Does it ever happen to you 'yung pakiramdam na mahiga na lang sa lap ng Mama ninyo at umiyak habang sinusuklay niya ang buhok mo... with her cooing sound?
'Yan lang ang nasa isip ko sa ngayon. 'Yan lang ang gusto kong gawin ngayon.
I know, I shouldn't be drastic and just leave but... I can't help but to do this, to do what's bugging me.
Sa itsura ni Fourth na umalis, parang hindi siya... nag goodbye sa akin. Ine expect niya sigurong madadatnan niya pa ako sa unit niya... waiting for him. But, I am not that kind of girl na iiwan mo sa ere at madadatnan mong nag aantay.
Ako 'yung tipong, sige, umalis ka pero wa'g kang mag expect na lovesick fool akong nag aantay sa'yo.
Masakit eh. Kung anong paninikip ng dibdib ko ang indikasyon na nasasaktan ako, pwes, masakit nga. Congrats, Fourth! Mahal nga talaga kita kasi masakit. Mas lalo pang pinasakit ng thought na akala ko magpu-propose siya sa akin, and we'll have that happy ever after.
Assumera kasi ako. Nag expect pa. Akala mo hindi accounting major sa pag assume. It's like a sacred rule in college na: don't assume unless stated. Pero, ano ang ginawa ko? Nag assume.
Tanga. Gaga.
Hindi ko alam kung paano akong nakauwi ng hindi nahahalatang broken hearted ako. Maliban na lang sa mga kaibigan kong kilala ang mga emosyon sa mukha ko.
Hindi pa ako ready na umiyak. Hindi ako pwedeng makita ng mga batang umiiyak.
Mahirap talaga ako paiyakin at mahirap din ako patigilin.
"Oh, Ate, ba't ganyan mukha mo? Ang saya mo lang kanina, ah?" tinignan niya ang likuran ko at nagtaka, "o, eh, nasaan so Kuya?"
Nagkibit balikat ako. "Jen, pa empake naman ako ng damit ng mga bata. Uwi muna kaming probinsya, tutal naman, long vacation," mahina kong utos.
Alam ko, marami siyang tanong pero agad naman siyang tumalima.
In no time, naiempake na namin ang mga gamit namin at nasa taxi na papuntang bus terminal. "Ate, paiwan na lang ako kasi kakagaling ko lang do'n eh."
"Okay, sabi mo eh."
"Hatid ko lang kayo, at para kang wala sa sarili."
"Saan... dadalhin ng Mama sina Theo at Thea?" cute na tanong ni Theo.
"Uuwi tayong province. Di ba miss niyo na sina Lolo't Lola? Tsaka, ipapakilala ko kayo sa Tito Jun at Tita Jaz ninyo. At... marami kayong kalaro doon," mabagal kong sagot.
"Yesssss! Excited na ako!" Masayang hiyaw ni Theo.
"Pero, mamimiss ni Thea si Papa. Ba't di siya kasama?"
At, iniwan ko sila para pumila sa ticketing office. Nagulat pa ako ng may kumalabit sa akin, "Huy, uuwi ka rin pala?" tanong sa akin ni Dane.
"Oo eh."
Tinitigan niya ako, iniyuko ko naman ang ulo ko, "Anong ginawa niya?" tanong niya sa akin, puno ng pag aalala.
Sa lahat talaga ng ayaw ko, 'yung ipinaparamdam na may nag aalala sa akin, hindi tuloy naiwasan na pumiyok ang boses ko sa pag sagot, "Na miss ko lang si Mama," may halong katotohanang sagot ko, kahit secondary reason lang naman talaga 'yon.
I just to breathe fresh air. I laughed bitterly in my head, gusto kong sumamyo ng mabangong hangin para malinis naman 'yung pangit kong nararamdaman.
Inilagay niya ang hintuturo niya sa baba ko at saka dahan dahan na iniangat ang mukha ko, "Oo na, naniniwala na ako. Pero, wa'g ka na bumili. Antayin niyo na lang ako dito. Kunin ko lang kotse ko at private car na lang tayo."
BINABASA MO ANG
Complete Package Ako, Fourth! (CPA #1)
ChickLitThis is a CPA Review inspired love story. Kailan mo kaya masasabi sa crush mo na hindi lang siya ang complete package? Kailan mo rin kaya mare-realize na complete package ka? Kailan kaya? Complete Package Ako, Fourth!