pilosopotasya, grabe! Para akong baliw noong review kapag nagkukulong sa room ko sa apartment namin no'n. Kasi, tawa ako super sa MULAN, MAYGO, CD ang Munting Prinsipi jokes noon hahahah kahit bitter talaga ako sa results ng final preboards examination ko. Kaya Ulan na astig, para sa'yo ito!
_
Tumatawang nag-a-apiran pa silang apat sa harapan ko. Kwinekwento kasi nila Maddie at Clau ang nangyari kanina. Tahimik lang naman ako.
"Pero, I'm so proud of you!" nakangiting sabi sa akin ni Lynne. Ginantihan ko naman siya ng ngiti. At least someone is ecstatic and very happy with the news. Huh! They are laughing at my expense!
"Ano pa ba ang dapat i-expect na sasabihin mo Lynne? Malamang in support ka sa kanya." Sabi naman ni Clau. Siya kasi ang sane talaga sa amin. She weigh all things and think all the pros and cons before deciding. Ganern.
Nilalaro ko na lang ang pizza na inorder nila for our dinner. Iniisip ko kasi kung paano ko siya haharapin sa Monday, one week na ako ang katabi niya. Excited ako at kinakabahan at the same time.
Pumayag na din si Jasmine sa ni-suggest ko na schedule namin next week. Palitan muna kami ng schedule para naman makatabi ko si Fourth! Wala daw kasi siyang mukhang maihaharap dun sa tao kaya ako na lang daw muna ang humarap. Ang kyot ng mga friends ko, diba? Pinagtatawanan ako ng iba, ikinahihiya naman ako ng iba! Hahah.
Anyway, ganun kasi sa review school. Kahit saan ka pumasok, pare-pareho ang itinuturo, pati mga jokes pare-pareho. Kumbaga, scripted na sila.
"Wag mo munang isipin ang Monday. 'Yung bukas na lang," tapik sa akin ni Kez. Nginitian ko siya ng maluwang in response. Napansin niya sigurong biglang malalim na ang iniisip ko.
"Kasi, bukas we'll go shopping for your one-week wardrobe!" super excited na sabi ni Lynne sa akin.
"Sho-shortan mo si Fourth! Ipakita ang mga binting 'yan!" my wardrobe planner said.
_
Hindi na nakasama ang mga taken sa lakad namin, kaming mga single na lang. Naikot na namin halos ang buong Divisoria at hindi pa sila pagod. Idedeposit lang daw namin itong mga shinop namin sa bahay at pupunta kaming SM para naman daw sa make-up, atbp.
Why do I have a feeling na they're trying to doll me up?
Enjoy na enjoy sila sa mga pagpapasuot sa akin ng mga damit kanina para makita nila kung babagay ba sa akin.
At, ngayon naman, nagpapaturo sila sa saleslady kung papaano daw ang tamang pag-apply ng make up.
"Uy, tama na." Suway ko sa kanila.
"Nukaba! Grad gift na namin sa'yo 'to. Chill ka lang," sabi nila sa akin. Hindi naman sa nagagastusan na ako sa mga pinagbibili namin pero iniisip ko rin naman na sayang kasi baka hindi ko rin magamit. Hindi kasi ako kagaya ng ibang girls na kayang magtiis ng nakaharap ng matagal sa salamin at nagpapaganda.
I'm not that kind of girl anymore.
Okay na ako sa powder at ruby red lipstick. Pero, sa mga binibili nila, gusto nilang mag-mascara and eyeliner and blush on pa ako. Ganon ako noong college but I grew tired of it. Sayang kasi sa oras. Imbes na mag-aral ako, pagpapaganda pa ang ginagawa ko. So, ayun, the reason of the 'anymore.'
Hindi pa rin sila nagpaawat at binayaran pa rin nila ang make-up kit na gift daw nila sa akin.
"Kain na muna tayo bago umuwi." Anyaya ni Kez.
Kumain nga muna kami. Antagal pa naming nagdecide kung saan. Ayaw namin ng Jollibee kasi doon na lang kami parati nagbi-breakfast, pati sa McDo kasi dun naman ang merienda. Kaya we ended up sa foodcourt. Hey, at least, maraming choices. At may gulaaaayyyyyy!

BINABASA MO ANG
Complete Package Ako, Fourth! (CPA #1)
Chick-LitThis is a CPA Review inspired love story. Kailan mo kaya masasabi sa crush mo na hindi lang siya ang complete package? Kailan mo rin kaya mare-realize na complete package ka? Kailan kaya? Complete Package Ako, Fourth!