Nakasimangot akong nakatitig ngayon sa mga libro ko—sa isang maleta kong mga libro. Board Exam na sa susunod na araw at hindi ko pa nabubuklat ang lahat. To be honest, limang libro lang ata ang nabuklat ko.
Gusto ko pa sanang mag-aral kaso wala namang pumapasok sa utak ko kasi panay kaba na lang ang nararamdaman ko which by the way— I know— is not good. But, I can't help it!
Imbes na magmukmok at magyukyok ako dito sa kwarto at dito sa study table, mas minabuti ko na lang na tumambay sa sala at makipagkulitan doon sa mga babaita.
Paglabas ko, sakto pa lang na nagpi-prepare ang magbest friend na maglaro. Tumatawa tawa pa sila sa naisip na laro: Pinoy Henyo!
Bago nila umpisahan, tinanong ko muna kung nasaan 'yung dalawa: natutulog daw si Clau at nag-aaral naman si Maddie.
Napangiti ako nang ilagay ni Kez ang word na huhulaan ni Lynne sa noo nito.
Nang mahulaan nga niyang pangalan ng tao ang kanyang huhulaan, sakto namang dumating sina Shii, Ervs at Kit, makikiusisa daw sila kasi bored na sila at ayaw na nilang mag-aral.
"Kilala ko ba?" tanong niya.
Tumawa naman kaming lahat. At, sumagot ng oo si Kez.
"Kilala ba naman ako?" tanong niya ulit.
Mas lalong lumakas ang tawanan namin. Naging hagalpak na. Matagal bago masagot ni Kez ng oo kasi matagal bago siya naka-recover sa pagtawa niya. Eto na 'yung stalker tendencies niya: I know you but you don't know me.
"Hmn." Lynne wrinkled her brows as if deep in thought. "Pangalan ng tao. Kilala ko pero hindi ako kilala. Hmn. Isa sa bunch of goodies?" tanong niya na tinanguan naman naming lahat.
He's one delectable goodie!
Nakangisi siyang nakatingin sa akin. As if telling me na: Gotcha! That oooh so dreamy look!
"Ah! Ito ba ang magiging tatay ng mga anak ni Bel?" tumango naman si Kez. "Dito ba siya magpapabuntis if given the chance?" tanong niya uli na tinanguan ng lahat.
Tawa na ng tawa sina Kit sa absurdiy ng idea.
Last week kasi, during the board operations, naglakad kaming pauwi—kaming mga Team Miguelin. May mga blockmates din kaming ka-street namin, mga ilang blocks lang ang layo sa amin. Pinili naming maglakad para makapag-bond.
Sobra naming high sa sobrang saya kasi medyo naka-bond namin ang mga instructors namin pati na rin 'yung mga batchmates namin na matagal naming hindi nakita dahil magkakaibang review centers ang pinuntahan namin. Nagkamustahan kami, nagtanungan kung ano ang nararamdaman namin sa board exams. Kung ready na nga ba kami.
No one is ready.
Ni-zone out ko ang mga grade conscious noong college kasi naman, nagtatanungan sila tungkol sa mga grey areas sa accounting at taxation.
Nang matapos nga ang pakain sa amin, at matapos ngang maka-tsansing ang numerous college friends ko isang faculty member, nag-umpisa na kaming maglakad.
And, just before liliko kami papunta sa amin, nadaan kami sa Mercury Drug. Nagpaiwan na kami sa labas. Si Clau at Maddie lang ang pumasok.
"Ano balak niyo after the exams?" tanong ni Cliffy. Isa sa mga blockmates kong ka-street din namin.
Ang mga naging sagot ay: magbabakasyon; maghahanap ng work at; hindi alam.
Kaya ako, inibahan ang sagot, ngumisi ako at nagbiro, "Gusto ko lang naman ng anak kay Fourth!"
BINABASA MO ANG
Complete Package Ako, Fourth! (CPA #1)
ChickLitThis is a CPA Review inspired love story. Kailan mo kaya masasabi sa crush mo na hindi lang siya ang complete package? Kailan mo rin kaya mare-realize na complete package ka? Kailan kaya? Complete Package Ako, Fourth!