Hindi na uli naulit ang paglabas labas namin dahil lahat kami ay ramdam na ang nalalapit na board exam.
Nang matapos ang final preboards namin, nagsipag-apply kami for the board exams. Oo, kinakabahan kami, nag-aalangan na mag-take ngayon pero paano kung kabilang kami sa mga swerteng makakalusot sa isa sa pinakamahirap na board examination sa Pilipinas?
Pumasok din kami sa review center para kunin ang mga sagot sa final preboard examination namin. Pagkatapos kong kunin 'yun, agad kong tinignan kung may nakuha ba ako. Kahit papaano, meron naman pero kulang pa rin, bumaba nga ang nakuha fo from the first preboards. Pero, yung ranking ko ay halos wala namang pinagbago, sadyang mahirap lang siguro 'yung test na binigay sa amin.
Hindi nga lang naalis sakin ang mapaluha dahil doon.
Umuwi din ako matapos ang pagkuha ko ng resuts ng final preboards.
Paalis na dapat ako noon para pumunta sa bus terminal. Hindi ko na binalak na magdala pa ng reviewers dahil alam kong di ko naman mabubuklat. Ganun kasi ang nangyari noong huli kong uwi. Just when I will close the doors, inatake ako ng kaba. Yung puso ko parang... para bang may nagrarambulan doon sa sobra kong kaba.
Kumaripas ako pabalik sa kwarto at isinuksok sa travelling bag ko ang Theory of Accounts reviewer ko.
Ngayon, haharapin naman na namin ang pinakaimportanteng dalawang linggo ng buhay namin—ang patayang pagrereview ng pitong subjects.
Handa na akong harapin ito. Napabuti siguro sa kondisyon ko ang pag-uwi ko sa amin. Kahit papaano nakapag-relax ako sa amin, pansamantala kkong nakalimutan 'yung mga bagay na nagpapakaba sa akin. At, lumakas din ang loob ko kasi alam kong andiyan ang family ko to support me.
Bago mag-umpisa ang Pre-Week lecture namin, napagkasunduan naming magkakaibigan na magmisa kay Saint Jude Thaddeus—saint of the hopeless cases.
Sunday mass ang napili namin, 'yung papahapon na. Actually, hindi masyadong klaro sa akin 'yung gospel, hindi ko kasi maintindihan 'yung pananalita ng pari. Hindi sa ayoko sa mga Chinese na pari ha. Kaya, pasimple kong tinanong ang mga nasa tabi ko kung ano 'yung sinasabi ni Father, maski sila hindi nila alam.
Lumingon ako sa likod ko. Buti na lang andiyan si Ervie at nabasa na daw niya before 'yung gospel na 'yun kaya may idea na siya.
Nakakaguilty kasi kapag pupunta ka ng simbahan tapos di mo rin naman maiinttindihan 'yung mga teachings/homily. Pati 'yung pagse-cell phone. Isang oras na nga lang na andun ka para mapagtibay ang hinihiling mo, hindi mo pa ibibigay ang lahat mo.
Nang mag-communion na, naiwan sa pew namin ang mga Methodist friends namin. Pagkabalik ko sa upuan namin, agad akong lumuhod at taimtim na nanalangin.
Matapos kong magdasal, ngumiti ako and said my amen. Pagmulat ko ng mata ko, at pagkaupo ko, nakangiti sa akin si Kez na katabi ko kanina sa pagluhod. "Yung totoo Bel, ano pinagdasal mo?" natatawa niyang tanong sa akin.
Napangiti ako. "Syempre, katulad din nang pinagdarasal ninyo," natatangi kong sagot saka ako nagbawi ng tingin.
Tumingin siya sa iba naming kaibigan. Napalingon na rin ako sa kanila. "Tignan mo sila Bel," utos niya sa akin.
Pinanuod ko naman ang pagdasal nila. Nakakunot ang mga noo nilang nagdadal, "And?" clueless kong tanong.
"Hindi kasi ganyan ang itsura mo kanina na nagdadasal. Nakangiti ka eh," pagbibigay alam niya sa akin.
Bago pa ako makasagot muli nagsalita na ang commentator. Nagpasalamat naman ako sa interruption kahit na saglit lang 'yun.
Matapos ang final blessing, nagmadali kaming nagpunta sa altar para mag-bless sa pari.
BINABASA MO ANG
Complete Package Ako, Fourth! (CPA #1)
Genç Kız EdebiyatıThis is a CPA Review inspired love story. Kailan mo kaya masasabi sa crush mo na hindi lang siya ang complete package? Kailan mo rin kaya mare-realize na complete package ka? Kailan kaya? Complete Package Ako, Fourth!