Package #28

2.7K 36 0
                                    

Magsisinungaling ako kapag sinabi kong hindi enjoy ang magkarooon ng boyfriend na mahal mo talaga at mahal ka. Magiging ipokrita ako kapag itatanggi ko ang pagkakilig ko. At, mapagbalatkayo akong bakla kapag hindi ako ngingiti sa nakikita kong mukha ni Fourth na nakangiting nag aantay sa amin.

Nakasandal siya sa pinto sa may driver seat. How can he just lean there and wait for us looking oh so hot?

"Hubarin mo muna glasses mo," suhestyon ko sa kanya pagkasakay niya sa car niya.

"Hindi ba bagay?"

Uhm, actually, mas bagay niya nga ang may suot na eyeglasses. 'Yung akala mong magmumukhang nerd siya pero hindi pala bagkus mas nahing hawt pa siya.

"Hindi naman sa hindi bagay. Masyado ka pa ngang naging attractive sa paningin ko." I said, in all honesty.

Nginitian niya ako ng malandi. Wa'g mong umpisahan ng ganyan araw ko, Fourth ha.

Ipinarada niya na ang kotse niya sa carpark sa school ng twins. "Pakabait kayo ha," bilin niya sa mga bata, humalik siya sa ulo ng mga ito saka humimas.

"Opo, Pa." They said in chorus. Pakonti konti, natututo na rin silang mag Tagalog. Nakakatuwa.

"Sunduin mo naman si Theo at Thea mamaya, Papa," panlalambing ni Theo sa ama niya. Natatawa talaga ako sa mga 'to. Dati si Thea lang in third person point of view magsalita pero si Theo, gano'n din pala, sa ibang lenggwahe lang pala.

"Sige bah."

"Hindi ka ba working lunch mamaya?" tanong ko sa kanya habang nagmamaniobra siya paalis sa school ng mga bata. Hindi na kasama ng kambal si Jenny at hindi pa nakakauwi galing sa bakasyon niya sa probinsya.

"Working lunch."

"Eh bakit ka nangako na susunduin mo sila?" tanong ko sa kanya, nagtataray na. Ayoko kasing umasa mga anak ko tapos hindi tutpad.

"Chill. Labas ako during the break, magdadahilan na lang ako."

"Haynako, ewan ko sa'yo."

"Pero, lalo akong gumwapo sa eyeglasses ko?" nakakaloko niyang tanong sa akin.

Tumango ako. Bago pa ako magsalita, nag ring na ang cell phone ko. Agad ko namang sinagot nang makitang si Dane ang tumatawag.

"Oh?" tanong ko agad, rude ba kasi walang greetings.

"Mangangamusta lang, Reigh."

"Okay lang naman. Hoy, ikaw! Miss ka na ng mga bata!" Para kasi siyang umiiwas sa akin nitong nakaraan eh, di na siya masyadong tumatambay sa amin. Nagi-guilty tuloy ako. Baka kasi ma-overstay namin ang welcome namin sa unit niya.

Ang sabi naman kasi ni Kez sa akin nung makwento ko sa kanya ang withdrawal ni Dane sa buhay namin ay hayaan ko na lang daw muna. Bigyan ko raw ng space na mag move on. Ayaw kong magpaka naive sa pinapalabas ng kaibigan ko pero... err... umabot ba sa gano'n nararamdaman niya sa akin? Na develop nga kaya talaga siya sa akin?

I really want to ask him that pero nahihiya ako. Tsaka kung totoo man, wala naman akong magagawa. I can't reciprocate the feelings kasi... I am really in love with this man beside me despite our bad history.

Kaya, hahayaan ko na lang siya sa tinatawag nilang space. Para naman mabawasan ang kanyang attachment sa amin. Dumepende kasi kami sa kanya kaya he mistook the responsibility he felt towards us for love siguro.

"Miss ko na rin sila. Pero baka kasi sa Saturday pa ako makauwi diyan, tapos pagkarating ko naman, susulitin ko na non working holiday ang Monday at Tuesday, uwi akong probinsya."

Complete Package Ako, Fourth! (CPA #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon