Package #22

2.6K 39 3
                                    

Hindi nga ako binigo ni Fourth.

Kahapon, dahil sa pangungulit niya napapayag niya ako na mag-Enchanted Kingdom kami ngayon. At, pinilit niya rin ako na maaga pa lang susunduin na niya kami.

Matutupad na rin ang inuungot kong Enchanted Kingdom noon.

Hindi na ako nagbukas ng pinto para sa kanya dahil nasa banyo ako nang kumatok siya, paglabas ko, masinsinan ang usapan nila ni Jenny. Hindi ko maalala kung kailan pa sila naglevel up sa ganyang usapan.

Napatingin naman sila sa akin na parang nahuli ko sa kung anuman na binabalak nila, kinunutan ko sila ng noo, "Oh? Ano pinag-uusapan niyo?" tanong ko.

"Wala, pinaghahanda ko lang si Jenny ng damit ng mga bata kasi baka kailanganin nila ng maraming pamalit."

"Ah, okay."

Oo nga naman kasi. Maraming rides baka magpawis sila ng sobra at baka i-try din nila ang mga water rides.

Nae-excite ako! This will be the first trip na kami ang magkakasama. This will also be the first time na mapapanuod ko kung paano ba si Fourth as a father. Oo, nakita ko na kung paano siya sa loob ng bahay, but this will be different. Lalabas na kami, may makakakita.

Nagprito ako ng itlog na agahan namin at kanin, katulad ko, nasanay din ang mga bata sa rice na agahan. Pinakain namin sila ni Fourth at saka pinaliguan at binihisan.

Habang binibihisan namin ang mga bata, kinakausap ako ni Thea in Ilocano, panaka-naka namang sumasali sa usapan si Theo. Tinatanong nila ako kung saan kami pupunta, kung maganda ba doon, kung mag-eenjoy ba sila. Sinasagot ko naman kaagad.

Pagkatapos namin silang binihisan, hinayaan naming manuod muna sila ng tv para ako naman ang mag-prep, papalabas na ako nang higitin ni Fourth ang kamay ko, "Usap muna tayo sandali."

"Okay."

"Don't you think it's time para turuan na sila na magsalita ng Filipino?"

Oo nga naman, panahon na para matuto sila. "Sure, simulan na natin ngayong araw," pagsang-ayon ko naman sa kanya, "Pero, kung gusto mo, aralin mo rin ang dialect namin." Nakangiti kong alok. Napaisip naman siya saglit, bago pa siya makasagot, "Kung gusto mo lang naman," dagdag ko.

Tumango ito na parang sang ayon sa suhestyon ko. "Sure. That way, tuturuan nila ako, tuturuan ko rin sila. That way, mapapahaba ang bonding time namin."

Natuwa naman ako sa sinabi niya, he really wants to spend time with them, knowing them.

"Ohsige, umpisahan mo na ngayon habang nagbibihis ako, noh?" pasimple kong paalam sa kanya. Nacoconscious na rin kasi ako sa kanina pang malalagkit niyang titig sa akin eh. Para kasing tumatagos sa manipis kong duster ang titig niya, nahihiya tuloy ako kasi nagrereact ng kakaiba ang katawan ko sa titig niya. Nakakahiya naman kung mahahalata niya na tumataas ang balahibo ko dahil sa kanya.

"Sige, take your time." Ngiti naman niyang sang ayon saka hinarap ang mga batang nakaupo sa sofa.

Bago ako tuluyang pumasok sa kwarto, nilingon ko uli ang mag aama ko, nakita kong itinaas ni Fourth si Thea saka niya ito idinepodito sa kanyang hita. Nahiga naman si Thea sa dibdib niya.

Ano kaya ang pakiramdam na mahiga sa dibdib ni Fourth?

Agad kong iwinaksi ang iniisip ko at pumasok na sa kwarto. Nadatnan ko namang nakaupo sa kama ko si Jenny, "Oh, Ate, magbibihis ka na ba?"

Tumango ako sa kanya.

"Nga pala Ate, naipaghanda na kita ng babaunin mong damit at toiletries at kung anu ano pa," nakangisi niyang sabi. Was it hagikhik pa ang narinig ko matapos niyang magsalita?

Complete Package Ako, Fourth! (CPA #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon