Boy when I see you it's hard to just walk past ya'
Yea, you get close and my heart starts beating faster
I try to play it cool just, like I'm an actor
But I'm see-through and it end up in disaster
You got me reelin', I'm on the ceiling, uh uh
And I can't help it this love is what I'm feelin'
After ya leave that's when I'm dreamin'
'Bout how happy we could be, but I get lost at sea...
It's like a tidal wave, and it keeps on washing over
I try to fight it, but I still wanna hold ya'
Tidal wave, and I just can't let it go (Nah)Uso kasi ito ngayon at nagkataong nagustuhan ko naman. I feel like Julie Ann San Jose today.
Akala ko, hindi ako mahihirapang mag-adapt at mag-adjust dito sa Singapore kasi kasama ko naman si Ate Ja, pero nagkamali ako. Oo, kasama ko siya pero parang hindi naman. Halos hindi rin naman kami nagkikita, maliban na lang sa day off namin pareho. In my case, weekends.
Buti na lang talaga nagawa niya akong sunduin sa airport noong dumating ako last month even though it's in the middle of the week.
Sinalubong niya ako sa airport at tinulungang mag-settle sa kama ko, sa kwarto namin. Roomies kami ngayon. Ipinakilala niya ako sa mga kasama namin sa apartment na mga Pinoy nurses din, halos tiga-Nueva Vizcaya nga ang kasama namin kaya kahit papano nakakapagsalita kami ng Ilocano kapag kami kami na lang.
Naeenjoy ko naman silang kasama, pati si ate kaya lang she's organized in a different way than I am kasi, ayoko namang dumating sa point na mag-away pa kami. Mas gugustuhin ko na lang na mag-rent ng sarili kong unit, kahit maliit lang.
Hindi rin naman kalakihan itong buong unit namin. May kusina kaming may table na pang-anim na tao at may tatlong kwarto, kami lang ni Ate ang dalawa sa kwarto, the rest tig-tatlo na sila. May mga double deck kasi each room at bawat kwarto, sapat lang para sa mga higaan at aparador. Sa sala naman, andun ang couch. Perfect siyang unit para sa amin na tinutulugan lang naman ito at hindi tinatambayan.
Maganda magpasahod dito sa Singapore, at sobra sobra ang sahod dito if you know how to prioritize and know how to budget your money.
Every week nakakausap ko pa rin ang mga kaibigan ko (kasali si Dane) and they're filling me in sa lahat ngnangyayari sa kanya. Parang andoon din ako kasi alam ko lahat ng galaw nila pero, naiinggit ako kasi magkakasama sila at iba pa rin 'yung andun ako. Yung naeexperience ko ang mga 'yun hindi 'yung nabubuhay ako sa mga kwento nila.
Tinanong nila ako kung alam na daw ba ni Ate Ja ang sitwasyon ko and I told them na oo. And, I also told them that it wasn't easy telling her. Siya ang panganay at mayroong longtime boyfriend pero wala siyang baggage na gaya nung sa akin. Later on, naintindihan din niya ako and she seem to be super excited to be an aunt.
Napag-usapan din namin ang magiging epekto nito sa trabaho ko. Sinamahan niya akong nagpunta sa immediate boss ko at sa HR Department about sa case ko. To my relief, wala daw kaso sa kanila 'yun as long as na magagawa ko ang trabaho ko. And, I can take 2 months leave daw after giving birth.
Kaya, day care na lang ang magiging problema ko.
Ngayon naman, kakausapin ko na siya tungkol sa balak kong paglipat.
"Ate Ja, lilipat ako next month ha?" patanong kong paalam sa kanya.
Nangunot naman ang noo niya at saka tumikwas ang kilay niya saka niya sinabing, "Bakit ka lilipat? Hindi porke hindi ka nahihirapan sa paglilihi mo kaya mo na ang mag-isa ha. Wag kang magmayabang."
"Hindi naman sa ganun Ate. Kailangan ko lang ng personal space."
"So, ayaw mo akong kakwarto ganun?" nahurt niyang tanong sa akin.
BINABASA MO ANG
Complete Package Ako, Fourth! (CPA #1)
Romanzi rosa / ChickLitThis is a CPA Review inspired love story. Kailan mo kaya masasabi sa crush mo na hindi lang siya ang complete package? Kailan mo rin kaya mare-realize na complete package ka? Kailan kaya? Complete Package Ako, Fourth!