Siyempre, isa si Ash sa nagpa feel good sa akin nung stressed ako sa review hahah! Nagkaroon kasi ako ng 'instant lovelife' because of her. Hahah! Eeeeh. Never pa kasi ako nakabasa ng book na may pangalan ako kaya ayun. Haha! Para sa'yo, beh!
_
I took time taking a bath. Para na nga akong nakatulog habang naliligo sa sobra kong pag-iisip na naging resulta ng pagkatulala ko. At, sa pagkatulala ko, ayun na, naglalakad na ako sa aisle at nasa end of the aisle si Fourth.
Napa-smack na lang ako sa sarili ko sa iniisip ko. Huh! My imagination is really something.
Binilisan ko nang maligo kasi kumakatok na si Lynne sa pintuan. Andiyan na siguro ang kanyang best friend na best friend ko din. Maganda kasi ang bowel movement niya eh, I mean namin.
"Ay, ang tagal. Grabe!" reklamo niya kaagad pagkabukas ko ng pinto. Binitbit ko na ang basket of toiletries ko saka ako nag-step out sa CR. "Taeng-tae much?" Biro ko sa kanya.
"Uhm, no. Ihing-ihi much. Mamaya pa 'yung tae kasi di pa naman ako umiinom ng tubig," sagot niya saka ako bahagyang itinulak para lubusang makapasok.
"Atat much. Kala mo naman palabas na!"
"Talaga!" sabi na lang niya.
Pagkapasok ko sa kwarto, ang tagal kong tinititigan 'yung damit na inihanda namin last night para isuot ko pero ngayon nagco-cold feet na ako. I'm feeling chicken about the whole thing! Iniisip ko pa lang nahihhiya na ako!
"Hindi 'yan kusang maisusuot by way of staring at it, sissy," sabi ni Lynne sa tabi ko and she bumped my shoulder with hers.
"Kinakabahan na kasi ako bigla. Nagsesecond thoughts na ako." Sinabi ko sa kanya habang nakatitig pa rin sa jean shorts at jersey shirt ko. "It feels so wrong to chase him." Dagdag ko. Iniisip ko kasi, ako na nga ang babae ako pa ang magbibigay ng motibo. At, isa pa, the man has a freaking girlfriend! I didn't peg myself as a homewrecker!
"You know, hindi siguro safe na pakinggan mo ang sasabihin ko pero I feel like saying it and it feels right too. What if, you're making a good thing na lapitan si Fourth? For all we know, he's not happy with his relationship. This may sound bad, pero what if you're exactly the person he needs right now to make all the smiles I saw in his photos reach his eyes? Maybe, he's not happy at all."
"Maybe, maybe not." Sagot ko.
"There's no harm in trying. At least you've tried. And, for all I know, hindi mo naman siya lalandiin eh. You'll jusk ask him to be your friend. That's how you are, Bel. Kahit sabihin mong lalandiin mo na ang lalaki, I know for a fact that you want him to be your friend first. Anong masama na gawing kaibigan ang crush mo? You did it with Neil Dane."
"You think, I can friend-zone Fourth kagaya nung kay Neil Dane?" tanong ko sa kanya. Unti-unti nang lumalakas ang loob ko sa gagawin kong paglapit kay Fourth. Kakaibiganin lang naman, siguro 'yan ang kailangan kong isipin, 'yung walang malisya para hindi ako mahiya at kabahan.
"I don't think so," agad niyang sagot kaya agad naman akong napalingon sa kanya that it hurt my neck a little, "because I think you will. Nawa'y gamitin mo ang utak mo sa bagay na 'to. You're a smart lady, beb."
Huminga pa siya ng malalim. "I don't think gagawa ka ng something drastic. Hey, kami ni Kez ang drastic sa grupo, wag mo kaming agawan ha."
"Ha-ha! Pero, nakakatakot kasi I'm always on the middle, di ba? Paano kapag 'yung time na maisip ko mag-take ng ng definite side, mali pa ang ma-take ko?" medyo kinakabahan kong tanong. I have my future all planned out. Pero, 'yung paglapit ko kay Fourth, hindi kasali 'yun.

BINABASA MO ANG
Complete Package Ako, Fourth! (CPA #1)
ChickLitThis is a CPA Review inspired love story. Kailan mo kaya masasabi sa crush mo na hindi lang siya ang complete package? Kailan mo rin kaya mare-realize na complete package ka? Kailan kaya? Complete Package Ako, Fourth!