Package #7

2.1K 26 0
                                    

Grabe! Kay idol Sis Ate Ashley naman ito. Kagaya ng sabi ko sa message ko sa kanya noon, nakaka encourage si Sasha (one of her characters) kasi she took the BAR exams trice. Kaya kahit papaano nakakawala ng kaba noon, hahah. Not that I'm telling na okay lang na hindi pumasa at first kasi hindi talaga okay 'yon. Pero, basta. 

_

"Uy, Bel hahahah," bati sa akin ni Fourth sa hagdan. I'm running late, pati siya. Katulad ng dati, na-late ako ng gising. Siya, na-late dahil bumili pa sa 7-11 ng pagkain niya.

"Oh, bakit hahahah naman? Mukha ba akong clown?"

"Wow, sungit natin ah. Kaaga-aga. Andiyan na ba?" nakangisi niyang tanong sa akin.

Ni sa hinagap hindi ko na-imagine na magkakaroon kami ng ganitong banter ni Fourth. Dati, gustung gusto ko lang siyang matanaw at matitigan. Gusto ko rin siyang makilala. Ngayon at nagawa ko na 'yun, gusto ko namang maging magkaibigan kami.

"You do not ask a girl kung may dalaw o wala." Masungit kong sagot. Oo, nagdadalawang isip akong magpakita ng kagaspangan nang pag-uugali ko, pero naisip ko na lang na magpakatotoo.

"Ah, andiyan na nga. Sungit." Biro niya sa akin, flashing his megawatt smile and uber white teeth.

At, dahil nga wala ako sa mood na magsalita, hindi ko na lang sinagot 'yung pagbibiro niya. Hindi na kami nag-imikan hanggang sa ma-reach namin ang floor namin. Nang papunta na ako sa room namin, bigla niyang hinablot ang kamay ko.

"Saan ka pupunta?" takang tanong niya sa akin.

"Sa room namin." Tipid kong sagot.

Tinignan niya ako na puno ng pagtataka, "You're on the wrong direction."

"No, I'm not. Zayn is."

"Huh?"

Hindi niya ba alam na umalis na si Zayn? He went to the wrong direction! There's only one direction and he went to another. Huhuhuhuh. Actually, I am not that affected. I listen to their music and Harry Styles is really an eye candy but, Zayn leaving is really something. So, okay I am a bit affected.

"I said, pupunta na ako sa room ko." Wala pa ring kabuhay-buhay kong sagot. Ang bugnutin ko naman!

Hinila niya ako, "Dito nga ang room natin," sabi niya matapos niya akong dalhin sa pinto ng Room 2.

"Hindi, Fourth. Room niyo diyan, dun ako sa Room 3." Sabi ko saka ako nagmartsa papunta sa room ko.

Pagpasok na pagpasok ko, may kasunod akong pumasok pero hindi ko na nilingon.

Pwedeng si Fourth 'yun. As if naman, susundan ka niya! I chastised myself. Oo nga naman. Ba't naman niya ako susundan. The whole week na nakiseat in ako sa kanila, naging magkaibigan kami.

Nakakwentuhan kung paano ang Accountancy Program sa kanila, at kung kumusta naman ang mga instructors nila.

Napag-alaman ko din na four years lang daw ang Accountancy sa kanila. Nag-alala pa ako na baka mas matanda ako sa kanya. Oo, mas matanda ako ng less that 3 months sa kanya kaya kahit papaano nakahinga ako nang maluwag.

Hindi daw niya sigurado kung magte-take siya ng board exam. Papakiramdaman daw niya. Ako? Nagkibit balikat na lang ako naang ibalik niya ang tanong sa akin. Gusto kong sagutin ng oo kasi ayun naman talaga ang plano pero nitong mga nakaraang araw nag-aalinlangan ako.

Nag-aaral ako pero naiiyak din at the same time kasi parang wala akong naiintindihan. Kaya nagdadasal na lang ako.

Pagkasayad na pagkasayad pa lang ng pwet ko sa upuan, dumating na ang reviewer namin. Thank God sa 15 minutes na allowance!

Complete Package Ako, Fourth! (CPA #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon