"Thea, he's our Pop."
Paulit ulit na sinasabi ni Theo sa kakambal. Ako naman, minamasahe ko na lang ang likod niya and the back of her head. Hindi kasi matigil sa pag-iyak.
Nang tumahan siya, iniangat niya ang sarili niya and looked at Fourth murderously saka niya hinarap ang kakambal, "Agsardeng!" umalis siya sa pagkakaupo sa akin at nagmartsa palapit kay Fourth, Fourth half-kneeled para maging magka-eye level sila then Thea says, "Madi ka kayat!" At, dumiretso siya sa kwarto at ibinalibag ang pinto.
"I'm sorry, Fourth." Hinging paumanhin ko sa kanya, inakbayan ko naman si Theo na naupo na sa tabi ko, "Upo ka muna," aya ko kay Fourth saka ko itinuro ang upuan sa tapat ko.
Naupo siya. "Pero, hindi ko siya naintindihan."
"Uhm, that..." ngumiti ako sa kanya, "that's our dialect."
"Uh, okay. I guess, ayaw niyang maintindihan ko siya," iniwas niya ang tingin sa akin at tumitig siya sa kawalan. Akala ko hindi na siya magsasalita pa ulit, but, "kasi, hindi niya maintindihan kung bakit ako nandito ngayon at wala ako noon."
Wala na naman akong alam i-respond but I'm sorry, pinigilan ko na lang ang dila ko. Minabuti ko na lang na hayaan siya, hinarap ko na lang si Theo, "Baby, why don't you go to your room? Make your sister feel okay?" then I carefully arranged the box of muffins Dane brought, "Bring these too."
"Okay po," sagot niya sa akin saka niya nginitian si Fourth, "You won't leave, right?" tanong niya sa ama.
I hold my breath.
That was a simpe question from his son. Theo was just asking for the now but I am thinking of tomorrow.
"I'm staying." Sagot ni Fourth sa anak habang nakatitig sa akin.
Doesn't he know the power of his two words?
I heard my son's okey dokey and the sound of the door opening and closing pero nakatingin lang ako kay Fourth. Any feature, just not his eyes.
"I am not going anywhere."
_
He's not going anywhere!
Pero takot siya sa isang four year old girl na nagmemega tantrum! Sa totoo lang kasi, hindi rin ako magaling sa panunuyo sa anak ko, hinahayaan lang talaga namin siya kapag nasa dark mood siya. Hinahayaan naming magsawa siya.
Nakikipaglaro ng pitik-bulag si Fourth kay Theo nang mag-umpisa ang hell sa unit namin. Nag-umpisa ito sa hila-hila ni Thea na kumot na laman ang mga laruan niya, saka niya inumpisahang ibato ang mga 'yun.
Pagsasabihan ko sana siya kaso baka mapahiya lang siya kasi may ibang tao at lalo pa niyang palalain ang pagmamaktol niya kaya minabuti ko na lang na hayaan siya. Nahihiya rin ako kay Fourth at natatakot na baka husgahan niya ako sa pagpapalaki ko sa mga bata.
And, I want to present him the perfect children for him to want them in his life.
Pero, I immediately dismissed that. Bakit ganun ang iniisip ko? My children are perfect! Everyone wants to be around them. At, hindi mababawasan ang halaga nila dahil lang sa kung ano ang mararamdaman ni Fourth towards them.
"Thea..." mahina kong tawag sa anak ko, nagbabakasakaling with my soft and tender voice she'll drop the brat act. Tinignan lang niya ako at ibinato niya ulit ang barbie doll niya. Huminga na lang ako ng malalim.
Napapansin ko na rin ang pagiging uneasy ni Fourth kaya, "Fourth, next time na ulit? It's not a good time."
Para siyang nabunutan ng tinik at gusto kong kalmutin ang mukha niya. But he has the decency to ask me, "Are you sure?"
BINABASA MO ANG
Complete Package Ako, Fourth! (CPA #1)
Literatura KobiecaThis is a CPA Review inspired love story. Kailan mo kaya masasabi sa crush mo na hindi lang siya ang complete package? Kailan mo rin kaya mare-realize na complete package ka? Kailan kaya? Complete Package Ako, Fourth!