"Kids! Someone wants to talk to you!" tawag ko sa mga bata, na nasa kwarto, naghahanda para sa school nila.
"Daddy Dane!" malakas na bati ni Thea sa Tito Daddy niya, "Did you know that I have a Papa? He's sooo nice!" pagkukwento nito.
Ooh at aaah lang ni Dane ang naririnig ko mula dito sa sala.
Nag-message siya sa akin na tatawag siya bago pumasok ng school ang mga bata dahil hindi siya makakabisita sa amin dahil may contract sila sa Palawan at siya ang inutusan na magpunta doon. Biglaan daw iyon, last minute na siya na inutusan, nagkasakit kasi 'yung engineer na nakatoka sa contract na iyon.
Pumasok na ako sa banyo para makapag-ayos naman ako bago pumasok sa office. Hindi pa ako natatapos sa pag-aayos, kinatok na ako.
Pagbukas ko ng pinto, iniabot na sa akin ni Theo ang cell phone ko, "Oh, Dane?" sagot ko kaagad.
"...."
"Huy Dane!" tawag ko sa kanya ulit.
Ilalayo ko na ang phone sa tainga ko para makita kung may signal reception ba nang magsalita siya, "Si Fourth ito."
"Ah, okay. Ahh, yes.." walang sense kong sagot. "Sorry, akala ko kasi si Dane pa rin eh."
"No, ako 'to," he said. "Kinumusta ko lang ang mga bata."
"Yes, of course."
A moment passed, "We didn't get the chance to talk again yesterday..."
"Ah, Fourth. Nagmamadali kasi ako ngayon. Baka may traffic na eh. Bye."
Kahapon kasi, hindi ako lumabas sa kwarto hanggang hindi ko narinig ang boses at yabag ng mga bata. Ginagamit ko sila as shield ngayon.
Hanggang gabihan, wala kaming napag-usapan ni Fourth. Kung anuman ang sasabihin niya, na-concise na lang 'yun sa bilin niya na tatawag siya araw-araw para makamusta ang mga bata.
Binilisan ko nang mag-ayos at tinulungan si Jenny na magbitbit ng mga gamit ng mga bata. Sabay sabay na kaming umalis, sila na lang ang unang ihahatid ng taxi saka ako isusunod.
Sa mga sumunod na araw, tinupad ni Fourth ang sinabi niyang aaraw arawin niya ang pagtawag sa mga bata, at dahil minsan, nagkakataon na sabay silang tumatawag ni Dane, bumili na lang ako ng isa pang sim card at doon ang para kay Fourth.
Gabi-gabi niyang kinakantahan ang mga bata bago matulog, nagkukwento rin siya. Sa tingin ko, bumili siya ng mga libro ng kagaya ng mga nakita niya sa kwarto ng mga bata; pinagpipili niya kasi ang mga ito sa kanya ito babasahin ara sa kanila.
He's really making it up with he kids. He's good.
Minsan nga, tumatambay na rin ako sa kwarto ng mga bata para naman mapakinggan rin ang pagkanta niya. Nainggit kasi ako nang magkwento si Jenny sa akin na kinikilig siya sa boses ni Fourth.
On Thursday, nagtatantrum na si Thea dahil gusto daw niya makita ang tatay niya.
Pagkauwi ko galing sa office, ganyan na daw siya mula pa kaninang tanghali, nung uwian nila. Tinanong ko si Theo kung may nakaaway ba ang kakambal niya pero wala nama daw.
"What happenned, Theo?"
"Dunno, Ma."
Nag-squat ako sa harap ni Thea, "What it is?"
Iniangat nya ang ulo niyang nakayukyok, matalim akong tinitigan. "I want my Papa."
Sinipat ko ang orasan ko, "He'll call in a bit."
"No!" Saka siya nag-about face, hinarap niya ang wall.
"Theo, why don't you call your Pops?" utos ko. Inilingan niya ako, "Why?"

BINABASA MO ANG
Complete Package Ako, Fourth! (CPA #1)
ChickLitThis is a CPA Review inspired love story. Kailan mo kaya masasabi sa crush mo na hindi lang siya ang complete package? Kailan mo rin kaya mare-realize na complete package ka? Kailan kaya? Complete Package Ako, Fourth!