Package #27

2.4K 37 2
                                    

True to his words, halata nga kay Fourth na kinabahan siya sa inakto ko 2 weeks ago sa kanilang anniversary ball.

Dahil sa mga ginawa niya, nawala na sa isip ko ang mga pangamba ko kay Celina. She's the first love after all. She's the love na kinakatakutan ko kasi it'll never die.

He showered me with chocolates... with flowers... with love notes. Love quotation lang naman, halatang copy paste kay Pareng google pero kinikilig pa rin ako. Duh!

He made me feel so pretty and so special. Never, as in never ko pang naramdaman na ganito ako ka espesyal sa isang tao. Kada quotation niya kasi, may pahabol na sulat pa siya, 'yun talaga ang nagpapakilig sa akin.

P.S. Araw araw, lagi akong nagpapasalamat na nakilala kita. At, araw araw din akong nagdadasal na sana, wa'g mong marealize na hindi talaga ako bagay sa'yo. You deserve the best babe! I may not be the best, but I'm striving to be one, for you. Only for you.

Oh, di'ba? Kung hindi pa naman ako magtitiwala sa kanya na may monkey business siya kay Celina, di ba? Tsaka, how can he find time para maglandi pa sa iba kung ang paglalandi pa lang sa akin takes almost all his time. No, all his time.

Naging practice na namin na sunduin niya kaming mag iina sa umaga at ihatid sa kanya kanya naming pupuntahan. During lunch, hung hindi kinakain ng trabaho ang lunch break namin ay sabay kaming kumakain. Yes, pumupunta siya dito para lang makasabay akong kumain! And that's something kasi hindi talaga kasarapan ang gintong pagkain na sineserve nila sa cafeteria.

Sa gabi naman, after work, kukuhanin niya ako at sa bahay na siya nagdidinner. Nahihiya nga ako at never ko pa talaga siya naipagluto.

"Bukas, magdadala na lang ako ng lunch natin. Umay na umay na ako sa menu sa cafeteria niyo."

"Oo nga eh."

"Ano gusto mong kainin?" tanong niya sa akin.

"Ayoko ng fast food ha? Mas okay na sa akin ang carinderia kaysa fast food." Ngiti ko sa kanya. Umay na umay na rin ako sa fast food, laging burger ba naman ang ipinapameryenda sa amin.

"Sabi mo eh."

_

Kinabukasan, nagulat ako nang ilatag niya sa mesa ang tatlong tupperware.

"San ka bumili?" tanong ko sa kanya, kahit pa may naamoy na akong kakaiba.

"Ah, sa supermarket," biro niya sa akin, saka niya binuksan ang mga takip, "saka ko niluto sa condo."

"Paano mo pa nagawa 'yon?" taka kong tanong sa kanya. Audit season na kaya, patayan na. At, inaasikaso rin niya ang family business nila. Hindi siya si Superman para makaya ang gano'n ha.

"Kung gusto may paraan, pag ayaw may dahilan. At, gustung gusto ko."

Tinitigan ko lang siya habang inaayos niya ang plates na hiniram niya sa cafeteria attendant, buti pinahiraman siya.

"Tikman mo, masarap 'yan."

Paano pang a way to a man's heart is through his stomach? Eh, ako na ang ginaganito niya.

Nanguha na ako sa inihanda niyang kare-kare at tumikim, "Mmmmmmm," infairness, masarap ang luto niya. Nakakahiya tuloy kasi, hindi ko alam iluto ang ganito. Basic lang alam ko, as in, adobo, sinigang, nilaga at pakbet lang talaga.

"Mmmmmm good? Or, mmmmm bad?" tanong niya sa akin, tinampal ko siya kasi nakakatawa ang itsura niyang nag 'mmmmm.'

"Mmmmmm good."

Napangiti naman siya sa isinagot ko. Pinapanuod niya lang akong kumain, "Hoy, kumain ka!" paninita ko.

"Namiss kaya kita panuorin kumain."

Complete Package Ako, Fourth! (CPA #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon