Package #24

2.4K 30 2
                                    

Akala ko doon na magtatapos ang trip namin na ito, nagulat na lang ako nang i-park ni Fourth ang kotse niya sa isang resort.

Sorry, di ako magaling sa direksyon. Akala ko lang, may short-cut na alam si Fourth at iyon ang tinahak niya para makarating kami ng Manila ng mas mabilis. Malay ko bang may balak pa siyang tsansingan ako.

Nakakatuwa lang kasi hindi pa pala kami tapos para sa araw na ito.

Nakangiti lang siya the whole time. Oo, hindi niya nagustuhan na hindi namin naumpisahan ang fireworks pero napangiti naman siya sa sinabi ko.

"Hindi na mahalaga na hindi natin naumpisahan, andito naman tayo nang matapos. Napanuod natin 'yung pinakamagandang parte."

Gustung gusto kong alamin kung ano ang nasa isip niya nang mga oras na 'yon, kung ano ang iniisip niya, at kung ano rin ang nararamdaman niya.

Salit salit kasi ang mga emosyon sa mukha niya. Nauna ang panghihinayang, napalitan ng saya, ng takot, ng saya ulit.

"Hindi pa pala tayo uuwi?" tanga kong tanong. Well, hindi ba obvious Bel? In love ka lang nagiging tanga ka na naman! Wait, what? In love? It's too early for that L word. Like muna, pwede?

"Oo, hindi pa. Hindi ko pa kayo nasulit."

Shit! Kung hindi ba naman ako pinang initan ng pisngi sa sinabi niya! Sorry, iba kasi ang pumasok sa isip ko.

_

Nang makapasok kami sa isang cottage inutusan niya akong magpahinga na, siya na lang daw aasikaso sa mga batang nakatulog na sa biyahe. I've never been thankful to have someone beside me, someone I call my partner in times like this. Ngayon lang ako nakaramdam ng pagod. Masasakit na pala ang binti at paa ko sa ginawa naming paglalakad lakad.

Naupo na muna ako sa pinakasala namin, hinayaan si Fourth na asikasuhin ang mga bata. He seems to know his way around them. Alam naman na siguro niya ang gagawin sa kanila. Let him be! Kaya niyang i-figure out 'yan!

Para labanan ang antok na unti unting sumasanib sa akin, nag cell phone na muna ako. Nag change ako ng cover photo ko sa facebook. Pinili ko 'yung nakatalikod kaming lahat. Nag log out na rin ako kaagad at nagpasak ng earphones sa tainga ko.

Yeah, I'm ready to feel now
No longer am I afraid of the fall down
It must be time to move on now
Without the fear of how it might end
I guess I'm ready to love again

Just when we think that love will never find you
You runaway but still it's right behind you, oh
It's just something that you can't control

Bumigat ang dibdib ko sa bawat bagsak ng lyrics. Para akong pinapatamaan. Ready na ba ako uli?

Bumukas bigla ang pinto ng kwarto, "Labas na muna tayo?" tanong sa akin ni Fourth.

"Saan tayo pupunta?"

"Lakad lakad lang tayo," aya niya. Hihindian ko sana siya at idadahilan ang mga bata nang, "nakausap ko na sila sa lobby kanina, mayro'n daw silang baby sitter for hire rito. At saka, sandali lang naman tayo." Pangungumbinsi pa niya.

"Okay," I croaked.

_

Inaya na muna niya ako sa pinaka restaurant nung resort. Nagpaluto raw siya kanina pa, baka nakahain na raw ang pagkain namin.

"Kamusta na pala mga kaibigan mo?" tanong ko sa kanya.

Nilunok muna niya ang pagkain sa bibig niya at saka uminom bago sumagot. "Okay lang naman," natatawa niyang sagot. "Sinabi ko sa kanilang may pamilya na ako," nagulat ako sa pagkakasabi niya. Baka mga anak lang? Para kasing asawa't anak ang nakuha niya sa pagkakasabi niya, "Tampo tampo mga gago. Eh sinabi kong I'm still trying to get you."

Complete Package Ako, Fourth! (CPA #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon