"Sa tingin niyo ba bagay sa akin ito?" tanong ko kay Kez at Lynne, itinabi ko sa akin ang dress na sinasabi ko. Andito kami ngayon sa Karimadon. Naghahanap ako ng damit para sa event na pupuntahan namin ni Fourth mamayang gabi.
Iniwan ko sina Fourth at ang mga bata sa bahay kanina na nagba-bonding, ngayon naman, ka-bonding ko itong mga bruhang ito. Tinutulungan nila akong mgahanap nang maisusuot ko para sa ball na iyon.
"Hmmmnnn... errr... parang hindi, beki," sagot ni Kez sa akin. "Parang, may kulang diyan sa damit na 'yan. We want you to look classy kasi. Parang 'di naman achieve sa damit na 'yan."
"Oo nga. 'Yung simple sana na damit pero parang nananampal ang dating."
Nag ikot ikot pa kami sa mga boutiques para makahanap ng damit na sinasabi nila, malapit na akong maubusan ng hope na may babagay pang damit sa akin nang mapunta kami sa isang international brand shop.
Napailing ako sa kanila nang ipatong nila sa akin ang red wine colored lace dress na nakita nila, napa-eto na pa sila nang makita ito.
"Ayoko niyan. Di kaya ako kaputian, di kaya masagwa naman?"
"Hindi, noh! Papaputiin ka nga nito! At, maganda ang lights sa event na 'yon!" Kez gushed, at dahil hindi ako makapaniwala, naghingi pa siya ng saklolo kay Lynne, "Diba, Lynne?"
"Of course, Babe. Alam mo ba. Na 'yung kabatch natin, ang bobongga last year, nagsisi nga ako't di ako doon nag apply kasi naman, buti pa sila, nakapag dress up ng ganun kabongga. Remember Avon and Mae? Grabe! Ang gaganda nila! I didn't expect! Ang ka-classy! Although, gano'n talaga si Mae. But, Avon? She's so pretty! Kabog ang lahat! She's the bomb!"
Ayaw kasi ni Lynne doon, toxic kasi kung toxic, baba pa ng sahod. Baka raw kasi padalhan pa siya ng parents niya ng allowance kung doon siya magwork. BPO ang napili niyang work, ipon muna raw siya saka niya i-try mag external audit. Si Kez naman, she loves to travel, at isa 'yon sa mga nakuha niya nang mapili niyang tanggapin ang internal audit na work.
"So, big event pala talaga ito?"
"Oo naman. 'Yan kasi ang time para ipakita ang inner beauty ng mg CPA eh. Lam mo na, sadyang nakatago mga alindog natin."
"Ah, may white ka bang close shoes?" tanong ni Kez sa akin.
Umiling ako. "Hindi ba pwedeng 'yung black shoes ko na lang?"
"'Yung parang pridyider?" Parang horror ang sinagot ko sa ni-react ni Lynne, "Uhm, how about no?"
"Ay, grabe! Paano naman mga anak ko kung gagasta ako ng ganun kalaki para lang sa isang event?"
"Ano ka ba. It'll be all worth it."
_
Buti na lang talaga nagpapilit ako sa mga pamimilit nila sa akin kanina. Kasi, based sa reaction ni Fourth, worth it na worth it bawat sentimo na ginastos ko. His reaction is just so.... comical.
Hinatid ako nila Lynne sa unit ko, hanggang baba na lang sila at may lakad din daw sila.
Pagdating ko sa taas, nakita ko sa mat ang mag aama na naglalaro pa. May mga pinupulot pulot silang finger food sa tabi nila. By the looks of it, 'yun ang pasalubong ni Dane na inabot niya sa akin kagabi.
"Sabi ko naman sa'yo, i-charge mo na sa akin 'yang damit kasi ako naman ang nag-aya," reklamo ni Fourth nang makita niya ang mga shopping bags na dala ko. The girls talked me out to buy new beaty essentials din kasi, colors na mas babagay sa look na i-aachieve ko.
"Ano ka ba, ako naman ang magsusuot." Natatawa kong sagot sa kanya.
_
Bago dumating si Fourth, nag uumpisa na akong magba-bye sa mga anak namin. 6pm niya kasi ako susunduin and it's 15 minutes to 6 na.
BINABASA MO ANG
Complete Package Ako, Fourth! (CPA #1)
ChickLitThis is a CPA Review inspired love story. Kailan mo kaya masasabi sa crush mo na hindi lang siya ang complete package? Kailan mo rin kaya mare-realize na complete package ka? Kailan kaya? Complete Package Ako, Fourth!