Package #13

2K 23 1
                                    


Kulang na lang mapadapa ako sa paglalakad dahil sa kabang nararamdaman ko.

Fourth was just paying his bill nang tumabi ako sa kanya.

It was hooded eyes met anticipating eyes when he looked at me. Nangatog ako sa intensity! Kinakabahan ako dito sa nangyayari.

It's like a one night stand in the making. It was like a friends with benefits in the making.

Medyo nag-sway ang katawan ni Fourth sa unang hakbang niya, ako naman to the rescue't umalaly kaagad. Dikit na dikit naman ang mga tagiliran namin ngayon, at nakaakbay siya.

The October air should be a bit chilled pero hindi ko ramdam, parang ang init. Too much body heat! It must be the alcohol in our bodies.

Pagkatawid namin, which is hindi naman mahirap kasi kaya naman niyang maglakad, hindi nga lang talaga diretso, narating namin ang lobby ng condominium tower niya.

"Gusto mo, mag-stairs na lang tayo?" tanong ko sa kanya. Para sana maipawis niya 'yung alcohol intake niya.

Tumango siya kaya iginiya ko siya sa fire exit. Nakaalalay lang ako the whole time, meaning, halos nakayakap na ako sa kanya.

And after 3 fire exit doors, nakarating din kami. Tinulungan ko na siyang i-shoot ang key sa keyhole, pagkabukas ko ng door, agad kong ni-flip ang switch para hindi kami mapadapa sa kadiliman.

Nang bumaha na ng liwanag, napatanga ako sa nabungaran ko. Fourth is an organized man but from what I am seeing, tinakasan siya ng trait niyang iyon. May foam na hindi man lang naiayos ang unan at kumot at bedsheet sa pinakasala niya. Sa center table naman niya ay mga supot ng junk foods at soda cans. Ang sink niya ay punung puno rin ng hugasin. Kaya naman pala sa tabi ng trash can niya nakakalat ang mga disposable plates, etc.

Inalalayan ko siyang maupo sa couch niya pero pabagsak siyang naupo.

Nagpasalamat naman ako nang may makitang bottled water sa ref niya, inabot ko sa kanya 'yun at ininom naman niya.

Tinabihan ko siya sa couch. Saka naman niya ako ginitgit sa gilid kaya here I am, flashed to his side.

Ini-on niya ang tv at saka siya nagchannel surf. Nang makita niya patapos na ang basketball game, he stopped and watched the whole game.

Nang pinagpapawisan na siya, hinubad naman niya ang noon ay nakabakat na sa katawan niyang T-shirt. Napanganga ako ng hubarin niya 'yun sa harap ko. Parang tumulo pa nga ang laway ko, kaya ako napalunok.

"Fourth, baka magkasakit ka. Pawis na pawis ka tapos maghuhubad ka eh anlakas ng AC mo," suway ko sa pagiging exhibitionist niya.

Ang hudyo, nag-wink lang siya sa akin!

This is a new side of Fourth. Someone I don't know how to deal with. He's... such a flirt.

Huwag naman niya sana akong idaan sa ganyan niyang style kasi baka hindi ko masabayan at baka sumakay ako.

You know, baka matunaw agad ako at, ewan ko.

After the basketball game, tumayo siya at nagtungo sa kitchen, he came back with a champagne and two flutes.

"Hindi pa kita nacocongratulate properly," he said saka niya binuksan ang bottle at sinalinan ang inabot niyang glassware sa akin.

Nag-cheers kami and sipped our wines.

Nakatitig lang siya sa akin the whole time kaya napansin agad niya ang kaunting drops ng wine na umalpas sa bibig ko. Before I can wipe those drops away, andun na ang thumb niya na nagpunas.

Complete Package Ako, Fourth! (CPA #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon