Package #11

2K 30 0
                                    


Binalak kong maglaba ngayong araw. Balak kong magpa-stress sa paglalaba para hindi ko maramdaman ang pag-aantay ngayong araw. Kaso, hindi natupad ang balak ko.

I ended up taking it to the laundromat.

Nakita ko kasing nagtutupi ng mga damit na ipapalaba si Kez at Lynne kanina. Nang isinisilid na nila sa malaking plastic bag ang mga 'yun, nainggit ako kaya nagpaantay ako sa kanila at saka namin sabay sabay na dinala ang mga 'yun.

Pag-uwi namin nag-decide kaming mag-stroll sa mall. Mas mabuti nga namang manuod na lang kami ng mga tao kaysa magmukmok at mapanis sa kakaantay ng results sa bahay.

Nagtingin kami kung may magandang movie kaso wala kaming nagustuhan. Nagpunta na lang kami sa NBS, PHR at Booksale na tumingin ng mga books. Wala akong nabili pero si Lynne, meron. Hihiram na lang ako sa kanya. Ang tempting ng kwarto ng babaeng 'yan! Pag dumadaan ako doon, hindi ko mapigilang pumasok at kumuha ng babasahin.

Nag-dinner na muna kami bago umuwi. At siyempre pa, ang walang katapusang Bibimbop ang aking pinili. Ewan ko ba. Pero, favorite ko talaga ang food na 'yun. Hindi kasi nakakatakot sa laki ang carrots!

Pagkauwi namin, nag-usap usap kami kung ano na.

Uuwi na raw sila. Eh di pati ako uuwi na rin. Imbes na magpahinga, nagsipag-empake kami ng mga gamit namin. Nagsipaghingian kami ng top ng isa't isa. Nagiging sentimental kami, akala mo naman, maghihiwa-hiwalay na kami, if I know, kami rin naman ang magkakasama sa apartment kapag nagsipagtrabaho na kami. Natatawa kaming lahat kasi alam naman namin na ganon pero hindi namin mapigilan 'yung ganung feels.

Akalain mo 'yun, five months kaming magkakasama sa bahay. Mas nakilala namin ang topak ng isa't isa. Mas naging ka-close ko sila, mas lumalim ang pagkakaibigan namin. At, na-realize kong ang swerte ko na matawag silang kaibigan.

Habang nag-eempake kami, napansin ko sa wall clock at nakita kong 7pm pa lang naman, at naalala ko ang matagal ko nang inuungot na girl's night out namin. Gusto ko talagang mag-Enchanted Kingdom kami. Hindi nila ako pinagbigyan kasi mas nararapat daw na mag-bar na lang kami kaysa amusement park.

Hindi kasi namin na-push ang EK noon kasi nga busy kami sa pagrereview tapos ngayon naman, feeling mature na sila at mas gusto na lang nilang mag-bar. I told them, "Paglabas ng results, mag-EK tayo." And I didn't take no for an answer. So, they mumbled their yes'.

Nayayamot akong mag-empake kasi hindi naman na magkasya sa maleta ko ang mga review materials ko. Mas nayayamot pa ako kasi hindi ko naman nabuklat 'yung mga librong inililigpit ko sa maleta. Nakakapunta na ako sa Recto para ibenta ang mga libro ko para hindi ko na iuwi pa ang mga ito. Kaso naalala ko naman 'yung dati kong boardmate, mamanahin pala niya ang mga ito. Kaya with all the talent and skill that I can muster, pinilit kong pagkasyahin sa maleta ko ang mga 'yun.

Matapos naming maligpit ang maleta namin, naalala naming kailangan pala naming antayin ang mga pina-laundry namin. Bukas pa pala ng gabi namin makukuha ang mga 'yun. So, by Wednesday pa kami pwedeng umuwi.

Nagpunta kami ni Kez sa kwarto ni Lynne at doon kami nanuod ng movie. At dahil gusto namin ng feel good movie, napili naming panuorin ang Diary ng Panget. Kahit naman kasi hindi ko masyadong nasundan ang flow nung movie, natuwa naman ako kasi nakakatawa naman talaga.

Matapos naming panuorin 'yun, pinanuod din namin ang Divergent. Haaaaay. Kinikilig na naman ako.

_

Kinabukasan, nag-brunch na lang kami ng mga 1pm. Sobra kasing napasarap ang mga tulog namin. Hindi na nga brunch 'yun sa sobrang late eh.

Nang wala na kaming magawa. Nag-umpisa na naman ang magbest friend nang pagkakaabalahan.

Complete Package Ako, Fourth! (CPA #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon