ang utak ko kailangan na ng break.
Nakita kong nakapila na sina Maddie at Clauie.
Kanina pa kayo dito? I mouthed. Malapit na kasi silang makapasok sa CR, samantalang ako, anlayo pa. Di ko na sila nilapitan, pumila na lang ako at ni-apply ang kagalingan naming mga babae—ang mag-mouth-ing. Hindi ko rin alam kung may word nga bang ganyan. Basta!
Tumango lang sila as an answer, may mga sampung tao kasi sa pagitan namin. Andami kasi namin, tapos parang ang tagal-tagal pang umihi ng mga nauna sa amin kaya parang hindi gumagalaw ang pila.
Nakatingin ako sa kawalan ng may mag-block ng view ko, ang laking tao nito. Against kasi siya sa lights kaya parang dumilim ang paligid ko dahil sa kanya. Mag-eexcuse sana ako sa kanya kasi madilim nga ang paligid ko pero nang ibubuka ko na ang bibig ko para kausapin siya, nakita ko ang mukha niya. At, nagliwanag na bigla ang buong paligid ko!
May aparisyon!
Totoo ang Anghel!
"Sis!" tawag niya.
Sasagot sana ako pero naunahan ako ng katabi ko. Sis?!? Gusto kong magmura, all the expletives na naimbento gusto kong ibulalas. Nakakaiyak at nakakainis! Bakit kailangang maging bading ang isang katulad niya?
Habang kausap niya si SIS, nakatitig lang ako sa kanya. Inaaral ko ang physical appearance niya. Ini-inventory ko ang features niya!
Maganda ang shape ng mukha niya, hindi ko lang mapin-point kung anong hugis pero medyo maliit, hindi sya strong-jawed pero hindi rin naman siya round-faced. Ang mata niya ay malalim, deep set brownish eyes na pinoprotektahan ng makapal na eyelashes, nakakainggit! Makapal ang kilay niya, nakakagwapo ng dating. At ang ilong niya ay matangos, ang labi naman niya ay mapupula, parang malambot.
Nakatitig lang ako sa kanya saka naman siya biglang kumaway, sign ng pamamaalam niya kay SIS.
Ngumiti siya!
At, doon. Doon ko nakita ang maganda niyang ngiti. Sa loob pala ng bibig niya ay nakatira ang mapuputi at magagandang ngipin.
Nasa kanya na ang lahat! Hindi na rin niya kailangan ng babae. Kasi he's, I mean, she's, ahhh, rolled into one na siya, ayun!

BINABASA MO ANG
Complete Package Ako, Fourth! (CPA #1)
Genç Kız EdebiyatıThis is a CPA Review inspired love story. Kailan mo kaya masasabi sa crush mo na hindi lang siya ang complete package? Kailan mo rin kaya mare-realize na complete package ka? Kailan kaya? Complete Package Ako, Fourth!