Nag-leave si Dane para masabayan niya akong bumyahe.
Paglabas ko ng kwarto, nakarinig ako ng ingay sa sala kaya agad akong nagtungo doon. I saw Dane and the girls cozying up in the sala.
Sarap na sarap sila sa kwentuhan at sa kape nila. Naiinggit tuloy ako. Sa coffee lang though.
Kagabi, napag-usapan na namin ang mga bawal. Nag-net kami para mag-research para sa mga 'yun. We don't trust our memories na about doon. Sa Health class pa ata noong high school na-discuss ang mga iyon eh.
"Ba't di ka kaya magpacheck up for pre-natal vitamins?" tanong sa akin ni Kez.
"Tanungin ko na lang muna si Ate Ja," vague kong sagot sa kanya.
Bago kasi kami magresearch tungkol sa dos and donts ng pregnancy, tumawag sa akin si Ate Ja para balitaan ako tungkol sa accountant position na sinasabi niya sa akin.
Ipinasa daw niya sa HR Department nila ang resume ko at nakalagay doon na CPA na ako, which means, CPA na rin ako sa Singapore, agad naman daw silang nagpakita ng interes sa akin. Tinatanong niya ako kung ano ba ang plano ko. Pag-iisipan ko muna ang sabi ko sa kanya.
Ayoko namang magpacheck up dito tapos saka rin lang ako magpapalit ng OB.
"Bakit mo pa siya tatanungin?" Lynne asked while her eyes are glued on the laptop screen, skimming over the numerous articles.
"Hmn, I'm contemplating on accepting the job there kasi."
"Well, accept it na. Ang mga opportunity na ganyan ay hindi dapat pinapakawalan," sabi naman ni Kez.
I've made up my mind last night already, I know I'm going to accept it.
Pero, nag-aantay kasi ako, baka kasi biglang maisipan ni Fourth na i-contact ako tapos hindi niya ako ma-reach kasi nasa ibang bansa na ako.
Tinabihan ako ni Kez sa kama and told me, "You need a fresh start. Baka hindi na maganda ang Pinas sa'yo, baka mas mapapabuti ka doon. Susubukan mo lang naman. You can always come back here if it didn't go well. Mas matutuwa nga ako kung andito ka para we can accompany you to your doctor's appointment and we'll shop for baby clothes together. Pero, I want the best for you and your baby. At, sa tingin ko, it's not here."
Nilingon ko naman siya saka niya ako binigyan ng yakap.
Sa tingin ko tama siya. Screw waiting for Fourth to come to his senses. Baka mababaliw lang ako sa kakaantay sa kanya, sa wala. Bahala siya. I've done my part. Now, it's time for me to think for the best.
"Yay! Tignan niyo 'to!" Lynne shouted and she shoved the laptop to us, breaking our hug.
10 WEIRD THINGS THAT HAPPEN DURING PREGNANCY
The glint in her eyes tell me something I don't want to know the she urged us, "Skip the others, mag-jump na kayo sa number 7!" then she made an oooooohhhhh sound. Ansagwa!
SECOND TRIMESTER LIBIDO BOOST
Binatukan naman siya ni Kez habang natatawa, "Parang gusto ko nang mabuntis at tabihan lang 'yung asawa ko sa second trimester."
Tumawa silang dalawa saka naman naalalang kasama nila ako, "Hayaan mo, samahan ka namin sa Quiapo one time para makabili ka ng vibrator mo!" Lynne offered. Binato ko naman siya ng unan for her crass words. "Eh di dildo kung ayaw mo sa vibrator na tawag." Akma ko uli siyang babatuhin pero nagbago ang isip ko, ipinalo ko na lang sa kanya.
"Hoy, seryoso na tayo guys. I want a healthy baby!"
And then we educated ourselves na nga about pregnancy.
BINABASA MO ANG
Complete Package Ako, Fourth! (CPA #1)
ЧиклитThis is a CPA Review inspired love story. Kailan mo kaya masasabi sa crush mo na hindi lang siya ang complete package? Kailan mo rin kaya mare-realize na complete package ka? Kailan kaya? Complete Package Ako, Fourth!