After 5 years
"My goodness! Motherhood suits you!"
"The last five years did the trick!"
Pinagtatalunan nila kung ano ang naging dahilan nang pagbabago ko physically kahit pa wala naman akong naging trip sa Korea. Hindi lang nila alam na maraming fluids at fruits lang 'yan at syempre, kahit na nkapanganak na ako, itinuloy ko pa rin ang yoga.
Tinatawanan ko pa lang ang pagtatalo nila at akma kong kakainin ang apple ko nang, "You know, the world is small and all but the Metro Manila corporate world is smaller. Paano kung magkikita uli kayo ni Fourth?" Lynne asked.
Oo naman. Alam ko naman 'yun. The thought of seeing him again excites me, frightens me and I don't know. Pero, ang nagingibabaw ay ang gusto kong magmalaki sa kanya na nakaya ko. Nakaya kong tumayo sa sarili kong paa. Nakaya kong buhayin ang mga anak ko.
KO!
He's not the father... the daddy... the pop. He's just the... he's just the sperm donor.
Buti na lang naputol ang pag-iisip ko sa usapan nila Kez.
"Wow, Lynne. Kararating pa lang nung tao. Ang insensitive nito. At sa harap pa ni Daddy Dane ha," paninita ni Kez.
Yes. Sabay kaming umuwi ni Dane dito sa Pinas. Paano kami nagsabay? Kasi, nagtrabaho din siya doon. Actually, he visited me in the hospital after I gave birth. Nagkataon na kararating niya lang noon doon, he came to my place pero si Ate Ja ang nadatnan niya at isinama siya ni Ate sa pagbalik sa ospital.
The Daddy Dane? Oh well, I can't remember exactly when and why it started but the kids initiated to call him that. I was about to tell them that it's not proper to call him their daddy because, well, he's not, but Dane told me that it's okay.
Nang umalis si Dane sa unit namin para lumipat sa unit niya, yes, we're next door neighbors, I chastised my kids about that, Theo understood it but Thea threw a mega tantrum kaya I let her call him that.
If it's okay to Dane, it's okay with me. I just hope that it won't affect his dating world.
Nginitian lang ni Dane ang dalawa. Naging napakalaking tulong niya sa akin, sa amin. Nagpapasalamat din ako sa stint na ibinigay sa kanya ng kumpanya nila.
"Okay lang 'yun," natatawa niyang sabi sa akin saka niya hinarap ang dalawa at sinabihan sila, "Wala pa rin kayong pinagbago. Ganyan na ganyan din kayo noon."
"Ganern talaga, bh3!"
"Naman! Ayaw naming maging pabebe noh!"
Tumawa ako sa pagsagot nila. Walanjo lang eh! It's so refreshing to be around them!
Natigil kami sa pag-uusap namin nang lumampas sa akin ang tingin nung dalawa. Paglingon ko sa likod ko, andun na ang aking twins.
Hanggang ngayon, hindi pa rin ako makapaniwala na I am the mother of these two cuties.
Nag-init ang mata ko sa itsura nilang dalawa. Theo and Thea in their set of pjs. Thea is carrying her frog stuffed toy on her right arm. And, on her left hand is Theo's hand.
They came up to me hand in hand.
"Kamukha ni Fourth!" Lynne shrieked.
"Gahd Bel! Anak mo ba talaga ang mga 'to?" hindi makapaniwalang bulalas ni Kez, hindi pa siya nakuntento. Sinabi pa niyang, "Hindi kaya nagkaroon nang palitan sa baby ward?"
"Paano nangyaring nakagawa ka nang ganito?" manghang manghang bulalas ni Lynne.
"Enough! They are my kids, okay? Look at their deep dimples! It's from me!"

BINABASA MO ANG
Complete Package Ako, Fourth! (CPA #1)
ChickLitThis is a CPA Review inspired love story. Kailan mo kaya masasabi sa crush mo na hindi lang siya ang complete package? Kailan mo rin kaya mare-realize na complete package ka? Kailan kaya? Complete Package Ako, Fourth!