Kakakuha lang namin kahapon ang resulta ng first preboards namin. Actually, hindi ako kuntento kahit na sabihin pang mataas naman ang school ranking ko. Pero, anlayo ko kasi sa ranking ng Review Center ko. Nakakabahala.
Para akong ginising ng ratings ko. Para bang pasimple niyang sinsasabing mag-aral pa ako kasi kulang pa ang effort na ibinibigay ko.
Kaya, heto nga. Mag-aaral ako ng mabuti. Susunugin ko lahat ng kilay ko. Lalaklakin ko lahat ng Yakult. Vitamilk sana para makatulong sa brain pero I can't stomach the taste! At, lalamunin ko lahat ng peanuts.
Musta na Reigh?
Okay lang naman. Uy, malapit na ang board exam mo!
Oo nga eh. Hahah. Pagdasal mo ako ah.
Oo naman. Matic na 'yun noh. Shuxx! May kaibigan na kong Engr. pag nagkataon.
Oo nga eh. Malapit na rin akong magkaroon ng kaibigan na CPA.
Hahahah. Sana makapasa ako. Uy, sige, aral na para magkatotoo mga pinagsasabi natin.
Na-miss ko namang kausap si Neil Dane. Gusto ko pa sana pahabain 'yung pag-uusap namin kaso nasa mood kasi akong mag-aral.
Andito ako ngayon sa rooftop ng review center namin, ito ang pinaka-library namin at mas napili kong mag-aral dito kaysa umuwi. Matutulog lang kasi ako doon kapag sumama ako kina Clau na umuwi. Sayang ang oras na iaaral ko.
Nang matapos akong mag-aral, nagpaalam na rin ako kay Fourth na napansin kong nasa kabilang dulo ng inupuan ko.
He looked so troubled.
"Oh, bakit? Hindi ba pumapasok 'yung inaaral mo?" tanong ko sa kanya. Ngayon ko lang siya nakitang ganyan. He's always composed. "O kaya naman, hindi mo nagustuhan ang ratings mo?"
Tinignan lang niya ako. His lips tight in a grim line, his eyes lost its life and is now surrounded with bags. Nag-alala naman ako bigla at na-guilty sa playful kong pagtanong sa kanya. "Uy, okay ka lang ba?" puno na ng pag-aalala kong tanong.
"None of the above." Mahina niyang usal. Walang kabuhay-buhay.
That's when it hit me, lovelife.
Oo, gustong magalak ng puso ko kasi may chance na nga na maghiwalay sila ni Celina. Pero, kung ganito naman ang magiging epekto kay Fourth, wag na lang. Kahit sila na lang forever. Mas gugustuhin ko pang si Celina na lang ang end game niya kaysa iba pa. Hindi ako papayag na mayroon pang iba.
Gusto ko siyang tanungin what happened pero hindi ako makaisip ng tactful way of asking. Hindi ako maka-formulate ng tanong na hindi masyadong masakit. Yung hindi ako magiging insensitive.
Ang insensitive naman ni Celina! Hindi ba niya alam na ilang buwan na lang boards na. Hindi ba niya alam, bawat araw namin mahalaga para mag-aral? Nakakainis naman siya!
Nagbago na ang isip ko. Ako na lang, wag na si Celina! Ako na lang kasi ako, aalagaan ko siya. Kung hindi niya kayang alagaan, bitiwan na lang niya. Pero, pwede ba niyang idelay para naman hindi maapektuhan ang pag-aaral ni Fourth?
"Gusto mo labas tayo?" tanong ko na lang sa kanya.
Kung hindi ko siya kayang kausapin, ipaparamdam ko na lang na andito lang ako sa tabi niya. Na andito lang ako no matter what. I will always be at his side. Kahit pa friends lang. Kahit pa shock absorber. O kahit ano pa.
Pathetic.
Tinulungan ko na nga siyang magligpit ng gamit niya at inaya ko siya sa Yvan Navy. Ako na rin ang nag-order ng makakain namin. Ako na din ang nagbayad, kasi tuwing lumalabas na lang kami para mag-aral, hindi niya ako pinagbabayad. Siya lahat ang may gastos. Ngayon, ako naman.
BINABASA MO ANG
Complete Package Ako, Fourth! (CPA #1)
ChickLitThis is a CPA Review inspired love story. Kailan mo kaya masasabi sa crush mo na hindi lang siya ang complete package? Kailan mo rin kaya mare-realize na complete package ka? Kailan kaya? Complete Package Ako, Fourth!